Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 153 - Love Birds

Chapter 153 - Love Birds

Biglang napahinto si Ames sa reaction ni Eunice.

'Wala talaga syang alam na may mga bodyguard na sumusunod sa kanya?'

'Naku, baka ayaw ipaalam sa kanya ng parents nya! Lagot ako!'

Lumilinga linga si Eunice, na tila may hinahanap.

'Totoo kaya ang sinasabi ni Tita Ames o tinatakot nya lang ako at si Jeremy?'

"Eun Eun, bakit, anong hinahanap mo?"

Tanong ni Jeremy.

"Yung tinutukoy ni Tita Ames!"

"Hahaha!"

Natawa si Ames sa sinabi ni Eunice.

"Haaay Eunice! Napaka inosente mo pa talaga!"

"Jeremy makinig ka, ikaw ang matanda kay Eunice! Huwag mong abusuhin ang pagiging inosente nyan dahil tatapatin kita, hindi kita kayang iligtas pag nagalit sa'yo ang tatay nyan!"

"Hindi mo alam kung paano magalit ang tatay nyan at huwag mong subukan! Maliwanag!"

"Yes po, Tita!"

Alam nyang hindi galit ang Tita nya sa ginawa nyang pagsunod sa Zurgau, naiinis lang ito at nagaalala sa katigasan ng ulo nya.

At alam din paguwi ng bahay sya nito pagagalitan.

"Sige, buti pa maiwan ko na kayo, pero Eunice, huwag mong sabihin sa parents mo na akong nagsabi sa'yo about your bodyguards! Please!"

"At ikaw naman Jeremy, call your mother! She's worried sick!"

"And lastly, huwag kayong lalayo!"

Tumalikod na ito at iniwan ang dalawang love birds.

Lalo naman nagpalinga linga si Eunice, tinitingnan ang bawat paligid. Hindi sya observant sa paligid nya tulad ni Ate Kate. Masyado syang kampante dala siguro ng kabataan.

"Eunice baby, hindi mo sila makikita dahil yun marahil ang bilin ng Daddy mo sa kanila!"

"Alam mo din? So ibig sabihin totoong may bodyguard ako na hindi ko nakikita?!"

Tumango tango si Jeremy.

Kinilabutan si Eunice at nailang ng malaman na totoo nga at medyo nainis din ito kay Jeremy dahil hindi man lang sinabi sa kanya.

"Hahaha!"

Hindi na mapigilan ni Jeremy na matawa sa reaction ni Eunice.

"Bakit? Pinagtatawanan mo ba ako? Ang creepy kaya ng pakiramdam na may sumusunod sa'yo! At huwag mo akong tawaging "BABY" dahil yan din ang tawag ng Daddy ko sa akin! Hmp!"

Naiinis nitong sabi.

At sa inis nya gusto nyang iwan si Jeremy.

"Dyan ka na nga! HMP!"

Sabay takbo.

"Anyare dun?"

Napakamot na lang sa ulo si Jeremy saka tumakbo at hinabol si Eunice.

Samantala, hindi pa rin natatapos pagtripan ni James si Mel.

"Tapatin mo nga ako, pakakasalan mo ba ang kapatid ko o hindi?"

Kate: (rolled eyes)

Pasensya na Kuya ni Kate myLabs, pero bata pa po ako para isipin ang mga ganyang bagay! So please hayaan mo muna akong lumaki bago ko sagutin yan!"

Nangiti si James.

Habang tumatagal, mas lalo nyang nakikilala si Mel.

"Kuya, that's enough, please!"

Awat ni Kate. Bored na sya.

"Melabs, let's go!"

"Saan?"

"Basta sumama ka na lang!"

"Teka, paano naman ako?"

"Kuya maghanap ka na ng ijojowa mo, marami dyan sa paligid, para may ka sweet sweetan ka na din! Matanda ka na kaya!"

Sabay takbo, hila ang kamay ni Mel.

"Aba't.... Tiningnan mo 'tong batang 'to! Nagmamakaawang umuwi ako dito dahil miss na miss na raw nya ako, tapos iiwan lang pala ko dahil sa Melabs nya!"

Wala tuloy syang nagawa kundi bumalik sa loob ng bahay.

*****

"Teka Kate!"

Hingal na sabi ni Mel.

Huminto ito para habulin ang hininga.

Minasamasahe ni Kate ang likod ni Mel na nagdulot naman ng maayos na pakiramdam sa kanya.

"Ayun pala si Sissy at Jeremy my friend! Tara lapitan natin!"

"Huwag!"

Pigil ni Kate.

"Bakit?"

"Hayaan mo silang mag momment! Dito na lang tayo!"

Pinagmasdan ni Mel si Kate.

"May problema ba Kate myLabs?!"

Nagtatakang tanong nya. Sobrang seryoso kasi nito at tahimik pa lately. Parang hindi si Kate na kilala nya.

"Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari?"

Tanong ni Kate.

"Ang tinutukoy mo ba ay yung ginawa mo sa Daddy mo?"

Tumango si Kate.

"Nagi guilty ka ba?"

"Hindi!"

Deretsahang sagot ni Kate at ito ang totoo nyang nararamdaman.

"Hindi ka natakot na muntik mo ng masaktan ang tatay mo?"

"Hindi, at kung sakaling mangyari ulit ang ganuong sitwasyon, gagawin ko ulit iyon or maybe worst!"

"Kate myLabs, ganun ba talaga kalaki ang galit mo sa tatay mo?"

Napabuntung hininga na lang si Kate. Ramdam nya ang sakit sa buo nyang katawan.

Wala ng masabi pa si Mel, kaya nilapitan nya si Kate at inakap.

"Kung gusto mong umiyak you can use my shoulder!"

"Hahahaha!"

Hinayaan lang sya ni Mel hindi inalis ang pagkakayakap.

Nung una, humalakhak lang ito pero ng lumaon humahagulgol na ito!

Nakatanaw si James sa dalawa. Alam na nya ang nangyari, ang Daddy nya ang nagbibigay ng sama ng loob kay Kate.

Nagpupuyos sa galit si James. Mahal nya ang Mommy nya at ang baby sister nya kaya hindi nya hahayaan na may manakit sa mga ito.

"Nangako sya sa akin na hindi nya na pababayaan sila Mommy at Kate kapalit ng katahimikan ko! Pero hindi nya tinupad!"

"Pagbabayaran mo 'to Dad!"