Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 135 - Desperado

Chapter 135 - Desperado

Dahil sa malapit na ang grad ball, sinunod ni Jeremy ang payo ng mga friends nya. Tinawagan nya si Edmund at inayang kumain sa labas.

"Sir, gusto ko po sana kayong ayain kumain sa labas para po makausap!"

"Ayoko!"

"Sir, gusto ko lang naman po kayong kausapin! Please pumayag na po kayo!"

"A-Y-O-K-O!"

Nag isip ng bagong strategy si Jeremy, tinawagan nya si Jaime ang Daddy ni Kate.

"Tito, pwede ko po bang mahingi ang tulong nyo?"

Kumpara kay Edmund, mabait si Jaime kay Jeremy.

Gusto nya si Jeremy, responsableng bata.

Gusto nya ito para sa anak nyang si Kate.

"Jeremy, ano bang maitutulong ko sa'yo, iho?"

"Tito, gusto ko po kasing, ayain kumain sa labas si Sir Edmund pero ayaw nyang pumayag! Pwede nyo po ba akong tulungan na kumbinsihin sya?"

"Bakit mo naman gustong makasama ang taong yon na kumain sa labas?"

"Tito, gusto ko po kasi syang kausapin para kumbinsihin na payagan na si Eunice na maging date ko sa grad ball!"

"Huh?"

"Tito, please help!"

"Bakit mo naman gustong maka date si Eunice? Bata pa yun, Bakit hindi ka maghanap ng iba?"

Hindi nya ma recommend si Kate dahil nagpapagaling ito.

"Gusto ko po kasing maging memorable ang grad ball ko!"

Nagulat si Jaime sa sinabi ni Jeremy.

"Teka Jeremy, may gusto ka ba kay Eunice? Akala ko nag de date kayo ng anak ko?"

"Tito Jaime, sorry po kung yun ang pagkakaintindi nyo sa friendship namin ni Kate! Tito parang kapatid po ang turingan namin ni Kate, nagdadamayan po kami sa lahat ng oras!"

Hindi makapaniwala si Jaime. Akala nya sya ang tinutukoy nilang boyfriend daw ng anak nya.

"Kung ganun, sino yung tinutukoy nilang boyfriend ni Kate at balita ko gusto syang pakasalan?!"

"Ahh, si ano po, si Mel po, yung friend ko!"

"ANO?!"

Nagulat ng sobra si Jaime.

Buong akala nya may relasyon silang dalawa ni Kate.

' Hindi pala sya ang tinutukoy nilang gusto daw pakasalan ng anak ko, kungdi yung Mel!'

Napaisip si Jaime.

Isa lang ang Mel na kilala nyang kaibigan ni Jeremy.

"Sinong Mel?"

"Yun pong bestfriend ni Eunice na tinatawag nyang "Beshy"!

"Yu..yung malamyang kaibigan ni Eunice?"

"Huwag po kayong magalala Tito, responsable at mabuting tao po si Mel! At higit sa lahat lagi po nyang napapasaya si Kate!"

Dismayadong dismayado si Jaime.

'Ikaw ang gusto kong makatuluyan ni Kate!'

Pero hindi nya maisatinig.

Hindi sya nangako kay Jeremy pero hindi rin sya tumanggi.

Pag uwi ng bahay kinausap ni Jaime ang anak.

"Kate princess, nakausap ko si Jeremy, may gusto pala sya sa pinsan mong si Eunice, alam mo ba ito?"

Gustong makita ni Jaime ang magiging reaction ni Kate. Kung magseselos ba ito o malulungkot.

Hindi sya naniniwala na walang pagtingin kay Jeremy ang anak.

"Haha! Yes po Dad! Ako nga ang nangungulit kay Jeremy na ligawan nya si Eunie!"

Nagulat sya sa reaction ng anak.

'Totoo ba ito o may kinukubli syang sama ng loob?'

"Kate anak, wala ka bang gusto kay Jeremy?"

"Wala po Dad!"

"Bakit anong ayaw mo kay Jeremy?"

"He's a pushover!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"It means po na madali syang mabuyo dahil nakikinig sya sa sinasabi ng paligid nya! Parang kayo, mas mahalaga pa sa inyo ang sinasabi ng ibang tao!"

OUCH!

'Grabe itong anak ko hindi man lang nagpreno!'

Hindi pa rin kasi nya inaalis ang pangalan nya sa listahan ng mga nagpadestino sa malayo. Sinusubukan nyang kumbinsihin ang pamilya nya.

"Kate tungkol ba ito sa pagalis ko? Sana maintindihan mo na ginagawa ko ito para sa bansa!"

"Dad naintindihan ko po, naintindihan po namin ni Mommy!"

"Huwag po kayong magaalala, me and Mom, we can take care of ourselves po, as always!

Hindi na po kami magiging hadlang sa ambition nyo!"

Tumalikod na ito at nag talukbong ng kumot.

*****

"Pre, samahan mo naman ako! Kailangan ko ng kausap!"

Aya ni Jaime kay Edmund.

Masama ang loob nya dahil hindi nya makumbinsi ang pamilya nya, kaya iinom na lang sya.

"Ano na naman bang problema mo at gusto mong maglasing?"

Nagulat si Edmund at ang dami nyang inorder na beer.

Pero hindi sya nito sinagot, kumuha ng dalawang beer, binigay kay Edmund ang isa at saka tinungga ng diretso ang hawak nya.

Pagkatapos tunggain ang isa, isa paulit! Hanggang sa maka anim na ito saka nagsalita.

"Bakit ganun Pre, bakit hindi na ako mahal ng asawa at mga anak ko?"

"Ganun ba yun Pre, kapag labag sa kalooban nila ang gagawin mo ibig sabihin hindi ka na kaagad mahal?"

"Pre hindi mo ba ako naintindihan? Lalaki ka rin, dapat alam mo ang ibig kong sabihin! Napapahiya ako kapag kinukumpara ako sa tatay ko!"

"E, bakit ka naman nahihiya, Jaime! Dapat nga matuwa ka pa dahil compliment yun! Kasi, wala ka naman talaga sa kalingkingan ng tatay mo!"

"Dahil si Uncle Gene, never pa nyang napaiyak si Tiya Belen. Hindi tulad mo, puro luha at pasakit ang binibigay mo sa pamilya mo!"

"Masyado kang paasa!"