Lumakas ang loob ng mga magulang ng batang nabiktima ni Sir Mon. Isa isa silang naglitawan, naghahanap din ng hustisya sa nangyari sa mga anak nila.
Nagkaroon tuloy ng pag asa ang pamilya ni Yna ng maglitawan sila. Sana makita na nila si Yna, umaasa pa rin silang buhay ito.
Pero dahil din dito kaya naman nawawalan ng sasaysay ang kasong isinampa ni Miles kay Sir Mon.
Lumalabas kasi na sya lang ang naiiba sa lahat.
Una, teacher nila si Sir Mon at nasa lower section sila lahat.
Pangalawa, sa bahay ni Sir Mon sila nagpunta dahil sa pangako nitong project, bagsak kasi sila.
Pangatlo, hindi sila pinainom ni Sir Mon ng wine.
Samantalang si Miles ay hindi naging teacher si Sir Mon, nasa Star Section kasi sya. Tapos hindi sa bahay ni Sir Mon naganap ang nangyari kay Miles kung hindi sa isang ni rentahang kuwarto.
Walang dahilan na iblackmail sya nito maliban sa wine daw na may drugs, wala na silang maipakitang ebidensya na pinagsamatalahan si Miles ni Sir Mon.
Nalinis na kasi ang kuwarto at mga nagamit nilang bagay ng dumating ang mga pulis at magimbestiga.
Nagpupuyos sa galit si Miles at ang family nya lalo na ang Daddy nya ng malaman ito. Kaya hinanap nya si Jaime at kinausap. Alam nyang sya ang tumulong para mahanap ang mga nabiktima ni Sir Mon.
"Sir Jaime, bakit naman ganun? Nagsasabi naman ng totoo ang anak ko pero dahil sa paglabas ng mga biktima parang lumalabas tuloy na nagsisinungaling sya!"
"Bakit mo naman ginawa ito? Bakit napapasama ang anak ko?"
"Mr. Bernardino, ang ginawa ko lang ay tumulong na mahanap ang mga biktima ng teacher na yun! Pero wala akong alam sa statement nila! Kaya huwag mo akong sisihin!"
"Kung pakiramdam mo nagiging unfair na sa anak mo ang hustisya, you should ask yourself WHY?!"
"Sorry Sir Jaime, nakapag init lang ng ulo na wala akong magawa para tulungan mabigyan ng hustisya ang anak ko! Nagsasabi naman sya ng totoo pero bakit bumabaligtad ang totoo?!"
"Sigurado ka ba na nagsasabi ng totoo ang anak mo, Mr. Bernardino?"
Nairita ang Daddy ni Miles sa tanong ni Jaime.
"Anong ibig mong sabihin sa tanong mo Sir Jaime?"
"Simple lang ang tanong ko, kung sigurado ka ba sa statement ng anak mo?!"
"O-oo!"
"E bakit pakiramdam ko nagaalinlangan ka?"
"Sir Jaime, anak ko si Miles, kaya dapat lang maniwala akong totoo ang sinabi nya!"
Kung talagang naniniwala ka sa anak mo, suportahan mo sya ng buo! Tanggalin mo ang alinlangan sa puso mo dahil yun ang gustong mangyari ng kampo ng kalaban mo! Ang mawalan ka ng tiwala sa anak mo!"
Naglinaw bigla ang isip ng Daddy ni Miles at umaliwalas ang mukha nya.
"Hindi pa tapos ang laban Mr. Bernardino! Nagsisimula pa lang tayo! Hindi pa nakikita ang missing link sa kasong ito! Si Yna! Kaya sana huwag kang panghinaan ng loob!"
*****
Sa Chatroom ng ExMiles.
"Girls, nabalitaan nyo ba ang nangyari kay Miles?"
~Brenda~
"Alin, yung pinagsamatalahan daw sya ni Sir Mon?"
~Lena~
"Oo! Balita ko dahil daw sa wine, yung kinonfiscate nya nung prom!"
~Brenda~
"What?! Si Sir Mon ang nakakuha ng wine na yun?!"
~Lena~
"Teka, alam ba ni Sir Mon na may drugs yung wine? Paano?!"
~Pam~
"Hindi ko rin alam, pero mukhang yun ang ginamit niya kay Miles para mapasunod ito!"
~Brenda~
"O-M-G!"
~Pam~
"SHOCKS!"
~Lena~
"So ayun, nag file ng complaint si Miles sa ginawa ni Sir Mon sa kanya pero sabi ng uncle ko, mukhang tagilid ang kaso! Para daw kasing nagsisinungaling si Miles!"
"Matagal na panahong nabuhay sa kasinungalingan si Miles at marami syang napaniwala.
Ngayon naman nagsasabi sya ng totoo, ayaw naman nilang maniwala! Tsk, tsk, tsk!"
~Pam~
*****
Samantala.
"Jeremy, pano yan nasa ospital pala si Kate! Sinong date mo sa Grad ball? Si Miles?"
"HAHAHA!"
Nagtawanan ang lahat.
"Hindi naman si Kate ang date ko at mas lalong hindi si Miles!"
"Pero hindi pa kasi sya pumapayag kaya nagaalinlangan din akong pumunta!"
"Teka sino ba yan? Huwag mong sabihing si Eunice?!"
Hindi napigilan ni Jeremy ang mangiti.
"Ohhh! Mukhang may tama ka na Bro! Haha!"
"Gusto ko syang makasama at makasayaw bago ako umalis! Kaya lang hindi sya payagan ng Daddy nya e!
Araw araw na nga akong nagpapaalam sa Daddy nya na payagan na sya pero, ayaw pa rin!"
"Bro, daanin mo sa lalaki sa lalaki! Ayain mo ng inuman tapos tanungin mo kung bakit ayaw nyang payagan ang anak nya! Tandaan mo lahat ang mga dahilan nya tapos...
Saka mo sya tanungin ng ganito:
"Sir pag nagawa ko po ba lahat ng gusto nyo at naiayos ko po ang mga ayaw nyo, papayagan nyo na po ba akong maka date ang anak nyo?"