Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 173 - Hindi Sya Makakapayag

Chapter 173 - Hindi Sya Makakapayag

"Pasensya na po kayo Aling Sioning, Aling Benita!"

Buong pakumbabang sabi ni Mel sa mga katabi nya.

"Hmp! Hindi na kayo nakakatuwa, wala kayong malasakit sa kapwa nyo!"

"Teka lang po, Aling Sioning, Aling Benita, ano po bang mali sa ginagawa namin e nasa ayos naman po ang pagtitinda namin pati ang kariton at paninda namin!"

Tanong ni Eunice na nagtataka kung ano ang nirereklamo nila.

Tiningnan pa ni Eunice ang pagitan ng kariton nya at kariton ng mga katabi nila. Malaki naman ang agwat nila, halos tatlong tao kasya, kaya anong nirereklamo ng mga ito.

"Hmp! Hindi mo ba nakikita o nagbubulagbulagan ka? Tingnan mo, tingnan mo!!! Ang mga customer nyo natatabunan na ang pwesto ko! Hindi na tuloy makita ng mga suki ko ang mga paninda ko! Hmp!"

"Anong pinagsasabi nya Melabs, may suki ba sya?"

Pabulong na tanong ni Kate.

"Shhhh! Huwag kang maingay baka mapaaway tayo dito!"

"Eh, sige po Aling Sioning, Aling Benita aayusin po namin! Pasensya na po, pasensya na po!"

Buong pakumbaba sabi ulit ni Mel.

"Pasensya, pasensya! Hmp!"

Nakaismid na sabi ng dalawa.

Hindi na sila muling sumagot at baka humaba pa, nakiusap na lang sila sa mga customer na umayos ng pila.

Pero kahit na naayos na ang pila, patuloy pa rin sa pagrereklamo ang dalawang katabi nila hanggang sa maubos ang paninda nila Mel.

Masaya silang nagayos at nagligpit ng mga gamit saka umalis dala ang kariton nila.

Wala silang malay na inireklamo na pala sila nila Aling Sioning at Aling Benita sa namumuno ng tyanggian na iyon.

"Pinuno, hindi naman tama ito, wala ng mamimili sa amin lahat na kay Mel!"

"Oonga naman pinuno! Paano naman kami, na gusto ring kumita?"

"Bakit ba, ano bang problema nyo sa mga batang iyon?"

Wala syang problema kila Mel dahil sa mga ito dumodoble ang dami ng taong napupunta sa tyanggian. Magaganda kasi ang mga strategy na naiisip ng mga bata at nakakatulong din ang mga strategy nila sa iba pang manininda.

Pero meron talagang mga tao na katulad ng dalawang nagrereklamo na ito na ang alam lang ay magreklamo.

"Wala na pong namimili sa amin pinuno, lahat na kay Mel na!"

"Pero wala naman mali sa mga ginagawa nila, sumusunod naman sila sa rules and regulation at doble pa nga ang binabayad nila sa pwesto kahit pare pareho lang ang sukat ng pwesto nyo!"

Nung nakaraan kasi nagreklamo rin ang mga ito na dapat daw doble ang ibayad ni Mel sa pwesto nya sa dami ng paninda nya pero hindi lang naman sya ang madami ang paninda, sya lang ang talaga ang pinagiinitan nila.

Kaya sa huli, para walang away, si Mel na ang nagkusang magbayad ng doble para manahimik na sila.

"Pinuno, ang amin lang naman ay sana huwag nyang solohin ang mamimili, dapat papuntahin din nya sa amin para mabilan din kami!"

'Jusmiyo itong mga taong 'to pinasasakit ang ulo ko!'

"Okey sige, ganito, kakausapin ko ang mga bata at ipararating ko ang mga hinaing ninyo!"

"Pinuno, kapag hindi nyo po ito binigyan pansin, aalis kami at hahanap ng ibang tyanggian!"

'Bakit ba pakiramdam ko pinapipili ako ng mga ito kung sino ang dapat na manatili?'

"Ano ba talagang gusto nyong gawin ko sa mga bata, paalisin sila?"

"Hindi ko naman kayo pinipilit na sumali sa tyanggian na ito. Kung ayaw nyo ay wala naman akong magagawa!"

Natapos ang usapan nila na ang nasa isip ng dalawa ay pagbibigyan ni pinuno ang kahilingan nila, pero ang nasa isip naman ng pinuno ay sana umalis na sila ng kusa.

*****

Kila Mel.

Pagkatapos nilang mamili ng mga paninda para bukas, dumiretso naman sa pagluluto ang mag Labs habang busy naman si Eunice sa pag co compute ng kita nila.

"Guys, since marami na ang ipon natin, bakit hindi na lang tayo kumuha ng pwesto?"

Suggestion ni Kate.

"Pero Kate myLabs, diba dagdag gastos lang yun? Saka hindi naman ito magtatagal dahil malapit na ang pasukan!"

May nararamdamang kirot sa puso ni Mel ng sabihin nya ang huli.

Pero sayang kasi Melabs kung ititgil natin! Anong masasabi mo Eunie?"

Magandang idea nga yan, kahit maliit lang at least sarili natin hindi tayo nakikihati, saka hindi pa tayo mapapaaway!"

"See I Melabs, yan ang ibig kong sabihin!"

"Pero... pero....!"

Hindi matapos ni Mel ang sasabihin. Ang pera kasi na makukuha nya sana dito ay ibibigay nya sa ina para makapag enrol ang dalawang kapatid nya.

Sa sitwasyon kasi nila ngayon, wala na talaga syang planong magaral! Magtatrabaho na lang sya o magtitinda para matulungan ang ina. Mas maganda ito kesa hintayin nilang maka recover ang tatay nya sa nangyari sa paa nya.

"Mga bata anong pinag me meetingan nyo, pwede bang sumali? Hehe!"

Sabay sabay silang napalingon sa may pintuan.

"Mama!"

Isa isa silang tumayo at lumapit kay Carla para salubungin ito at magmano.

"Tita, tamang tama po ang dating ninyo, kailangan po kasi namin ng payo ng isang expert na katulad nyo!"

Sabi ni Kate.

'Etong batang ito magaling mag salestalk!'

"Tungkol ba saan ha!"

"Gusto po kasi namin na maghanap ng pwesto para sa ganun makapagtinda kami ng maayos, dami po kasing nagrereklamo sa tyanggian!"

Kanina pa si Carla sa labas kaya nadinig na nya ang tungkol dito at nakita na din nya ang reaction ng anak at aminado syang nakaramdam sya ng takot ng makita ang reaction nito kanina.

Kita nya sa mga mata nito na desidido na ang anak na balikatin ang responsibilad ng pamilya.

Hindi sya makakapayag!