Nagulat si Eunice sa sinasabi ni Jeremy
Namula ito.
Hindi makakilos dahil kinikilig sya pero nasa stage din ang nanay nya.
'Jusko! Ganito ba ang na feel ni Jeremy nung nag propose ako sa kanya nung singing contest?'
Nakaramdam sya ng hiya at kaba. Tinakpan nya ng dalawang kamay ang mukha nya. Gusto nyang maglaho sa kinatatayuan nya ng mga oras na iyon.
At lalo syang namula ng madinig nyang magsalita ang Mommy nya.
"Hoy kayong dalawa, magtapos muna kaya kayo ng pag aaral!"
"Anong marry me, marry me, kayo dyan?!"
Nanggigil sa galit si Nicole. Naintindihan na nya kung bakit nasapak ng asawa nya si Jeremy.
Kahit sya ng mga oras na iyon gusto nyang tsinelasin ang dalawang ito.
Napuno naman ng tawanan ang buong paligid.
"HAHAHA!"
"Whooot! Whooot! Jeremy! Idol! Ikaw na!"
"Kaya Idol kita eh!"
"Say YES, Eunice!"
"Jeremy babe, pag ayaw ni Eunice ako na lang ang pakasalan mo! Libre ako anytime!"
Pati mga magulang iba iba ang reaction.
"Jusmiyong mga bata ito, ang babata pa kasal na agad ang iniisip!"
"Tama yan Principal Cole, pagalitan mo! Lintek na ke babata pa kung ano na nasa isip!"
"Hindi pa naman sila magpapakasal, baka gusto lang nilang ma engage! Balita ko kasi sa amerika na mag aaral yang si Jeremy!"
"Hindi naman masyadong maganda yung batang babae, me katabaan pa! Bakit naman nabaliw si Jeremy dyan?"
"Grabe naman pagka judgemental mo! Hindi lang sya palaayos, neneng na neneng pa kasi! Saka cute sya lalo na nung namula, sarap pisilin ng mukha!"
Hindi napapansin ni Eunice ang usapan sa baba. Wala syang pakialam sa kanila.
"Hehe, opo Tita, magtatapos muna po kami ng pagaaral bago ko po sya pakasalan! Promise po! Yan ay kung pumayag sya!"
Hiyang hiya na si Elsa sa pinag gagawa ng anak nya kaya nagpunta na ito ng stage para pigilan ang anak.
Pagakyat ng stage binatukan nya ito saka piningot ang tenga!"
"Lintek kang bata ka umayos ka nga! Nakakahiya ka!"
"Nagiisip ka ng kasal e hindi ka pa nakakatapos ng pagaaral at wala ka pang trabaho dyan! Anong ipalalamon mo sa pamilya mo? Blah blah blah blah!"
Dirediretsong sermon ni Elsa sa anak na hindi binibitiwan ang tenga.
Hagalpak naman ang tawa ng lahat lalo na ng mga estudyante.
Hindi nila akalain na si Jeremy na may good boy image at isang role model sa school ay nababatukan, napipingot at nasesermonan din pala ng nanay nya tulad nila.
"Aray, aray ko po Ma!"
Pero hindi naalis ang ngiti nito. Pakiramdam tuloy ng Mama nya iniinis sya ng anak.
Napakamot na lang sa ulo si Jeremy. Pinilit nyang kumawala sa ina at ng makawala, hinabol naman sya nito sa stage.
"HAHAHAHAHAHAHA!"
'Jusmiyo!"
Hindi na alam ni Nicole ang gagawin nya. Kaya tumawa na lang din sya.
At si Eunice, nanatili sa kinatatayuan nya at pinanonood ang mag inang naghahabulan.
Maya maya hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Eunice at patakbong bumaba ng stage para takasan ang ina.
"Hoy Jeremy! Bumalik ka dito! Huwag mong itakas yang si Eunice!"
"Ma, Principal Cole, aalis lang po kami!"
"Hoy! Jeremy! Bumalik ka dito! Hindi pa tapos ang graduation mo!"
"Go Jeremy Go!"
"Anyare magtatanan na ba sila?"
"Grabe ngayon lang ako na excite sa isang graduation! Haha!"
Kinabahan si Nicole. Hindi dahil sa baka itanan ni Jeremy si Eunice, may bodyguard ito na mahirap takasan at aware si Jeremy dun. Kungdi natatakot sya baka kung anong gawin ng asawa nya kay Jeremy pag nalaman ito.
Tinext nya si Kate.
[Kate, paki sundan nyo nga ni Mel yung dalawa!]
[Opo Tita Ninang]
Nang mawala na sa paningin ng mga tao ang dalawa, nawala na rin ang ingay.
Tumayo si Nicole at hinarap ang mga tao.
"Sorry for the intermission! I think it's time na ituloy na natin ang pinunta natin dito!"
At pagkatapos, naging seryoso na ang lahat pero hindi pa rin nawawala ang mga bulung bulungan.
Sa isang classroom dinala ni Jeremy si Eunice.
"Eunice, Galit ka ba? Sorry!"
"Hindi ako galit, natatakot lang! Paano kung .... "
Hindi maituloy ni Eunice ang gusto nyang sabihin. 'Paano kung pagbalik mo may iba ka ng mahal?'
Maya maya dumating na rin sila Kate at Mel, hinahanap sila.
"Jeremy my friend naman, ano bang ginawa mo?! Haaaist!"
"Bakit Mel my friend, hindi mo ba nagustuhan?"
"Hindi naman sa ganun my friend, pero ang Mommy mo nagaalala sa inyo, baka daw itanan mo na si Eunice!"
"Saka Graduation day ito my friend, baka nakalimutan mo?!"
"Ikaw Kate, galit ka din ba?"
"Hahaha! Oo! Galit na galit ako sa'yo! Pinasakit mo ang tyan ko sa katatawa!"
"But kidding aside Jhay, I think you should go back now! Tama si Melabs, super worried na si Tita Elsa! Kami ng bahala dito!"
Ngumiti ito hinalikan si Eunice sa noo saka nagpaalam.
Nagsigawan ang lahat ng makita ulit si Jeremy lalo na ng umakyat ito ng stage kasama ang ina para kunin ang mga medals nya. Pagkatapos nyang tanggapin ay isinuot lahat sa ina.
"Ma, sorry po sa katigasan ng ulo ko! Pero lahat ng achievements ko, alay ko po sa inyo!"
Naiyak si Elsa, na touch sya sa sinabi ng anak! Nakalimutan na ang kapilyuhang ginawa nito kanina.
Pero sa isang sulok, habang masaya at tuwang tuwa ang lahat, may isang nilalang na nagpupuyos sa galit na naman.
Si Miles.