Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 174 - Si Mel Na Walang Malay

Chapter 174 - Si Mel Na Walang Malay

Sa paningin ni Carla, isa lang itong laro kila Kate at Eunice, pero hindi sa anak nyang si Mel.

Kilala nya ang anak nya, alam nyang seryoso ito, kaya kailangan nyang makialam para hindi masira ang future ng bata.

"Maganda yang idea nyo at matutulungan ko kayo dyan!"

"Pero Ma.....!"

"Huwag kang magaalala Mel, ako ang makikipagusap!"

"Magkano ba ang budget nyo para sa pwesto?"

"Tita kahit maliit lang po, pagtitindahan lang naman po! Mga nasa 1,500 po siguro kakayanin! Pwede naman kasi tayong magdagdag ng paninida kung kinakailangan!"

Sagot ni Eunice.

'Wow! Parang hindi mga bata itong kausap ko!'

"Sige, maghahanap ako bukas! Wala naman akong gagawin!"

"Tita, kayo na po ang magtago nitong pera, kayo na pong bahala! Mas maganda po kung adult ang makikipagusap para madali ang transaction!"

"Hindi Ineng! Hawakan mo na yan at bukas tayo magusap! Huwag nyong iiwan ang pera nyo dito, dalhin nyo, okey!"

Hindi maintindihan ni Eunice kung anong ibig sabihin ni Carla pero sumunod na rin sya. Wala kasing kinukwento si Mel sa kanila sa sitwasyon sa bahay nila.

Kaya paguwi ng magpinsan, hindi nila ito maiwasang pagusapan.

"Cuz' mukhang may malaking problema si Melabs, napansin mo ba?"

"Oo Ate Kate napansin ko! Malamang tungkol sa Papa nya!"

"Kanina, ng mabanggit nya ang pasukan, parang may something, hindi ko mapinpoint!"

Nakaramdam ng kaba si Eunice sa sinabi ng Ate Kate nya.

"Bukas kausapin natin sya!"

*****

Samantala sa bahay nila Mel.

"Ma, bakit po kayo pumayag? Mas makakabuti po kung kariton na lang ako magtinda, sayang po ang ibabayad sa pwesto!"

"Tama ba ang nadinig ko anak? "AKO" ang sinabi mo?"

Napahinto si Mel.

"Mel anak, wag mong solohin lahat ng responsibilad! Kami ang mga magulang mo kaya kami ang responsable sa'yo! Huwag na huwag mong gagawin yan! Hindi pa ako inutil, kaya ko pang magtrabaho!"

BLAG!

"Sinong tinatawag mong inutil, HA?!"

Nagulat pareho ang mag ina ng pabalibag na binuksan ng ama ni Mel na si Carl ang pintuan. Lasing ito at mainit ang ulo.

"Ako ba?! Ako bang tinatawag mong inutil?!"

"Carl, pwede ba, lasing ka! Saka kita sasagutin kapag normal na yang pagiisip mo!"

PAK!

Nagulat si Carla ng bigla syang sampalin ng asawa.

"MAMA!"

Nilapitan ni Mel ang ina.

"Pa, tama na po!"

Nadinig ng mga kapatid ni Mel ang nangyayari sa loob kaya pumasok ang mga ito at parehong lumapit sa ina.

"Ano 'to, pinagkakaisahan nyo ako porket wala na akong silbi sa pamilyang ito?!"

Lulusob pa sana si Carl pero nakita ni Carla ang isang basong may lamang tubig at ibinuhos ito sa asawa.

"Carl, hindi ka inutil, isang paa lang ang nawala sa'yo! Ikaw lang ang nagiisip nyan!"

Nagiiyakan na ang mga anak nito, natatakot sa pagaaway nila.

"Palibhasa hindi ikaw ang nawalan ng paa kaya hindi mo nararamdaman ang sakit ng kalooban ko!"

"Carl, isang paa lang ang nawala sa'yo, nakakatayo ka pa! Kaya tumigil ka na sa pagiging bugnutin mo at tanggapin na wala na ang paa mo, dahil kahit anong gawin mong pagmamaktol dyan, hindi na yan tutubo ulit!"

"Hindi natatapos ang responsibilad mo bilang magulang sa pagkaputol ng paa mo, Carl! Kaya kung gusto mo na magmukmok ng magmukmok dyan bahala!"

At iniwan na nila si Carl na inis na inis.

"Mga anak, tandaan nyo 'to, hindi tayo magpapatalo sa buhay! Lalaban tayo!"

*****

Kinabukasan.

Alas sais pa lang nasa tyanggian na si Mel. Lagi itong maaga dahil aayusin pa nya at lulutuin ang paninda pero nagulat sya ng may ibang nakapwesto sa pwesto nya.

"Teka po Manong, dyan po ang pwesto ko!"

"Hoy bata, nagbayad ako ng pwesto ko dito at sinabi nila sa akin na walang nakapwesto dito kaya ako dito pumwesto!"

"Sino pong nagsabi sa inyo na walang nakapwesto?"

"Sila!"

Pero deadma ang dalawang nasa tabi nito na sila Aling Sioning at Aling Benita.

Pareho ang tinda ng Mamang ito sa tinda ni Mel bagay na pinagbabawal sa tyanggian para hindi nagkakaroon ng competition, kaya hindi nya maintindihan kung bakit hinayaan ni Pinuno ito.

"Bata, pwede ba alisin mo na yang kariton mo dito at nakaharang ka sa paninda ko! Kung may reklamo ko dun ka magreklamo sa baranggay!"

Walang nagawa si Mel kundi ang ialis sa tyanggian ang kariton nya at nagtungo sa harap para hanapin si Pinuno pero wala ito duon dahil pinatawag daw ni Kapitan.

Iisa lang ang pasukan at labasan ng tyanggian kaya mas minabuti nyang maghintay dito kahit bawal para madali syang makita nila Kate at Eunice.

Nagpaalam naman sya sa nagbabantay dun.

Pero habang naghihintay kay Pinuno, may mga suki na pala syang naghahanap sa kanya. Kaya nagsimula na syang magluto.

Nawalan man sya ng pwesto, pwede pa rin naman syang magtinda lalo na't matyagang nagaantay ang mga suki nya.

Pero hindi alam ni Mel na duon sa dati nyang pwesto may nagaganap na pa lang gulo at madadamay sya sa gulong iyon.