Hindi na nakapagpigil si Edmund, sinuntok nya si Jaime.
Si Kate naman ay patakbong nilapitan ang ina at saka inakap.
"Mommy, Mommy! Please be okey, please! Huhuhu!"
"Okey lang ako anak! Okey lang ako Natakot ba kita?"
"Opo! Huhuhu!"
"Huwag kang magaalala hindi ko na hahayaan mangyari ulit ito!"
Buo na talaga ang desisyon ni Nadine ngayon, makikipaghiwalay na sya kay Jaime.
"Manang Elma, Joyce, kunin nyo yung maleta sa taas at ilagay nyo lahat ng damit ng Sir nyo!"
Utos nya sa mga kasambahay.
Nagulat si Jaime sa pinagagawa ni Nadine. Pati si Edmund at Nicole, maging mga kasambahay at mga security na naroon hindi rin makapaniwala.
"Teka, teka! Nadine asawa mo ako baka nakakalimutan mo! Bakit mo ako paalisin sa bahay natin?!"
"Hoy Jaime! Ako ang bumili ng property na 'to, baka nakakalimutan mo! Nasa pangalan ko 'to! Saka huwag kang magaalala ibabalik ko sa'yo ang ginastos mo sa pagpapagawa ng bahay, dodoblehin ko pa! Hiwalayan mo lang ako!"
"Hindi ko na hahayaang saktan mo pa ulit ang mga anak ko!"
Sinubukan ni Jaime na lumapit pero pinigilan sya ni Edmund.
"Kelan? Kelan ko sinaktan ang mga anak natin? KELAN?!"
"Sa tingin mo hindi mo sinasaktan ang mga anak mo dahil wala ka dito?!"
"Alam mo ba ang pakiramdam yung hindi mo maramdaman ang halaga mo? Yan ang paulit ulit na ipinadadama mo sa amin ng mga anak mo!"
"Nagtatrabaho ako, hindi ako naglalaro lang gaya ng iba dyan!"
Napataas ang kilay ni Edmund.
'Ako ba ang tinutukoy ng mokong na 'to? Anong palagay nya sa akin, nakatunganga lang?!'
Dahil sa mas malakas si Jaime kay Edmund, nakawala ito at patakbong nilapitan si Nadine.
"Ling magusap muna tayo, please! Hindi tama ito! Paano na lang ang sasabihin ng mga tao, kung kelan tayo tumanda saka tayo maghihiwalay?!"
"Bitiwan mo ko Jaime! Kung mahalaga sa'yo ang sasabihin ng mga tao, edi sa kanila ka na lang! Tutal laging yan naman ang iniisip mo! Ang posisyon mo, ang nasa paligid mo!"
Hindi nila namalayan na si Kate ay nagtungo sa bag ng Mommy nya at may kinuha.
Ang taser ng Mommy nya.
Pagka kuha ay itinapat nya ito sa likod ng Daddy nya.
Nagulat silang lahat ng bigla itong mangisay.
"I told you!
BITIWAN MO ANG MOMMY KO!"
Nanggigil sa galit si Kate, halos lumuwa ang mga mata nito sa galit.
Mabilis na nilapitan ni Edmund si Kate at pilit na kinuha ang taser na hawak nya saka ito inakap.
Pero kumawala si Kate at tumakbo sa Mommy nya.
"Mommy, Mommy! Huhuhu!"
Sinalubong sya ng akap ni Nadine.
"Shhh! Don't worry anak, everything will be alright!"
"Edmund tulungan mo ako, kailangan ko ang mga tauhan ngayon din!"
Tumalima naman si Edmund at tinawagan ang head ng security nya para magpapunta ng tao sa bahay ni Nadine.
Hindi naman alam ng mga tauhan ni Jaime ang gagawin, kung tutulungan ang boss nila o hindi.
"Nicole, tulungan mo akong maimpake ang mga damit ni Jaime!"
Agad na kumilos si Nicole.
Tapos ay hinarap ni Nadine ang mga kasambahay at mga bodyguard at security na nakapaligid.
"Kayo! Lahat kayo ay ayaw ko ng makita dito simula ngayon! Magimpake na kayo!"
"Pero Ate Nadine, bakit?"
Tanong ni Nicole.
"Wala sa akin ang loyalty ng mga yan! Tauhan lahat ni Jaime yan!"
Kita mo nga, inutusan kong iimpake ang mga damit ni Jaime pero gumalaw man lang ba sila!"
"Mam hindi naman po sa ganun Kaya lang..."
Sinubukan mangatwiran ni Manang Elma pero...
"Kaya Lang ano? Malaki ang takot nyo kay Jaime kaya ayaw ninyo akong sundin!"
"Ako ang nagpapasweldo sa inyo maliban sa mga security, pero si Jaime lang ang kinikilala nyong amo dito, hindi ba?! Kaya lumayas kayo, hindi ko kayo kailangan!"
Dumating ang mga tauhan ni Edmund pero lumaban ang mga tauhan ni Jaime.
"Pasensya na Mam pero, gaya nga ng sinabi nyo si Sir Jaime ang boss namin kaya hindi kami pwedeng umalis dito hangga't hindi sinasabi ni Sir!"
Tinawagan ni Edmund si Gene. Hindi pwedeng magkagulo dito, kawawa ang mga bata.
"Hello Edmund, bakit ka napatawag?"
Kinabahan si Gene ng madinig ang mga ingay sa paligid.
"Uncle, kailangan ka po namin dito ni Nadine!"
"Bakit anong nangyari? Si Kate ba yung umiiyak?!"
"Opo, Uncle, ginamitan nya ng taser si Jaime! Please po Uncle pumunta na po kayo dito at natatakot na si Nadine sa mga tauhan ni Jaime!"
Nagtataka ang mga tauhan ni Jaime kung kanino nagsumbong si Edmund.
"Edmund, papunta na ako, pwede bang ikwento mo sa akin kung anong nangyari?"
At ikinuwento nga ni Edmund lahat lahat.
Gigil na gigil si Gene sa ginawa ng anak nyang si Jaime.