Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 127 - Huwag Kang Magbiro

Chapter 127 - Huwag Kang Magbiro

"Kailangan ko ng makaalis dito!"

Natatarantang sabi ni Sir Mon.

Hindi nya gustong saktan si Kate, pero sinong maniniwala sa kanya!

Naalala nya ang sinabi ni JR, "apo sya ni General Santiago"!

Muli nyang pinaandar ng paunti unti ang sasakyan kahit alam nyang naroon sa daan si Kate.

BROOM! .... BROOM!

Pero hindi umurong si Eunice, tumuntong ito sa sasakyan at nilundag ng nilundag ang sasakyan.

BHAG! BHAG! BHAG!

Galit na galit ito na parang batang nagdadabog.

Nadistract si Sir Mon sa ginagawa nya.

"Bwisit na batang 'to!"

Muli nyang inabante ang sasakyan ng kaunti na muntik ng ika out of balance ni Eunice.

Nang biglang sumulpot si JR at tinutukan sya ng baril.

"BUMABA KA DYAN!"

Utos nito.

Hindi natakot si Sir Mon kahit na may nakatutok sa kanyang baril. Hindi sya bumaba ng sasakyan.

Alam nyang walang bala ang mga baril ng guard o di kaya fake ang gamit nito.

'Sinong niloko nito! Hmp!'

'Wala naman silang lisensya na magdala ng baril!'

Nang hindi bumaba si Sir Mon pinaputukan ni JR ang dalawang gulong nito habang si Eunice ay patuloy sa ginagawa nya at hindi man lang nahuhulog sa sasakyan.

Si Reah naman ang bumaril sa dalawa pang natitirang gulong.

Yupi yupi na ang car hood kaya pati windshield sinisipa na ni Eunice habang si Mel ay pinagagalitan naman si Kate.

"Sira ba talaga ang ulo mo ha? Hindi ka ba natatakot mamatay?"

Naiiyak na ito sa pagaalala.

Nakasalampak ito sa kalsada habang nakasapo sa ulo ni Kate.

"Melabs, bakit pag namatay ba ako ma mimiss mo ako?"

"Buwang ka talaga! Syempre ma miss kita lalo na yung tawa mong nakakaloka!"

Natatarantang sabi nito.

'Ano ba itong babaeng ito kung ano ano na ang iniisip baka nagdidiliryo na!'

Gustong tumawa ni Kate ng malakas pero hindi nya magawa. Nginitian na lang nito ng may lambing si Mel.

"Huwag kang mag alala Melabs, hindi ako mamatay! Pakakasalan pa kita eh! Hehe!"

Kinabahan na ng sobra si Mel.

'Jusmiyo nagdidiliryo na nga si Kate my Labs!'

'Waaaaaaah!'

Sumisigaw na ang kalooban ni Mel sa takot.

"Tumawag kayo ng tulong! Bilisan nyo! TULONG!"

"Kate, Labs, huwag kang magsalita ng ganyan! Huwag mo akong takutin!"

Umiiyak na ito.

Agad na tumawag ng ambulansya ang guard habang patakbong papalapit naman si Nicole at Secretary Kim.

"Eunice bumaba ka dyan! ISA!"

Napatigil si Eunice sa ginagawa nya ng madinig ang boses ng ina pero hindi sya bumaba.

"Mommy, Mommy si Ate Kate po! Si Ate Kate po sinagasaan ni Sir Mon! Huhuhu!"

Sabay turo kay Kate.

Nagulat si Nicole ng makita si Kate na nakahandusay sa kalsada kalong kalong ni Mel.

"Jusko!"

"Tumawag kayo ng ambulansya! DALI!"

Sabay lapit kay Kate.

"Saan ang masakit sa'yo ha?!"

Natatarantang tanong ni Nicole sa pamangkin.

"Mam Prinicipal, tumawag na po ako ng ambulansya!"

Agad naman inakyat ni Reah si Eunice para pababain sa sasakyan at pagbaba saka sinipa ni JR ang hood at bumukas ito.

Hindi pa pinapatay ni Sir Mon ang makina kaya malamang nagpa plano pa itong tumakas.

May mga pinutol syang kable para mamatay ang makina at masigurong hindi na ito aandar. At muling sinara ang hood.

Kitang kita sa mukha ni Sir Mon ang takot at pagkadismaya.

Agad na pinaputukan ni JR ang pintuan ng kotse para bumukas ang pinto.

Sa takot ni Sir Mon, lumayo ito sa pinto at nagtungo sa passenger seat at duon lumabas para tumakas.

Nang makita ni Eunice na papalabas na ito ng sasakyan, agad nya itong nilusob at binigyan ng matinding sipa.

Nakita rin sya ni Miles at galit na galit itong lumusob kay Sir Mon.

Pinagsisipa din nito si Sir Mon pero sa ibabang bahagi ng katawan ang pinuntirya ni Miles kaya napaupo ito sa sakit.

"AAAAH! AAAAH!"

"TAMA NA! TAMA!"

Sigaw nito sa mga bata na namimilipit sa sakit!

Samantala...

Nadinig ng mga pulis ang putok ng baril at hinanap nila kung saan ito nagmula.

Nang makitang may nangyayari sa gate, nagtungo sila duon para magusisa at nadatnan nila si Miles na patuloy pa ring sinisipa si Sir Mon galit na galit pa rin ito.

Pinigilan ng mga pulis sila Miles at Eunice at inilayo kay Sir Mon.

Umuungol sa sakit si Sir Mon habang itinatayo ito. Nang maitayo si Sir Mon, agad itong nilapitan ni Nicole.

PAK! PAK! PAK! PAK!

"Anong karapatan mong saktan ang mga bata?!"

"JR! Siguraduhin mong hindi sya makakatakas! Padating na si Jaime!"

Napansin ni Mel na tila nahihirapan ng huminga si Kate.

"Kate! Kate! Kate!"

"Pwede ba huwag kang magbiro ng ganyan!"

"Promise, pakakasalan din kita pag malaki na tayo, huwag mo lang akong biruin ng ganyan!"

Naghihisterikal na sigaw ni Mel.

Agad na lumapit si Eunice at Nicole kay Kate at nakita nilang nawalan na ito ng malay at may dugo na sa bibig.