Lahat: "..."
'Andyan pa pala sya?!'
Tumingin lang kay Kagawad Nestor ang mga bata, saka tumalikod na ang mga ito sabay alis kasama sila Reah at JR.
"Aba't...."
Nagsalubong ang dalawang kilay nito sa inis ng makitang hindi man lang sya pinansin ng mga bata.
"Anong tinutunganga nyo dyan? Habulin nyo ang mga bwisit na batang iyon at ibalik dito!"
Utos nya sa mga tanod.
Tumalima naman ang ilang tanod pero hindi para hulihin sila Mel kundi para tulungan ang mga ito na makaalis agad.
Sumunod si Kagawad sa mga tanod sa paghabol sa mga bata pero laking gulat nya ng malamang wala na ang mga ito.
"Bakit ninyo hinayaan na makaalis ang mga yun?"
"Utos po ni Kapitan!"
Sagot nila.
Kanina, sinenyasan sila ng Kapitan na tulungan ang mga bata para makaalis agad dahil alam nitong hindi sila titigilan ni Kagawad Nestor.
Gigil na gigil sa galit si Kagawad Nestor! Kaya wala itong nagawa kundi bumalik sa loob ng baranggay hall.
Ngunit pagbalik nya sa loob ng baranggay, nagulat sya ng makitang wala ng tao duon.
"Asan na sila?"
"Nasa taas po Kagawad, sa opisina ni Kapitan!"
"Lintek na mga yun hindi man lang ako inantay!"
Umakyat sya sa taas.
'Isa akong Kagawad kaya dapat lang na andun din ako!'
Pagdating nya sa opisina ni Kapitan, naka lock ito at kaya hindi sya makapasok.
Blag! Blag! Blag!
Sinisipa nito ang pinto sa inis para pagbuksan sya.
"Hoy! Buksan nyo ko ng pinto!"
Nabwisit si Kapitan sa ginawa ni Kagawad Nestor.
Kasalukuyang kausap nito si Gob. Pancho sa video chat kaya maging ito ay nainis sa nadinig nya.
"Sino ba yung kung makakatok walang modo?"
"Gob. si Kagawad Nestor po, gustong pumasok!"
"Grabe namang kagawad yan, wala man lang manners!"
"Oonga! Kaya nga tayo umakyat dito sa opisina ni Kapitan dahil nakakapikon na sya, walang sense kausap!"
"Naku Kapitan, lalo po tayong magtatagal dito pag pinapasok nyo yan! Puyat po kami dahil galing kaming trabaho at gutom na gutom na rin po dahil kaninang umaga pa po kami hindi kumakain, kaya pwede po ba tapusin na natin ito ng makakain na at makapagpahinga!"
Medyo napahiya si Gob Pancho ng malamang pinsan nya pala yung maingay.
"Kapitan, utusan mo nga ang mga tanod mo na patigilin na yang si Kagawad Nestor at pag nasira nya yang pinto sya kamo ang magpapagawa nyan!"
Agad na tinawagan ni Kapitan Abe ang mga tanod sa baba at sinabi ang iniuutos ni Gob., hindi kasi ito titigil kung hindi nya sasabihin na si Gob ang may utos.
Maya maya nadinig na nila ang mga tanod na pinipigilan si Kagawad Nestor pero imbis na sumunod lalo itong nagalit at lalong sinipa ng malakas ang pinto.
BLAG! BLAG! BLAG!
"Jusko ano bang klaseng tao yan, hindi na nahiya?!"
"Kagawad ba talaga yan? Paano nanalo yan?!"
"Huy hinaan nyo ang boses nyo at baka madinig tayo ni Gob! balita ko pinsan nya yan!"
"Haaay naku, mas kailangan nga nya madinig yan para malaman nya na nakakasira ng image nya ang pinsan nya!"
"Oonga at ang yabang pa! Hindi na nahiyang ipagduduldulan pa na Abellardo sya wala naman manners!"
Napahiya si Gob. Nadinig nyang lahat ang sinabi nya at naisip nyang hindi na dapat ito tumakbo sa darating na eleksyon ng baranggay.
*****
Samantala.
Pagkaalis sa baranggay hall dumiretso sila sa isang stall sa may kabilang kanto lang ng baranggay hall.
Kanina nakatanggap si Mel ng text sa ina at sinabing magtungo sila duon.
Tama lang sa laki ang stall na nakuha ni Carla. Dati itong bakery na nagsara dahil nalugi. Maganda rin ang pwesto nito dahil malapit sa school at sa pabrika. Malapit din ito sa tyanggian.
"Anong masasabi nyo?"
"Ma, ang laki naman po ng kinuha nyo!"
"Melabs naliliitan nga ako eh!"
"Hindi! Tama lang ang sukat nya! Kundi ako nagkakamali nasa 3 meters ang width at 4 meters ang length nya!
Salamat po Tita Carla!"
Sabi ni Eunice.
Nagiti lang si Carla ng madinig ang sinabi ni Eunice.
'Para syang karpentero alam nya sukat!'
"Sissy, ano naman ang ilalagay natin dito?"
"Beshy look! Sa kaliwa ang papuntang factory, sa kanan ang school at sa harap ang tyanggian, park at sa dulo ang palengke!"
"Pwede tayong magtinda dito ng lutong ulam!"
Hindi naisip ni Mel yun dahil ang iniisip nya ang babayarang renta. Pero ang hindi alam ni Mel, pareho ang iniisip ni Carla at Eunice.
Nahihirapan na rin kasi syang mag ahente kaya naisip nyang tumigil na lang at maghanap ng ibang pagkakakitaan.
Kaya ng malaman nyang magsasara na ang bakery, agad nitong kinausap ang may ari at napapayag naman agad ito basta sila na ang mag papaayos.
'Kailangan kong magsikap para sa mga anak ko!'
Sa huli, napapayag din si Mel dahil pinagtulungan syang kumbinsihin ng tatlong babae sa harapan nya.
"Sige na, suko na ko! Payag na ako dito!"
"Actually Mel my son, kahit hindi ka pumayag itutuloy ko pa rin 'to! Pagod na rin ako sa pagaahente kaya gusto kong subukan ito!"
Sagot ni Carla kay Mel.
"Now let's eat!"
Habang kumakain ng lunch, napagkwentuhan nila ang mga nangyari kanina sa baranggay.
Pero biglang may naaala si Kate.
"Syanga pala Melabs, bakit hindi ka pa nageenrol?"
Napatigil ang mag ina. Malapit na nga pala ang pasukan pero wala pa rin silang ipon.
"Uhm... kase Kate myLabs, gusto ko munang unahin ang dalawang kapatid kong magenrol lalo na si Tina na graduating na ngayon sa elementary!"
"Bakit Beshy, Tita Carla, may problem po ba kayo financially? Pwede naman po natin kausapin si Tita Ames with regards sa enrollment nila Tina and Ian, papayag naman po yun ng promissory notes! Gusto nyo po sa Monday samahan namin kayo pagkatapos magtinda!"
Na touch si Carla at inakap ang dalawa. Ilang araw na kasing sumasakit ang ulo nya sa kaiisip kung saan kukuha ng perang pang enrol.
Pero si Mel nagaalangan, hindi sya makatingin sa dalawa. Hindi nya kasi alam kung papaano nya sasabihin sa mga ito na titigil na sya sa pagaaral.