Graduation Day.
Masaya ang buong paligid, puno ng saya ang lahat. Lalong lalo na si Jeremy na abot hanggang tenga ang ngiti kahit na may black eye ang dalawang mata nito.
"Brad anong nangyari sa mga mata mo? Bakit bigla kang nagkaroon ng frame sa mata?"
Nagtatakang tanong ng mga classmates nya at co player nya.
"Hahaha!"
"Bagay ba sa akin mga Brad?!"
Ngiting ngiti sya na parang pinagmamalaki pa ang mga blackeyes nya.
"Oo Brad, bagay! Maganda ang kalalabasan ng picture mo mamaya! Hehe!"
"Saan mo ba nakuha yan?"
"Hahahaha! Secret!"
Tumalikod na ito at iniwan sila.
Hindi nila maintindihan ang kinikilos ni Jeremy.
"Anong nangyari dun, nagka blackeyes na nga sobrang saya pa?!"
Pinuntahan nito ang Mama nyang si Elsa na kausap si Nicole.
Nagulat si Nicole ng makita si Jeremy.
"Jusko iho! Huwag mong sabihin gawa yan ni ...?"
"Hahaha! Hindi po Tita, nadulas po ako!"
"Hmp! Nadulas?!"
"Dahil sa kalokohan mong bata ka, yan ang napapala mo!"
Hindi nya makalimutan ng inuwi si Jeremy ng mga security ni Edmund sa bahay nila na walang malay.
"Anong nangyari sa anak ko?! Sinong gumawa nito sa kanya?!"
Singhal ni Elsa sa dalawang security ni Edmund na mukhang mga bouncer sa laki ng katawan.
"E, Madam Elsa, si Sir Edmund po ang may gawa nyan!"
"ANO?!"
"Bakit ginawa ng walang hiyang yun sa anak ko yan?!"
Galit na tanong nito.
"Hinalikan po kasi ni Sir Jeremy si Ms. Eunice, nahuli po kasi sila ni Sir Edmund! Tumakbo po si Sir Jeremy tapos nadapa tumama ang mukha nya sa paso! Kaso po nung patayo na sya naabutan sya ni Sir Edmund at binigyan sya ng suntok kaya po sya nakatulog!"
"Jusmiyong bata ito!"
Gigil na gigil sa galit si Elsa sa ginawa ng anak.
Pero ng pagmasdan nya si Jeremy napataas ang kilay nya.
'Lintek na bata ito, knockout nga pero nakangiti naman na akala mo nananaginip ng maganda at masaya!'
Hindi nya tuloy magawang awayin ni Elsa si Edmund dahil alam nyang kasalanan ng anak nya.
Kaya ng magkita sila ni Nicole, nilapitan siya nito at humingi ng tawad sa ginawa ni Edmund.
"Huwag kang humingi ng tawad! Tingnan mo ang ngiti ng anak ko?"
Sabay turo kay Jeremy.
"Nakakaloka diba?! Ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo! Kamusta si Eunice?"
Nagaalalang tanong nito.
Hinanap nila pareho kung nasaan si Eunice.
"Jeremy anak, nasaan si Eunice?"
"Hindi ko pa rin po nakikita Ma! Baka po kasama si Mel my friend! Teka po at hahanapin ko!"
At iniwan na nya ang dalawa.
Habang hinahanap si Eunice, nakabanggaan ni Jeremy si Miles.
"Ooops! Sorry!"
"Miles?"
"Hi Jeremy!"
Napatingin ito sa mga pasa ni Jeremy.
Biglang nawala ang mga ngiti ni Jeremy ng makita si Miles.
Lagi nya itong iniiwasan pero hindi sinasadyang magkita sila ng malapitan.
At nagumpisa itong humakbang palayo para iwasan sya.
"Bakit Jeremy, nandidiri ka ba sa akin?"
Mataas ang tinig nito para madinig ng nasa paligid.
Huminto si Jeremy saka hinarap si Miles.
"Miles, wala tayong dapat pagusapan hindi tayo close! Kaya pwede ba tantanan mo na ako!"
Humakbang na ito ng mabilis.
At naiwan si Miles na magisa, puno ng lungkot ang mga mata. Wala na kasing gusto na sumama sa kanya lalo na ang mga dati nyan ka grupo na sila Brenda, Lena at Pam.
"Announment: malapit na po tayong magsimula!"
Nagsipuntahan na sa kani kanilang linya ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila.
Habang nagmamarcha, masayang masaya si Jeremy, parang excited ito.
"Anak, anong bang nangyayari sa'yo at dika mapakali dyan parang gusto mo ng tumakbo!"
"Wala po Ma, excited lang po! Ako po kasi ang unang magsasalita! Hehe!"
"Anong nakaka excite dun?!"
Si Jeremy ang Valedictorian ng class nila kaya aakyat sya ng stage para mag speech.
"Ladies and Gentlemen our Valedictorian, Jeremy Alvarez!"
"Umakyat si Jeremy dala ang ngiti nyang hanggang tenga.
"Hello everyone, magandang araw sa inyo!"
"Nitong mga nagdaan na panahon na pananatili ko sa skwelahang ito ay marami akong natutunan mula sa guro ko mga classmates at school mates!"
"Pero akala ko sapat na! Hindi pala! Marami pa pala akong dapat matutunan at yan ay kung paano maging masaya!"
"Kaya sa araw na ito gusto kong kayo ang maging saksi sa pangako kong ito!"
Bumaba ito at nagtungo kung nasaan si Eunice. Isinama nya ito sa stage at....
"Eunice, patawarin mo ako kung medyo natagalan kong sagutin ang tanong mo! Duwag kasi ako e! Takot akong mahalin ka dahil alam kong hindi ako karapatdapat sa'yo!"
"Pero pwede bang bigyan mo ako ng chance?!"
"Will you marry me!"
Hindi na nakapag pigil si Nicole ng madinig si Jeremy.
"Hoy! Kayong dalawa, magtapos muna kaya kayo ng pagaaral! Anong Marry me, marry me kayo dyan!"