Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 151 - A promise

Chapter 151 - A promise

BLAG!

Nagulat ang tatlo sa biglang pagbukas ng pinto. Napalingon sila sa direksyon nito.

"Pa?! Ma?!"

Sambit ni Nadine.

Hindi nya alam kung matutuwa sya dahil hindi si Kate ang pumasok o kakabahan sya dahil baka malaman ng mga magulang ang nangyari sa kanila ni Jaime.

Nawala naman ang ngiti nila Enzo at Nelda ng makita si Jaime at napalitan ito ng pagtataka.

Excited silang makausap ang apo nilang si James kaya napalusob sila sa bahay. Pero hindi nila inaasahan na madadatnan din nila ang manugang nilang hindi na nila halos makilala. Ang huling beses kasi na humarap sa kanila ang taong ito ay nung kasal nila last 21 years ago.

"Jaime, andito ka pala!"

Gulat na tanong ni Nelda sa manugang, halatang wala pang alam sa nangyari.

Kinabahan si Nadine.

'Jusko, baka malaman ni Kate na andito ang Daddy nya!'

"James anak, puntahan mo si Kate at kahit anong mangyari huwag mong papasukin dito!"

"Po?! Bakit po?"

"Basta sumunod ka na lang, dali! Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa'yo! At siguraduhin mong hindi nya malalaman na andito ang Daddy nyo!"

Nagtatanong man, tumalima naman agad si James. Malaki ang respeto nito sa Mommy nya at ayaw nyang magalit ito, kaya lumabas sya agad ng bahay at sinalubong ang padating na kapatid.

"Saan pupunta ang baby sister ko, Hmmm?"

Sabay hawak nito sa buhok nya at ginulo gulo.

"Kuya bakit mo iniwan si Mommy?"

"Hindi ko sya iniwan magisa, andun sila Grampy at Granny may paguusapan daw sila!"

"Sino ba yung friend mo na yun at panay ang tingin sa'yo!"

Pagiiba ni James sa usapan.

Lumingon si Kate sa direksyon tinutukoy ng Kuya nya.

"Ahh, si Melabs!"

"Melabs? Bakit Melabs? Jowa mo?"

"Fiancé ko!"

"HA?!"

"Hahaha!"

"Halika Kuya ipapakilala kita!"

At hinatak nito si James palapit kila Mel at Eunice.

"Melabs, gusto ka raw makilala ng Kuya James ko!"

"Kuya James, si Melabs!"

Nanigas si Mel sa kinatatayuan nya, hindi makakilos.

'Jusko anlaki nya! Baka bitbitin ako at ihagis kung saan!'

Napansin ni James ang reaction ni Mel kaya ang ginawa nito ay lumapit kay Mel saka hinawakan sa balikat.

"Pare, totoo bang fiancé mo itong baby sister ko?"

Nanghina ang mga tuhod ni Mel at bumigay ito. Napaupo sya.

"Beshy okey ka lang?"

Umiling iling ito.

"HAHAHAHA!"

Napatingin sila sa pinagmulang ng tawa, si James.

"Jusmiyo Sissy, buwang din ba yang si Kuya James ni Kate myLabs?"

Bulong nito.

"Kuya! Stop laughing!"

"Okey sorry!"

At tinulungan nitong makatayo si Mel.

"At ikaw naman Eunice, ano itong nababalitaan kong lumalandi ka na rin?"

"Kuya!"

"Hahaha!"

"Napanood ko ang video ng proposal ni Jeremy sa'yo! Sabihin mo sa akin pag pinaiyak ka nyan at sasapakin ko!"

Napalunok si Mel at kinabahan si Eunice.

"Kuya, please lower your voice! Baka madinig nila Daddy at Mommy!"

"Uy, sumisecret ka na ha! Kaya pala yung isa andun sa malayo at patanaw tanaw!"

Napalingon silang tatlo sa direksyon kung saan naroon si Jeremy.

"Anong ginagawa nya dito? Jusko baka makita sya ni Daddy!"

Kabadong usal ni Eunice.

Napansin sila ni Edmund at Nicole na papalapit sa kanila.

"Anong pinaguusapan nyo?"

Nagulat ang lahat.

"Ah, wala po Tito nagaaya lang po silang mamasyal sa banda dun kaso ayaw ko pong lumayo kasi baka tawagin po ako ni Mommy!"

"Bakit nasaan ang Mommy mo, bakit hindi mo kasama?"

Tanong ni Nicole sa pamangkin.

"Andun po Tita kasama sila Grampy at Granny, pinapunta din nga po pala kayo dun!"

May nahalata si Nicole sa kilos ni James habang nagsasalita ito, parang may ibig sabihin kaya pinapupunta sila ni Edmund dun sa bahay.

Kaya lumapit ito kay James na kunwari ay ikikiss pero may ibinulong.

"Andun ba ang Daddy mo?"

"Hehe!"

Sabay tango ng dahan dahan.

"Sige mamasyal na muna kayo sa banda dun basta, huwag kayong lalayo!"

At tumalikod na ito at hinatak si Edmund papuntang bahay.

Nagmamadali naman nagtungo sila Eunice, Mel at Kate kung saan naroon si Jeremy.

Wala tuloy nagawa si James kundi sumunod.

"Jeremy my friend, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakarating?"

"Sumakay ako Mel my friend!"

"Hehe! Hindi ka nakakatawa my friend!"

Saka naman hinarap ni Jeremy si Eunice na may pananabik.

"Hi!"

"Jusko my friend, layo nilakbay mo"Hi" lang ang sasabihin mo?!"

"Pwede ba tayong maglakad lakad?"

Tumango si Eunice.

Natutuwa sya sa ginawa ni Jeremy na pagsunod sa kanya dito sa Zurgau and at the same time natatakot din sya baka makita sya ng Daddy nya.

Hindi na sumunod ang tatlo at hinayaan na ang dalawa. Hindi naman daw kasi sila inaaya.

Dinala sya sa isang malaking bato na malapit sa dagat.

"Jha, bakit ka sumunod dito sa Zurgau, hindi ka ba natatakot baka mahuli ka ni Daddy?"

"Natatakot! But I want to spent the rest of my days looking at you! Para marami akong baon pag alis ko!"

May video chat naman ah!"

"Iba syempre pag personal! Ikaw hindi mo ba ako ma mimiss?"

"Mamimiss pero...."

"Pero?"

"Ayokong umasa lalo't alam kong maraming magaganda at sexy dun!"

Hindi naman sila ang pinunta ko dun!"

May kinuha ito sa bulsa at saka ibinigay ka Eunice.

"Ano 'to?"

"This is a promise necklace. To remind you and me of my promise!"

Ang pendant ng kwintas ay isang heart na pagpinagtabi nag lalock.

Masayang masaya si Eunice ng biglang...

"Magaling!"

Related Books

Popular novel hashtag