Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 172 - Destiny Finds It's Way

Chapter 172 - Destiny Finds It's Way

"Sissy, diba yan yung binigay nya sa'yo? Pero bakit.....?"

"Isinoli ko ito bago kayo umuwi dito, hindi ko ito matanggap!"

"Bakit Sissy?"

"Gusto ko kasing maging malaya sya! Na realize ko kasi na magiging selfish lang ako kung tatanggapin ko ito, ayokong ikulong sya sa promise necklace na ito!"

Nangiti si Mel.

'Wow, growing up na si Sissy ko!'

"Pero ikaw Sissy, handa ka bang maghintay?"

"Hindi ako magpopropose sa kanya kung hindi ako seryoso!"

Sagot ni Eunice.

Grabe 'tong si Sissy ko, sa edad nya sigurado na sya na si Jeremy ang forever nya, paano kung hindi sigurado si Jeremy sa kanya?'

Nagpatuloy si Eunice.

"Beshy, alam kong sa puso ko na sya na, pero..."

"Pero?"

"Hindi ko sigurado kung ano ang totoong nararamdaman ni Jeremy sa akin! All I know is, he likes me!"

Sa labas ng silid ni Eunice, lihim na nakikinig ang Mommy nito.

Naiintindihan nya ang nararamdaman ng anak dahil maging sya rin nuon, nung bata pa sya ay ito rin ang nararamdaman nya sa asawa nya, ang kaibahan lang hindi sya gusto ni Edmund nung una.

Ayaw nyang umasa sya kay Jeremy, kung sila, SILA!

'Siguro oras na para ikuwento ko ang love story namin ni Edmund.

"Mommy, why are you here po?"

Tanong ni Earl sa kanya ng makita sya sa pintuan ng kapatid na tila nag i-ispy.

"Halika anak, may sasabihin ako sa inyo ng Ate Eunice mo!"

At sinimulan nyang ikuwento ang nangyari nuon, nung panahong sya pa ang unang nag first move mapansin lang ni Edmund.

"Ang Daddy nyo ang first love ko! First time ko pa lang sya nakita, alam kong sya na ang gusto kong maging forever! Pero .... hindi ako ang gusto ni Edmund nuon, katunayan, he hates me so much because of what I did to Ate Nadine and naging reason na ma black listed ako sa LuiBel Corp.! Maldita kasi ako!"

"Nang magkalayo kami, hindi na ako umasa nun na sya ang magiging forever ko, in fact, ready na akong tumandang dalaga pero ... destiny finds it's way!"

At isa isa nitong kinuwento ang buong nangyari simula ng una nyang makita si Edmund hanggang sa panunuyong ginawa ni Edmund sa mga magulang nya mapapayag lang ito na makasal sila.

"Wow Tita, ang colorful naman po ng love story nyo ni Tito Edmund, pwedeng gawing movie!"

Maging si Eunice ay kinikilig at napapalakpak pa.

"Eeeiiiii! Kilig much!"

Maliban kay Earl.

Nakakunot ang noo at hindi maintindihan ni Nicole kung bakit.

"Tandaan mo ito Eunice, kung talagang si Jeremy ang forever mo, walang makakapigil dito!"

"Ehem! Anong pinaguusapan nyo?"

Biglang sabat ni Edmund sa usapan nila na ikinagulat ng lahat.

Hindi nila namalayang na dumating na ito.

"Hon, andyan ka na pala!"

Earl: "Grrrrr!"

Tumayo ito at hinarap ang ama na magkasalubong ang kilay at naka pamewang.

"Bakit Earl?"

Tanong ni Edmund sa kanya.

"I hate you po Daddy!"

Grrrrr!

"Bakit anong ginawa ko sa'yo?"

"Kasi po hindi si Mommy ang first love nyo! Saka you hate her nung bata pa kayo! Hmp!"

At nagdadabog itong lumabas ng silid ng kapatid at nagtungo sa silid nya.

Binalingan nya si Nicole.

"Anong sinabi mo dun?"

Nagtatakang tanong ni Edmund.

"WALA!"

Buong tanggi ni Nicole. Hindi nya inaasahan na ito ang magiging reaction ng bunso nya.

Pero deep inside nangiti si Nicole.

*****

Lumipas ang mga araw at naiba na Ang foucus ng mga bata.

Nagpatuloy si Mel sa pagtitinda ng mga sreetfood at perang binigay ni Jeremy sa kanya ay nilagay nya sa bagong negosyo, ang halo halo.

Dahil summer at mainit indemand ang malamig kaya naisipan nitong hingin ang tulong ng mga kapatid sa pagtitinda. Kinalaunan sumama ng magaling na si Eunice, sinamahan naman sya nito sa pagtitinda, kaya ang halohalo ay nadagdagan pa ng saging con yelo.

Wala naman problema sa Mommy at Daddy nya dahil nagkakaroon ng paglilibangan ito, tutal naroon naman palagi si Reah sa tabi nya at hindi sya pinababayaan.

Si Kate naman, after a month na panunuyo sa ina, pumayag na din na makipagkita kay Mel. Mukhang natuto na ito ng leksyon, alam na nya kung paano magalit ang Mommy nya ngayon.

At dahil kay Kate, dumami ang customer ni Mel. Magaling kasi sa strategy si Kate.

Pero syempre hindi lahat natutuwa ng lumakas ang negosyo ni Mel lalo na ang mga kapitbahay nitong nagtitinda rin ng kasama nya.

"Ano ba yan Mel, sinakop nyo na lahat ng pwesto! Pare pareho lang tayong nagtitinda dito!"

"Oonga! Umayos naman kayo! Pinagbibigyan na nga tayong magtinda dito pero hindi naman dapat ganyan! Makisama ka naman Mel! Hindi lang ikaw ang gustong kumita!"

Related Books

Popular novel hashtag