Matapos palabasin ni Nadine si James, hinarap ni Jaime ang mga biyenan.
"Ma, Pa! Mano po!"
May kakaibang nararamdaman ang dalawang matanda sa dalawa, Lalo na ng palabasin ni Nadine si James para harangin ang pagpasok ni Kate at pinagbabawalan pa nito na huwag sabihin sa kapatid nya na andito ang tatay nila.
"Nadine, magtapat ka, anong nangyayari? Bakit biglang sumulpot ang damuhong ito dito sa Zurgau?!"
"Pa please, huminahon po kayo, baka madinig po kayo ni Kate!"
"Bakit, anong problema kung madinig ng apo ko na andito itong damuho nyang ama?"
"Baka po kasi makasama kay Kate Pa, so please, huminahon po kayo!"
Mukhang tama ang kutob nila, may nangyayari ngang hindi maganda na hindi nila alam.
"Hihinahon ako kung ipaliwanag mo kung anong nangyayari?!"
"Pa, Ma! Huwag po kayong magalit kay Nadine! Kasalanan ko po!"
"Papa, Mama! Please maupo muna kayo! Baka po madinig tayo ni Kate!"
Kinakabahan na si Nelda.
'Bakit masyado syang worried kay Kate?'
"Enzo, kumalma ka nga! Mabuti pang maupo na muna tayo para makapagusap tayo ng maayos! Gusto ko din malaman kung ano ang kinalalaman ni Kate sa nangyayari.
Nang makitang nakaupo na ang dalawang matanda, lumapit si Jaime at lumuhod sa harapan nya.
"Ma, Pa, humihingi po ako ng tawad! Dahil naging pabaya po ako, hindi ko po nabibigyan ng atensyon ang pamilya ko!"
"Jaime, matagal ko ng alam yang pagiging iresponsable mo sa pamilya mo! Wala na bang bago?"
"Nadine, ipaliwanag mo nga ang sinasabing asawa mo!"
Tanong ni Nelda sa kanila.
Ikinuwento ni Nadine ang buong pangyayari sa mga magulang nya at habang ikinukwento nya, hindi tumayo si Jaime sa pagkakaluhod nya hanggang matapos.
Gigil na gigil si Enzo sa manugang.
"Walanghiya ka! Anong karapatan mong saktan ang asawa at anak mo?"
"Pa, Ma, hindi ko po sinasaktan ang anak nyo!"
"Hindi! Hindi pa ba pananakit ang ginawa mo, bwisit kang ulupong ka?"
Singhal ni Enzo.
Hindi nya maiwasang palaging ikumpara ang dalawang manugang nya.
Mas sensitive kasi si Edmund sa damdamin ng isang tao. Madali nitong naiintindihan ang pangangailangan ng asawa at mga anak nya.
Ang nakapagtataka, pareho naman silang lumaki na walang ina dahil namatay ang mga nanay nila nung mga sanggol pa lang sila.
"Jaime tama ka, hindi mo nga sya sinasaktan physically dahil sinasaktan mo sila emotionally!"
Paliwanag ni Nelda.
Galit na galit na tumayo si Enzo at gustong bigyan ng suntok si Jaime pero biglang dumating sila Edmund at Nicole.
"PA!"
Agad na pinigilan ni Enzo ang byenan nya at inilayo kay Jaime.
"Pa, huminahon po kayo, makakasama sa inyo!"
"Lintek ka Edmund, huwag mo akong pigilan dahil lalong makakasama sa akin pag hindi ko nasapak yang damuhong yan!"
Natataranta na ang tatlong babae, kinakabahan sa ikinikilos ni Enzo.
"Edmund, ilayo mo na dito si Jaime, kami ng bahala dito! Please!"
Utos ni Nicole, nagaalala narin sya sa Mama nya na mahina na ang puso at sa Ate Nadine nya na buntis ngayon.
Agad na tumalima si Edmund at hinatak si Jaime.
"Pare, halika na, tumayo ka na dyan! Isipin mo naman ang kalagayan ng asawa mo!"
Tila natauhan si Jaime at hinayaan nyang isama sya ni Edmund.
"Hoy! Hinayupak kang damuho ka! Hindi pa ako tapos sa'yo!"
Edmund, ibalik mo yang damuhong yan dito!"
Galit na sigaw ni Enzo.
"Papa, tama na please! Huminahon po kayo! Buntis si Ate Nadine at mas kailangan po nya tayo ngayon!"
Saka lang humupa ang galit ni Enzo ng madinig ang sinabi ni Nicole.
Inakap ni Nelda ang anak na si Nadine.
"Jusko anak, bakit hindi mo sinabi agad sa amin?"
"I'm fine po, Ma!"
Pero iba sinasabi ng mukha nya.
*****
"Magaling!"
Sambit ni Ames ng mahuli si Jeremy at Eunice.
Kinabahan ang dalawa ng makita si Ames.
"Tita!"
Nilapitan sila ni Ames at tiningnan ang couple necklace nila.
"Alam mo bang nagaalala ang Mama mo sa'yo!"
"Hindi makasagot si Jeremy, tumungo lang ito.
At si Eunice, nakaramdam din ng guilt. Alam nyang mapapahamak si Jeremy sa ginawang pag sunod sa Zurgau, pero deep inside na touch sya.
"Sa tingin nyo ba hindi pa alam ni Edmund na andito ka Jeremy? Gusto mo ba talagang magulpi o bumalik ng Maynila na nakasaklay?!"
Kinabahan si Eunice. Hindi pumasok sa isip nya na may posibleng alam na ng Daddy nya na andito si Jeremy.
"Jeremy, pamangkin kita at nasa edad ka na! Gusto Kong maging responsable ka sa mga aksyon mo, maliwanag!"
"Opo, Tita!"
"Kayong dalawa, hindi ko kayo pakikialaman sa ginagawa nyo, pero huwag kayong aabuso! Nasa paligid lang ang mga tauhan ni Edmund at natitiyak kong may nag report na sa kanya ng mga ginagawa nyo!"
"PO?! A..ano pong ibig nyong sabihin Tita Ames?"
Tanong ni Eunice.
Natakot si Eunice ng isipin na may nagmamatyag pala sa kanila.
"Ibig mong sabihin, hindi mo alam na may bodyguard ka?"