Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 147 - Let's Go!

Chapter 147 - Let's Go!

Syempre, natuloy pa rin ang baksyon.

Pinatingnan muna ni Nadine sa doctor si Kate para malaman ang lagay nya at pagkatapos nuon ay dumiretso na sila sa airport.

Pagkatapos kasi ng nangyari tila na trauma ang bata.

Pero si Kate ang nag suggest na magbakasyon sila Zurgau kaya naisip ni Nadine na tumuloy na rin sila. Ayaw na nyang madagdagan pa ang sama ng loob na nararamdaman ni Kate.

Sa airport.

Naruon na ang lahat inaantay na lang nila ang mag ina. Ang mga gamit nila ay dala na rin nila.

Excited na ng sobra si Carla at ang mga anak nya sa bakasyon na ito. First time kasi nilang sasakay ng eroplano.

"Mama, ano po bang pakiramdam pag naka sakay ng eroplano?"

Tuwang tuwang tanong ng bunso ni Carla na si Ian. Kasing edad nito si Earl, pareho sila ng school pero hindi sila magkakaklase.

"Ian, hindi ko rin alam! Kinakabahan nga rin ako eh!"

Pero kita rin ang excitement sa mga mata nya.

Nadinig sila ni Earl kaya nilapitan.

"Tita Carla, don't worry po sandali lang po tayo magpa fly, hindi nyo po mamamalayan naka landing na po tayo!"

"Saka safe naman po ang airplane ni Lolo Migs!"

Natutuwa sya sa mga anak ni Nicole. Mababait at magagalang.

"Ang bait naman na bata ni 're!"

Sabay tapik sa balikat ni Earl

"Salamat Earl!"

Namula si Earl ng purihin sya ni Carla lalo na ng ngitian sya ni Tina ang pangalawang anak ni Carla, kasunod ni Mel. Namula si Earl hanggang tenga.

"Sissy, kamusta na si myLabs may balita ka na ba?"

Naikwento na ni Eunice kay Mel ang nangyari kaya sobra itong nagaalala.

"Nasa hospital sila ni Tita Nadine, tapos didiretso na sila dito! Dala na namin ang mga gamit nila kaya don't worry Beshy, kasama natin sila papuntang Zurgau! Hindi pwedeng hindi ito matuloy dahil dun natin i se celebrate ang birthday ng Mommy nya!"

Saka bumulong si Eunice.

"Si Ate Kate ang nag plan ng celebration na 'to! Surprise nya sa Mommy nya!"

Pero kahit anong sabihin ni Eunice, nagaalala pa rin sya kay Kate.

"Andyan na si Nadine!"

Sabi ni Edmund.

Napatingin ang lahat sa direksyon nila.

Pagka kita ni Mel kay Kate, patakbo itong lumapit at inakap sya ng mahigpit.

Nagtaka ang lahat ng mga nakakita sa ginawa ni Mel lalo na ang nanay nya at mga kapatid.

Hindi na namalayan ni Mel na naluluha na pala sya ng makita si Kate.

"Did I made you worry?!"

Tanong ni Kate.

Tumango si Mel.

At naluha na rin si Kate.

"Sorry, Melabs!"

"Huwag ka ngang mag sorry dyan! Basta okey ka na! Wala na yun!"

And they both smile.

"Pa kiss naman, Melabs!"

Tapos ay hinalikan ni Mel si Kate sa noo.

"Melabs naman bakit sa noo lang!"

At bigla syang kiniss ni Kate sa lips na ikinamula ni Mel. Nagulat ito sa kiss ni Kate.

"Hahaha!"

Tuwang tuwa si Kate sa itsura ni Mel.

Umaliwalas ang pakiramdam ng lahat ng madinig ang tawa ni Kate.

"Ikaw.... bakit tawa ka ng tawa dyan? Nakakainis ka!"

"Ang pula mo kasi Beshy! Hahaha!"

"Aba talaga itong magpinsan na 'to!"

"Ay si Kuya Mel, nakipag kiss!"

TSUP! TSUP! TSUP!

"HAHAHAHAHA!"

Lalong humagalpak ng tawa si Kate ng makitang tinutukso si Mel ng mga kapatid nya, pati si Earl nakitukso rin.

....at naiiyak naman si Nadine.

"Oh, Ate Nadine, bakit ka umiiyak dyan?"

"Kala ko kasi hindi ko na madidinig ang tawa nya na yun!"

"Huwag kang mag alala Nadine, magiging okey si Kate!"

Sabi ni Edmund.

"Calling all passengers of flight 215 going to Zurgau! Ready for boarding now!"

"Finally!"

Tuwang tuwang sambit ni Ames.

Let's go!"

*****

Sa labas ng airport.

Kabababa lang ni Jeremy ng taxi. Plano nyang sundan sila Eunice sa Zurgau.

Dahil sa nakita ng Lolo ni Jeremy na nalungkot sya dahil hindi sya pinayagan ng Tita nya na sumama sa Zurgau, sya ang bumili ng ticket para sa apo nya.

Ang problema ngayon ni Jeremy ay magisa sya babyahe. Hindi rin sya nagpaalam sa Mama nya dahil alam nyang hindi sya papayagan nito.

Kinakabahan sya dahil first time nyang bumyahe ng magisa at sa hindi pa familiar na lugar.

May isang oras pa bago ang flight nya kaya may oras pa sya para kumain.

Pagkatapos kumain ay saka nya pinagaralan sa net ang Zurgau. At least man lang maging pamilyar sya sa lugar.

Pero hindi pa rin nya alam saan sya unang magpupunta, hindi nya alam ang address ng bahay ng Lolo ni Eunice at hindi nya rin alam kung gaano kalaki ang Zurgau.

"Pag dating ko ng Zurgau tatawagan ko na lang si Mel my friend!"

Samantala.

May isang chance passenger na lalaki na bagong dating at nagpupumilit na makasakay sa susunod na flight patungong Zurgau.

Nagbabakasakali syang maka sakay sa flight na 'to pero puno na raw kaya sa susunod na flight na sya na schedule.

Si Jaime

Related Books

Popular novel hashtag