Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 148 - Hotel de Zurgau

Chapter 148 - Hotel de Zurgau

Nang umayos na ang pakiramdam ni Jaime, wala itong inaksayang oras. Tumayo sya at umalis kahit na mahigpit na pinagbawalan ito ng kanyang ama.

"Pa, I'm sorry pero hindi ako makakapayag na mawala sa akin ang pamilya ko! Kailangan may gawin ako!"

"Hindi kita mapapatawad Jaime kapag sinaktan mo ulit ang mag ina mo!"

Pero hindi sya inintindi ni Jaime,

isa lang ang nasa isip nito, hindi nya hahayaang mawala sa kanya ang pamilya nya.

Bumalik sya sa bahay nila pero nasa gate pa lang sya ng The Little Manor, hinarang na sya ng security. Utos ito ni Edmund, huwag papasukin ng village si Jaime.

Ang "The Little Manor" ay hindi talaga subdivision gaya ng akala ng mga tao ng San Miguel. Ito ay isang private property.

Lima lang ang may ari ng lupa dito, Si Nadine, si Nicole, si Ames, Si Issay at si Edmund.

Yung kay Edmund ang pinaka malaking lupa pero wala itong bahay. Ito ang nasa unahan kung saan naroon ang pinaka gate ng village.

Pinasadya nila ito para walang makapasok na outsider at malaya silang makapaglaro sa loob ng village ng walang inaalala.

Si Edmund ang may hawak ng security at private din ito hindi nya basta kinuha sa agency, kay Miguel galing ito. Kaya pag sinabi nyang bawal pumasok. BAWAL!

Nabigong makapasok si Jaime. Pero naalala nyang uuwi nga pala ng Zurgau ang magina nya para magbakasyon. Nagmamadali itong nagtungo sa airport.

*****

Pagdating ng grupo sa Zurgau, sinalubong sila ng mag asawang Enzo at Nelda, ang mga magulang ni Nadine at Nicole.

"Grampy, Granny!"

Sigaw nila Kate, Eunice at Earl sa dalawang matandang dumating.

"Aba, ang lalaki na ng mga apo ko ah!"

"Bakit kasi hindi kayo lagi nauwi dito, ayan tuloy hindi ko na napansin ang tangkad na ng mga bata!"

"Pa, Ma, last year andito din po kami, nakalimutan nyo na po ba?"

"Oo naman! Anong palagay mo sa amin ng Mama mo naguulyanin na?!"

Nangiti na lang si Nicole.

"Ma, Pa, mga kaibigan po namin!"

Pinakilala nila sila Ames, Carla at mga anak nito.

"Mukhang gutom na kayo sa haba ng byahe! Mabuti pa ay kumain muna tayo bago tayo tumuloy ng bahay!"

Nagtungo sila sa isa sa hotel na pagaaari ni Enzo, ang Hotel de Zurgau.

"Grampy may sasabihin po ako sa inyo!"

Sabi ni Earl sa Lolo Enzo nya.

"Ano yun apo?"

"Meron po akong nakita pero hindi ko po sasabihin, pero pag binigyan nyo po ako ng 1K, sasabihin ko din!"

"Hindi ba parang hinoholdap mo na ako nyan, apo? Hindi ba ako pwedeng tumawad?"

"O sige po Grampy 500 na lang po! Pero last tawad nyo na po yan ha!"

"Hahaha!"

Natawa si Nelda sa kakulitan ni Earl.

Napakamot na lang sa ulo si Enzo at saka tiningnan si Edmund.

"Hoy ikaw, damuho ka, kung ano anong tinuturo mo sa apo ko!"

Napatigil si Edmund saka nagsalita.

"Pa, wala po akong tinuturo sa apo nyo na hindi maganda! Sadyang smart lang po talaga ang mga bata! Mana po kasi sa inyo!"

Nangiti si Enzo sa sinabi ng manugang nya pero napaisip din sya.

'Bakit pakiramdam ko inuuto lang ako nitong damuhong mokong na 'to?'

Pagkatapos kumain, umuwi na sila ng bahay saka naman nag landing ang eroplano kung saan lulan si Jeremy.

Paglabas ng airport, naghanap ito ng kakainan.

"Mas magandang busog kesa walang laman ang tyan pag naghahanap!"

"Saka kailangan ko ring tawagan si Mel my friend!"

Sa bahay nila Enzo.

Nagaayos na ng gamit sa guest room sila Carla at ang mga bata ng maisipan nyang usisain ang panganay nyang si Mel.

"Mel, tapatin mo nga ako, girlfriend mo ba si Kate?"

"Ma! May makarinig po sa inyo! Bakit naman po nyo naitanong yan?"

"Eh, kasi ang sweet mo sa kanya saka ... kanina .... nag kiss kayo!"

"Ma, hindi ko po girlfriend si Kate! We're just close friends!"

"Saka hindi ko pa po sya sinasagot! dalagang pilipina kaya ito! hmm!"

"Anong sabi mo, Junior?!"

"Uhm, wala po!"

Buti na lang biglang tumunog ang phone nya.

Si Jeremy.

"Sige po Ma, sagutin ko lang po ang tawag ni Jeremy my friend!"

Saka tumalikod at lumabas ng silid.

"Mel my friend hello, need ko help mo! Pakitanong mo naman kay Kate kung saan hotel magandang tumuloy!"

"Bakit Jeremy my friend asan ka ba?"

"Nasa Zurgau!"

"ANO?!"

"Mel my friend please help!"

Pinuntahan nito si Kate saka tinanong.

"Kate myLabs ano bang magandang hotel dito?"

"Hotel Enzo!"

Pagkasabi, nagpaalam na ito. Mag gagabi na kaya kailangan na nyang hanapin ang hotel na tinutukoy ng kaibigan.

Pagdating nya sa hotel agad syang nagtungo sa reception para makakuha sya ng room at nagulat sya ng habang kausap nya ang receptionist biglang may dumating na lalaki at sumingit sa kanya.

Si Jaime.