Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 179 - Kamaganak System

Chapter 179 - Kamaganak System

"Alas dose na at gutom na ako! Siguro naman gutom na rin kayo, kaya tapusin na natin ito!"

Sabi ni Kapitan na kumakalam na ang sikmura at wala ng planong pasingitin pa si Kagawad Nestor para hindi na sila magtagal.

"Kilala mo ba 'to?"

Tanong ni Kapitan sa tindero sabay turo kay Pinuno.

"Hindi, ngayon ko lang nakita ang taong yan!"

"So wala kang nakikilala ni isa dito?"

"Sir, nadaan lang talaga ako dito, hindi ako taga dito! Binitbit lang nya ako!"

Sabay turo kay JR.

Kanina, kinalikot na ni Kapitan ang wallet ng tindero pero wala syang makitang mapagpapakilanlan sa taong ito.

"Paano ka napunta sa tyanggian?"

Patuloy na pagtatanong ni Kapitan Abe.

"Yung pinuno ang tumulong sa akin! Sya ang nagsabi na may pwesto pa dito sa tyanggian nyo magbayad lang ako ng singkwenta!"

"Kilala mo ang pinuno ng tyanggian? Saan kayo nagkakilala?"

"Sa sabungan! Kahapon nagkausap kami at pinapunta nya ako ngayon dito sa tyanggian ng maaga!"

"Maituturo mo ba kung nasaan si Pinuno?"

"Hindi! Wala sya dito ngayon! Pero kaninang umaga adun sya, ihinabilin nya ako dun sa kapatid nya! Yung katabi ko sa pwesto!"

Kinakabahan na si Pinuno. Kilala nya ang tinutukoy nito na nagpapanggap na Pinuno. Ang kapatid nya!

beep beep...

Nagulat si Kapitan ng biglang tumunog ang cellphone nya at makita lahat ng impormasyon ng tinderong ito.

Napatingin sya kay JR.

"Ikaw ba ang....."

Tumango si JR.

'Paano nito nalaman ang email ko?'

Sigurado na sya ngayon na hindi basta basta ang taong ito.

Binasa nya ang impormasyon.

"Renato Palancio?"

Napakislot ang tindero.

'Paano nya nalaman ang pangalan ko?!'

"....ikaw ba 'to?"

At iniharap ni Kapitan ang cellphone nya sa tindero.

Namutla ang tindero.

"Hi..Hindi! Hindi ako yan!"

Pero kita ang pamumutla nito ng makita ang mukha nya na may nakalagay na wanted.

May kaso syang murder sa Samar na hindi nya alam. Ang totoo nadawit lang sya dun dahil sa kasakiman nya. May nakita syang binaril pero imbis na tulungan, ninakawan pa nito.

Naghihingalo at nagmamakaawa ang biktima na tulungan sya pero hindi nya pinansin. Nilimas nya lahat ang pera at mga alahas ng biktima pati sinturon at sapatos nito.

At dahil nasa buong katawan ng biktima ang mga fingerprints nya kaya sya naging prime suspect.

"Tumawag kayo sa police station para arestuhin ang taong ito!"

Utos ni Kapitan sa mga tanod duon.

Biglang napaluhod ang tindero, nagmamakaawa. Baka sakaling maawa sila sa kanya.

"Sir, maawa na kayo, wala po talaga akong alam!"

"Mga suki, patawarin nyo ako pangako babayaran ko lahat ng atraso ko senyo, dodoblehin ko pa at nangangako ako na hindi na ako muling babalik pa dito!"

Nagulat naman si Kagawad Nestor sa mabilis na nangyayari sa paligid nya.

"Ano na bang nangyayari, bakit lumuhod at humahagulgol yung tindero?"

Tanong nito sa tanod na katabi.

Tiningnan nya si Kagawad Nestor na may pagkadismaya.

'Grabe ang slow nya!'

"Makinig na lang po muna tayo Kagawad para maintindihan natin!"

Sagot ng tanod

"Pero wala akong makita, paano ako makikinig?"

Tanod: "...."

"Kung bakit kasi ang daming pupwestuhan nitong si Kapitan sa harapan ko pa!"

Tanod: 'Talagang sinisi pa si Kapitan! Bakit di kaya sya tumayo? Hmp!'

"So, inaamin mo na ikaw ang tindero na nirereklamo nila, ganun ba, Mr. Renato Palancio?"

Tanong ni Kapitan.

"Opo Sir, totoo po! Yun po kasi ang suggestion nung dalawang katabi ko kanina para daw madaming bumili sa akin!"

Umaliwalas at nakahinga na ng maluwag si Mel.

"Kapitan pwede na po ba kaming umalis? Kailangan pa po namin magtinda sayang po ang araw! Wala pa po kaming nabebenta mula kanina!"

Sabi ni Mel.

Sumangayon naman si Kapitan dahil usaping matatanda na ito at napatunayan na naman na wala talaga silang kinalalaman dito.

Pero...

"Teka po muna sandali, mamang Kapitan, may sasabihin muna po ako bago kami umalis! Pwede po ba?"

Sambit ni Eunice.

"Ano yun Ineng?"

Tanong ni Kapitan.

'Ang sweet sweet talaga ng batang ito!' Nakakagigil!'

Pakiramdam ni Kapitan kahit ano atang hilingin ni Eunice ibibigay nya.

"Eh, mamang Kapitan, gusto sana rin namin ireklamo si Pinuno dahil sa nangyari, hindi po kasi kami nakapagtinda ngayon, bayad na naman po kami sa kanya! Adavance pa nga po yung bayad namin sa kanya!"

"Tama po yun!"

Sabat ni Kate na kanina pa tahimik.

"Kasalanan nya po ito kaya kami walang kinita at napagbintangan pa!"

'Jusko, eto na naman kami! Kaya nga gusto ko ng umalis at baka maparambol na naman itong magpinsan na 'to lagot na naman kami kila Tita!'

"Sissy, Kate myLabs, siguro sa susunod na lang natin kausapin si Kapitan tungkol dito!"

"Hindi pwede Beshy! Pag may natatanggap na reklamo si Pinuno kila Aling Sioning at Aling Benita agad nyang ginagawan ng paraan! Kaya bakit hindi tayo pwedeng magreklamo!"

"Tama si Eunice! Nung magreklamo yung 2 na nasisikipan sila sa atin diba pinadagdagan nila ang space natin kaya natriple ang bayad natin! Imbis na 50 150 pesos a day, pero sino ba nakikinabang ng space na yun diba sila?!"

"Tapos hindi pa sila nakuntento, kailangan daw advance! At binigay naman namin diba, Pinuno advance kami sa'yo ng 1 month? Kaya bakit tayo hindi pwedeng magreklamo, dahil ba sa mga kamaganak lang nya ang kaya nyang pagbigyan! E, hindi na nga makontrol ang mga kamaganak nyang yan!"

Nanggigil na sambit ni Kate.

"Totoo ba 'to, Pinuno?"

Hindi nakaimik si Pinuno. Totoo ang sinabi ng mga bata, hindi na nya kayang kontrolin ang mga kamaganak nya.

"Huwag kayong magaalala mga bata at aaksyunan ko ito agad! Sige na makakaalis na kayo!"

"Salamat po Mamang Kapitan!"

At tumalikod na sila.

"Teka ... sandali lang! Saan kayo pupunta?"

"Sinong may sabing makakaalis na kayo? Hindi pa kayo tapos!"

Bulalas ni Kagawad Nestor. Nakatayo na ito at nakapamewang pa sabay turo sa mga bata.

Lahat: "....."