Natahimik si Jaime.
Bumalik sa alaala nya ang tinutukoy ni Edmund, isang buwan na ang nakakaraan.
Ito yung panahon na naospital din si Kate dahil may gumulpi sa kanya. Si Miles.
Kaka promote pa lang nya nun at gusto nyang sorpresahin ang pamilya nya pero napa aga ang uwi nya dahil sa nangyari kay Kate.
At ngayon akala nya okey na ang lahat kaya nag request ulit syang madestino sa malayo. Hindi nya akalain na seryoso pala ang asawa nya ng sabihin nito sa kanyang "Huli na 'to!".
"Tito Jaime, what's the problem po ba? Ayaw nyo po ba sa baby ni Tita Nadine?"
Inosenteng tanong ni Earl.
"No Earl hindi sa ganun! Bata ka pa kaya hindi mo naiintindihan!"
"Pre kahit ako hindi ko rin maintindihan! At sa tingin ko kahit pamilya mo hindi ka na rin nila maintindihan!"
Sarkastikong sabi ni Edmund.
"Alam kong may oblgasyon ka sa bansa pero Pre, hindi mo ba yan magawa malapit sa pamilya mo?"
"Maintindihan ko nung bata ka pa at bago ka palang sundalo, but now?!"
Napa iling si Edmund.
"Anong bang hinahabol mo Pre, posisyon? Bakit hindi mo ba makukuha yan kapag andito ka, malapit sa family mo?!"
Hindi makapagsalita si Jaime, natumbok kasi ni Edmund ang dahilan. Gusto nyang mapabilis ang promotion nya.
Napepressure sya sa mga nasa paligid. Inaasahan kasi nila na magiging katulad sya ng Papa nya, isa sa pinaka batang General Officer ng bansa.
"Jaime, you have to make a choice! Kung nahihirapan ka, bakit hindi mo tanungin si Uncle Gene?"
At dahil sa advice ni Edmund pinuntahan nga nya si General Gene, ang Papa nya.
"Pa, ano pong dapat kong gagawin?"
Nilapitan sya ng kanyang ama at ng malapit na ito ay itinaas ang kamay nya at saka .... binatukan sya.
"PAK!"
"PA?!"
Laking gulat ni Jaime ng batukan sya ng tatay nya. Akala pa naman nya aakapin sya at dadamayan ng Papa nya, yun pala...
"At anong gusto mong bata ka, hambalusin kita ng batuta?"
Naghanap nga ito at nakakita ng mahabang stick na ginagamit sa Arnis.
"Sira na ba ulo mo, Jaime?
Nagtatanong ka pa talaga!"
"Saan ka hahanap ng asawang katulad ni Nadine na sobrang haba ng pasensya sa'yo?!"
"Lintek ka! At ako pa talaga ang idadahilan mo!"
Hindi tumigil si Gene sa pagpalo sa anak. Matagal na itong naiinis sa pagbabaliwala ni Jaime sa pamilya nya.
Palibhasa mabait at matiisin ang napangasawa nyang si Nadine, umabuso naman masyado!
"At ngayon naubos na ang pasensya ni Nadine, ano pang saysay ang hinahabol mong posisyon kung wala na sa'yo ang pamilya mo?!"
"Pa! Tama na po! Please!"
"Anong tama na?! Kulang pa yan sa sakit na binibigay mo sa pamilya mo! Lintek kang bata ka!"
'Jusko, bakit kasi nagpunta pa ako dito?'
Naalala nyang si Edmund ang nag advice sa kanyang magpunta sa tatay nya.
'Bwisit ka talaga Edmund!"
Si Edmund na walang kamalay malay at nageenjoy na kumakain kasama ang pamilya ay biglang nakagat ang dila nya.
'Langya, sino kayang nagiisip sa akin?'
*****
Sa police station.
Dumating na ang abogado ni Sir Mon. Umamin sya sa pagkakabangga kay Kate pero sinabi nitong hindi nya sinasadya dahil biglang tumawid ang bata.
Kinontra naman nila ang reklamo ni Miles dahil kusang loob ito na sumama sa kanya at hindi na ito minor.
Inaasikaso na rin ng abogado nya ang pyansa nya para makalabas na sya bukas.
"Wow, ang galing naman ng abogado mo!"
"Pwede ko bang maging abogado rin yan?"
Tanong ni Orly.
Inggit sya kay Mon dahil mabilis kumilos ang abogado nya.
"Akala ko ba may abogado ka na?"
"Ang bagal kumilos e, masyado pang busy hindi kami dinadalaw matagal na!"
"Teka, iisa lang ang abogado nyong lima?"
Tumango ang mga ito.
"Bakit hindi kayo kumuha ng tigiisang lawyer para mas naka focus sa inyo ang atensyon nya?!"
"Iyon kasi ang sabi ng assistant ni Gob Pancho!"
"Si Gob ang nagbigay sa inyo ng abogado?!"
"Oo! Siya din ang nagbabayad!
Sabi nya mas makakabuti daw kung iisa lang ang magiging lawyer namin para may unity kami!
Ang bait ni Gob, nuh!"
Buong pagmamalaking sabi ni Orly.
Ngumiti lang si Sir Mon.
Mukhang naintindihan na nya kung bakit narito pa rin sila at naka kulong, si Gob Pancho marahil ang dahilan.
'Malapit na ang eleksyon, hindi makakabuti kung masisira ang image ni Gob! Pakat kalat pa naman sila!'
Napapaisip ang isa sa alipores ni Orly na si Diego.
'May katwiran si Mon!
Iyon marahil ang problema kaya hindi kami payagang makapagpiyansa!'
'Hindi kaya sinasadya ito ni Gob Pancho?'