Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 131 - Pisil

Chapter 131 - Pisil

Linggo.

Pagkatapos magsimba, dumiretso na ang pamilya ni Nicole sa ospital at naabutan nilang tila may something na naganap.

Nasa sofa si Jaime at may hawak na newspaper pero obvious namang hindi nagbabasa dahil panay ang sulyap sa asawa nyang nasa may bintana.

Si Nadine naman, kahit na nakatalikod mahahalata mong mainit ang ulo.

At si Kate ay mukhang nakapikit pero hindi tulog.

Nilapitan agad ni Eunice at Earl si Kate pagkatapos nilang mag bless sa Tito at Tita nila.

"Ate Kate, why are you pretending to be asleep?"

Tanong ni Earl sa kanya.

"Shhhh!"

Suway ni Eunice.

"What?"

"Lower your voice!"

Ang ginawa ni Earl ay nilapit nya ang mukha nya kay Kate at muling nagsalita pero hininaan nya ang boses nya.

"Ate Kate, is it true that you're engage?"

Hindi na napigilan ni Kate ang sarili.

"Hahaha!"

Pero bigla din itong tumigil dahil nakaramdam ng kirot.

"Awch!"

Napatingin lahat sa kanya, nagaalala!

"Mommy si Earl po!"

Sabay turo ni Eunice sa kapatid.

"Bakit ako?"

"I told you to stop!"

"No Ate sabi mo "Shhh!" hindi "Stop!"

Napakagat na lang si Eunice sa labi nya. Nanggigil sa kakulitan ng kapatid.

Kaya natawa ulit si Kate pero dahan dahan na para hindi kumirot ang mga sugat nya.

"Waaaaah! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo!"

Naiinis na dinampot ni Nadine ang mug at ibinato sa asawa.

Buti na lang nasalo ito ni Jaime.

"Ano ba Nadine? Bakit ba nagiging bayolente ka?!"

Lumapit si Nicole kay Edmund at bumulong.

"Hindi pa ba alam ni Kuya Jaime?"

"Malamang! May pagka bano din ito kung minsan e!"

"Uhm.. Pre, buti pa labas muna tayo!"

Kinuha ni Edmund si Earl at saka hinila si Jaime.

Si Nicole naman ay kinausap si Nadine para kumalma.

Mukhang may nangyayari na naman sa mag asawa.

"Ate Kate, bakit nagaaway sila Tita at Tito? At bakit masyadong emotional si Tita Nadine?"

"Ganyan daw pag buntis, emotional!"

"Talaga, buntis si Tita?!

Diba good news yun? Bakit galit si Tita?"

"Ewan ko? Dinga ako makatulog sa ingay nila!"

"Ate Nadine, huminahon ka nga at baka makasama sa baby mo!"

"Alam mo na?"

"Oo, sinabi sa akin ni Edmund! E, si Kuya Jaime alam na ba?"

"Hindi pa! Inunahan ako! Nagpaalam! Kailangan daw nyang umalis, madedestino daw ulit sya sa malayo!"

"Ahhhh... Kaya ka pala nagagalit dyan!"

"Pagod na ko Nicole, matagal ko na syang pinagbigyan pero sa pagkakataong ito pagumalis sya, makikipaghiwalay na ako ng tuluyan sa kanya!"

"Ate, huwag ka ngang padalos dalos sa desisyon mo! Isipin mo ang mga bata lalo na at buntis ka!"

"Lagi ko naman silang iniisip e, pero si Jaime iniisip ba nya kami o yung sarili nya lang?"

Hindi na nakasagot si Nicole. Hindi nya masisi ang kapatid kung nagiisip sya ng ganito.

Sa dalawang dekada nilang pagsasama na magasawa mabibilang sa kamay ang panahon na nakasama sya ng mga bata.

Napansin ni Eunice na namumula ang mga mata ni Kate, parang naiiyak pero pinipigilan nya.

Nadinig nila ang pinaguusapan ng mga Mommy nila at alam nyang nasasaktan ang Ate Kate nya.

Matagal syang umasa na someday makakasama nya na rin ang Daddy nya at buong akala nya natupad na, tapos ....

Minsan naitanong nya sa Ate Kate kung na mimiss ba nya ang Daddy nya?

"Namimiss! But how can I complain and ask for his attention? It's always me versus the people of the Philippines!"

Tapos ay tatawa sya ng malakas para matabunan ang lungkot na nararamdaman nya.

Umupo si Eunice sa kama at tinakpan si Kate para mawala sa view ng dalawang Mommy nila. Saka hinawakan ni Eunice ang kamay nito at pinisil.

Naintindihan ni Kate ang ibig ipahiwatig sa pisil na iyon.

Tinakpan nya ng kumot ang mukha at umiyak ng tahimik. Ayaw nyang malaman ng Mommy nya na umiiyak sya dahil ayaw nyang makadagdag sa sakit na nararamdaman ng ina.

*****

"BUNTIS?!"

"Pare ulitin mo nga, sinong buntis?!"

Tanong ni Jaime kay Edmund.

"Yung asawa mo, si Nadine, 4 weeks pregnant!"

"Paano nangyari yun?!"

"Seriously Pre, tinatanong mo? Hindi mo pa ba alam kung papaano?!"

Hindi yun ang ibig nyang sabihin.

"Pre hindi mo ako naintindihan! Ang ibig kong sabihin, bakit ngayon? Wrong timing! Paalis ako!

Nagkaroon kasi ng opening, sayang kasi!"

"Nagpadestino ka ulit sa malayo?! Kaya pala galit na naman si Nadine sa'yo!"

"Bakit Pre? Bakit kailangan mong magpadestino sa malayo? Hindi mo ba gustong makasama ang pamilya mo?"

"Gusto pero hindi pa oras!"

"Kelan ang oras Pre, pag ikinasal na ang mga anak mo o kapag hiniwalayan ka na ng asawa mo?!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Jaime at hiniwakan ang collar ng damit ni Edmund.

"Anong ibig mong sabihin, huh?"

"Hindi mo ba nadinig o ayaw mong intindihin ang nararamdaman ng asawa mo?"

"Hindi ba binigyan ka na nya ng ultimatum!"