Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 176 - Walang Pasabi

Chapter 176 - Walang Pasabi

Habang kinakausap ng kagawad ang kampo nila Mel at mga nagrereklamo, pababa naman ng hagdan si Kapitan kasama si Pinuno.

Nadidinig nila ang palitan ng salita ng kagawad at ni JR.

"Pinuno!"

Tawag ni Mel sa kanya ng mamataan ito sa hagdanan.

Sabay sabay na tumayo ang mga bata at patakbo silang lumapit kay Pinuno habang nakaalalay naman si JR at Reah sa kanila dahil sinubukan silang pigilan ng mga bantay ng tyanggian.

"Pinuno mabuti at nakita ko na kayo! Meron po akong gustong itanong sa inyo at kanina ko pa po kayo inaantay!"

Nagulat man si Pinuno dahil hindi nya inaasahan na makikita sila dito, hindi nito pinahalata dahil katabi nya si Kapitan.

"Bakit kayo andito mga bata?"

"Dahil may nagrereklamo sa kanila!"

Sabat agad ng Kagawad na nainis sa ginawang biglaang pagtayo at pag alis sa pwesto ng mga bata.

Feeling nya nababastos sya.

"Ano bang nangyayari?"

Nagtatakang tanong ng Kapitan na napahinto na rin sa tabi ni Pinuno.

Napansin din nya kasi na halatang mainit na ang ulo ng kagawad na ito baka malintikan ang mga bata.

"Kasi ho Kapitan, dinala ang mga yan dito mula tyanggian dahil inirereklamo ng mga customer na ito! Inaayos ko na at pinababayaran sa kanila ang mga danyos para matapos na ito kaso, nakikialam itong si Sir at ayaw makinig! Sinabi ko ng yun ang rules and regulations natin pero ayaw pa rin makinig!"

Paliwanag ni Kagawad.

"Asus, mga tao nga naman kung makaasta akala mo kung sino!"

Pahabol pa ni Kagawad na halatang pinariringgan si JR.

Mukhang napikon ito kanina ng ipakita ni JR ang ID nya at sagut sagutin lalo na ng sabihin nitong wala syang sense kausap.

"Papaano ako makikinig e ayaw mo rin makinig! Gusto mo ikaw lang ang pinakikinggan!"

Sarkastikong sagot ni JR.

"Aba't....."

Hindi maituloy ni Kagawad ang sasabihin dahil naroon si Kapitan at naka kunot na ang noo at matalim ang tingin sa kanya.

Hindi sya takot dito pero malapit na ang eleksyon at ayaw nyang makalaban si Kapitan. Malakas kasi ito sa mga tao.

Binalingan ni JR ang Kapitan.

"Mawalang galang na po Kapitan pero hindi ba dapat iniimbestigahan nyo muna ang sitwasyon kung may kasalanan nga si Mel o wala! Ni hindi man lang nya binigyan ng pagkakataon na magsalita yung bata! Wala man lang tanong tanong!"

"Tama po ba yun? Ganito po ba ang pamamaraan nyo dito sa baranggay nyo o sadyang diktador lang talaga itong Kagawad nyo?"

Deretsahang tanong ni JR.

Tiningnan ni Kapitan si JR mula ulo hanggang paa, kinikilatis mabuti.

'Mukhang hindi basta basta ang taong ito!'

"Aba teka, sumosobra ka na ah!"

Nanggigil na si Kagawad sa galit at pakiramdam ng lahat umuusok na ang ilong nito.

"Ehem! Tama na yan!"

Saway ni Kapitan ng mapansin na gusto pang sumagot ni Kagawad.

"Huminahon muna ang lahat at aayusin natin ito! Hindi ito maayos kung magiinit ang mga ulo natin! Mga bata magsibalik muna kayo sa upuan nyo!"

"Pasensya na po Kapitan pero hindi po ako aalis sa tabi ni Pinuno hangga't hindi ko po sya nakakausap! May kailangan po kasi akong itanong sa kanya!"

"Tingnan nyo Kapitan ang tigas ng ulo ng batang yan!"

Saba't ni Kagawad.

Wala syang mapagbuntungan ng galit nya kaya si Mel ang napagdiskitahan.

"Ano ba yun Mel?"

Nakakaramdam na rin si Pinuno ng pagkairita kay Mel kaya tinanong na nya.

"Pinuno, bakit nyo naman po ako inalis agad sa pwesto ko ng hindi nyo po sinasabi? Bayad naman po ako ng isang buwan sa inyo at sumusunod naman po kami sa lahat ng iniuutos nyo! Sana naman po sinabi nyo agad ng mas maaga para kahit po papaano nakapagtinda kami sa ibang lugar!"

"Huh?!"

"Anong ibig mong sabihin Mel, hindi ko maintindihan?"

Nagtatakang tanong ni Pinuno sabay tingin sa dalawa nyang taga bantay ng tyanggian.

Nagkibit balikat lang ang dalawa dahil hindi din nila naiintindihan.

"Kanina po kasi Pinuno, pagdating ko sa tyanggian, may iba na pong nakapwesto sa ibinigay nyong pwesto sa akin!

Sabi po nung mamang nakapwesto dun, nagbayad na raw sya sa inyo at ikaw daw po ang hanapin ko at tanungin kung may reklamo ako! Sya din po ang nagpaalis at nagtaboy sa akin palabas ng tyanggian, kaya po hindi ako nakapagtinda!"

Nasa may kanto lang po ako sa entrance ng tyanggian nagaantay po sa inyo para po makausap kayo! Tapos po, dumating po sila at nirereklamo ako sa bagay na wala po akong alam!"

Nagulat si Pinuno lahat ng sinabi ni Mel at muling tiningnan ang dalawang bantay ng tyanggian na iniwasan ang mga tingin nya, na parang na gi guilty.

Sila kasi ang nagpatuloy duon sa tinutukoy nyang mamang tindero dahil akala nya kariton ni Mel yun.

Maging ang lahat ay natigilan at nakapagisip isip.

'Ibig bang sabihin nito hindi sa kanya ang panindang inirereklamo!'

Medyo nakaramdam ng pagkapahiya ang mga customer na nagrereklamo.

Pero hindi si Kagawad. Dahil sa tingin nito nagdadahilan lang si Mel para makaligtas sa atraso nya.

"Ano man ang dahilan mo Mel, kailangan mo pa ring bayaran ang mga nagrereklamo sa inyo!"

"Yan ang rules, "The customer is always right! Ikaw ang tinuturo nila kaya ikaw pa rin ang lalabas na mali dito!"

Buong tapang na sabi ni Kagawad.

Lahat ng naroon ay sabay sabay na napatingin sa kanya.

'Ano bang klaseng kagawad ito, nasaan ang utak? Paano nanalo ito?!'