Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 146 - Seryoso Ka Na Ba?

Chapter 146 - Seryoso Ka Na Ba?

Kinabahan ang mga tauhan ni Jaime ng madinig nilang si General Gene pala ang kausap ni Edmund.

Kahit madami ang mga tauhan ni Edmund, hindi natatakot ang mga tauhan ni Jaime. Kaya nilang makipag sabayan sa mga ito kahit sa huling hininga. Pero ibang usapan na kung involve si General Gene.

At mas lalo silang kinabahan ng susunod namang tawagan ni Edmund ay si Joel ang bunsong kapatid ni General Gene, dahil ito ang pinaka head ng security agency na pinanggalingan nila.

Si Joel mismo ang namili sa kanila para maprotektahang mabuti ang pamilya ni Jaime.

Sa Maynila pa manggagaling si Gene kaya tyak ni Edmund na matatagalan ito, kaya naisipan nyang tawagan si Joel para humingi ng tulong sa mga tauhan nito.

"Uncle Joel si Edmund 'to!"

"Oh Edmund, bakit ka napatawag?"

"Hindi na makontrol ni Nadine ang mga tauhan mo kaya ako napatawag! Gusto na nyang palitan ang mga ito pero ayaw umalis ng mga tauhan mo dahil si Jaime daw ang boss nila hindi si Nadine!"

Nagulat ang mga tauhan ni Jaime, hindi nila akalain na nagsusumbong ito kay Joel.

'Hindi ba sila natatakot kay Jaime?'

"Aba! Lintek na mga yan! Sinong may sabi sa kanila na si Jaime ang boss nila? Kaya ko sila pinadala dyan para proteksyunan si Nadine at si Kate hindi maging tuta ni Jaime!"

Nakaloud speaker ang cellphone ni Edmund kaya nadinig ng lahat.

Namutla ang mga bodyguard at security na nakapaligid sa kanila.

Nagproprotesta ang kalooban nila.

Maging si JR ay namutla din, hindi nya ito inaasahan. Tyak na magagalit sa kanya ang ama nyang si Asul pag nalaman ito.

Nadinig ni Nadine ang boses ni Joel sa kabilang linya kaya nagsalita ito.

"Tito Joel please, wala na akong tiwala sa mga tauhan mo, alisin mo sila lahat dito. Natatakot na si Kate!"

"Si Kate yung umiiyak?"

"Yes Tito Joel, so please paalisin mo na sila!"

"Pero paano ang safety nyo ni Kate pag pinaalis ko sila lahat?"

"Don't worry Tito, andito naman ang mga tauhan ni Edmund!"

Ramdam ni Joel na may nangyari kaya nagalit itong si Nadine.

'Kailangan ko itong malaman!'

"Okey Nadine, naiintindihan ko!"

Pagkababa, tinawagan agad ni Joel ang head ng Security at pasinghal na kinausap.

"Magsilayas kayo dyan!

Gusto ko wala na kayo dyan within 5 minutes!"

Ibininaba na nito ang phone at di na naghintay pa ng paliwanag ng mga tao nya.

Hindi pa nya alam ang buong pangyayari pero may kutob na syang may kinalalaman ito kay Jaime.

*****

After 35 minutes, dumating si Gene Wala na ang mga bodyguard at security ni Jaime at nagiimpake na rin ang mga kasambahay.

Hindi nila akalain na mawawalan sila ng trabaho sa isang iglap kaya lahat hindi maiwasan ang umiyak.

"Bakit kasi hindi na lang kayo sumunod sainutos sa inyo?! Huhuhu!"

"Anong gagawin ko ngayon, ang dami ko pang utang!"

"Kasalanan nyo 'to Manang Elma at Joyce!"

Gigil na gigil ang lahat sa kanila.

Hindi na sumagot ang dalawa dahil anong magagawa nila, totoo naman lahat ang sinabi ni Nadine sa kanila.

Si Jaime ay nanghihina pa rin dahil sa epekto ng taser. Dalawang beses itong ginamit ni Kate sa kanya.

Kinausap ni Gene ang manugang nya.

"Nadine, seryoso ka na ba sa desisyon mo?"

"Papa Gene, I'm sorry pero kung kakausapin nyo ako ulit para pagbigyan ang anak nyo, tama na po! Ayaw ko pong mawala ang respeto ko sa inyo!"

"Napamahal na po kayo sa akin Pa, at malaki ang respeto ko po sa inyo pero sana palayain nyo na po kami ng mga anak mo!"

"Sana naman maintindihan nyo po ako, magulang din kayo! Kung nakita nyo ang galit na galit na reaksyon ni Kate ng itutok nya ang baril sa Daddy nya, matatakot din kayo at magaalala! Ayaw kong maging kriminal ang anak ko!"

Ito rin ang nasa isip ni Gene.

Kung ngayon nagawang tutukan ng apo nya ang Daddy nya, baka sa susunod hindi nya matuluyan na nyang barilin ito.

Hindi na nakapagsalita pa si Gene. alam nyang wala na syang magagawa para sa anak nyang si Jaime.

Isinama na nya pauwi ang anak pero bago umalis kinausap muna nya si Edmund.

Edmund, bahala ka na muna sa kanila! Huwag kang magalala hindi ko sya iuuwi sa bahay mo sa Maynila!"

Ang bahay na tinutukoy ni Gene ay ang tinitirhan nila ng asawa nya at mga anak nya. Namana ito ni Edmund sa kanyang ama.

Si Eunice at Earl na kanina pa curious kung ano ang nangyayari sa kabila ay hindi mapakali.

"Ate I want to go there na!"

"How Earl, How?! Bilin sa atin ni Daddy na huwag lalabas! At ang daming nagbabantay!"

"Pero Ate Eunice, kanina pa yun! Tingnan mo wala na tayong bantay, nagalisan na! Pwede na tayong mag sneak! Hehe!"

At tumakbo na ito palabas. Walang nagawa si Eunice kungdi sumunod.

Pag dating duon nadinig nila ang kung anong nangyari.

Nataranta si Earl

"O-M-G! Matutuloy pa bang ang vacation natin.