Sya si Kagawad Nestor Abellardo, pinsan ng gobernador ng bayan na si Governor Pancho Abellardo, ang nagpapanggap na may ari daw ng Ames Academy.
Ambisyoso itong si Kagawad kaya kinulit ang pinsan nyang si Gob Pancho para tulungan syang tumakbo sa pulitika kahit wala itong alam sa batas.
Walang nagawa si Kapitan Abe Bermudez, ang kasalukuyang Kapitan, ng sapilitang isama ni Gob. Pancho si Kagawad Nestor sa team nya ng mga kagawad ng una itong tumakbo bilang Kapitan.
At dahil isang Abellardo si Nestor, madali nyang nakuha ang simpatya ng mga botante.
Ngayon, pangalawang termino na nya ito at may plano pang tumakbo ng ikatlo sa darating na eleksyon ng baranggay. Marami ang nagsasabi na sya na ang papalit kay Kapitan Abe kapag natapos na ang termino nito.
Ngunit ngayong inilalabas na nya ang tunay nyang pagkatao, nangingiti ng lihim si Kapitan Abe.
Hindi pinansin ni Kagawad Nestor ang mga tingin sa kanya ng mga nasa paligid.
'Bakit, mali ba ako? Sa grocery ko pag may nagreklamo sa mga tauhan ko, kasalanan man nila o hindi, ang mga tauhan ko pa rin ang mali!'
'The customer is always right nga e, hindi ba nila naiintindihan yun?!'
Hindi na mapigil ni Eunice ang sarili, hindi na nya kayang manahimik. Kaya mula sa likod lumapit ito at hinarap si Kagawad Nestor para mas madinig nito ang sasabihin nya.
"Kagawad, gaya ng sabi nyo the customer is always right! Tama po ba?"
"Tama iha!"
'Mabuti pa itong bata nakuha ang ibig kong sabihin!'
"At sila naman po ang mga customer na nagrereklamo, tama po ba?"
Sabay turo sa mga customer na naroon.
Hindi nagsalita ang mga customer dahil sa mga oras na iyon alam na nila na mali sila at nakakahiya kung aaminin nila.
"Oo iha, tama ka na naman!"
Bakit iha, hindi mo ba alam, akala ko kasama ka nila?"
Tanong ni Kagawad Nestor kay Eunice.
"Kasi po Sir, nalilito lang po ako kung bakit hindi ninyo sila tinanong kung kanino sila bumili!"
"E, bakit ko pa sila tatanungin kung sinabi na nila kung sino ang nirereklamo nila?"
"Siguro po para malaman ninyo kung kanino po silang customer!"
Kagawad Nestor: "????"
'Ano bang pinagsasabi ng batang ito, kanino ba itong anak at may katangahan?'
'Hindi ba nya naiintindihan na lahat ng pumasok sa tyanggian ay customer?'
Mukhang puzzle ang mukha ni Kagawad Nestor kaya binalingan ni Eunice ang mga nagrereklamong customer.
"Ano pong masasabi nyo, mga suki? Tama po ba ako o tama ako?"
Nagkatinginan sa isa't isa ang mga nagrereklamo. Kinokonsenya sila sa mga tingin ni Eunice.
"Uhm... kasi dati na kaming namimili kay Mel kaya alam na namin na yun ang pwesto nya!"
"Saka, pareho ang kariton ng mamang tindero ngayon at ng kariton ni Mel, kaya natural lang na isipin namin na sa kanya yun!"
"At ng tanungin ko yung tindero kung nasaan ka Mel, ang sabi nya magiging busy ka na daw kaya ibinigay mo na ang pamamahala ng fishbolan sa kanya!"
"Pero ng magreklamo kami dahil hindi namin nagustuhan yung paninda, ang sabi nya sa amin sa'yo daw Mel, kami dapat magreklamo dahil nagtitinda lang sya at sa'yo yung pwesto!"
"Ayun naman pala e! So malinaw na, ikaw ang dapat managot dito! Dahil ikaw ang nagbigay ng pamamahala sa taong iyon at isa pa dahil pwesto mo yun kaya responsable ka dun!"
Mayabang na sabi ni Kagawad Nestor.
"Pero hindi ko po kilala ang taong iyon kaya bakit ko naman ipagkakatiwala sa kanya ang mga paninda ko at pwesto ko?"
"Saka kung ibibigay ko man ang pamamahala ng pwesto ko mas gugustuhin ko pang ibigay ito sa Mama ko!"
May katwiran si Mel.
Walang hindi nakakakilala sa kanya sa lugar na yun, alam na ata ng lahat ang nangyari sa ama nito.
"Pinuno, wala po ba kayong sasabihin? Kasalanan nyo ito e! Kung hindi kayo nagpabaya hindi mangyayari ito!"
Naiiritang tanong ni Kate.
Napahiya si Pinuno. Hindi nya inaasahan na deretsahan syang sisihin ng batang ito.
"Huwag kayong magaalala mga bata, pagiimbestigahan ko ito!"
"Kelan po? Hindi ba dapat na pinupuntahan nyo na ang taong yun at bitbitin papunta dito para matapos na ito? Kasi po ang hirap kausap ng kagawad nyo!"
Iritadong iritado na si Kate. Halata na rin sa tono ng boses nya.
"Aba't...."
Napakunot ang noo si Kagawad Nestor.
"Hoy bata ka, anong ibig mong sabihin na mahirap akong kausap?"
"Kagaya po ng sinabi ni Kuya JR, wala kayong sense kausap!"
Sarkastikong sagot nito.
"At anong ibig nyong sabihin sa wala akong sense kausap? Ha?!"
Singhal ni Kagawad Nestor.
Pero hindi sya sinagot ni Kate at tinawag nito si JR at kinausap ito.
Napikon si Kagawad Nestor ng balewalain sya ni Kate.
Nangingiti naman sa may gilid si Kapitan Abe.
'Sige lang Kagawad Nestor, ipagpatuloy mo yang ginagawa mo, patuloy mong sirain ang pangalan mo para may maidadahilan na ako sa pinsan mo na tanggalin ka sa team ko!'
"Hoy bata ka, kinakausap pa kita! Huwag kang bastos! Ipapatawag ko ang mga magulang mo e!"
Pero tuluyan syang hindi pinansin ni Kate na parang walang naririnig.
Ganito talaga si Kate pag galit na, tumatahimik para makontrol nya ang galit nya.
At kung si Kate tahimik pag galit, kabaligtaran naman si Eunice! Maingay ito at mapagpatol tulad ng ina.
"Mamang kagawad, ang ibig pong sabihin nila ay para po kayong .... TANGA!"