Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 128 - Hiya

Chapter 128 - Hiya

WANG WANG WANG WANG!

Tunong ng ambulansyang dumating.

Agad nilang tiningnan si Kate at pagkatapos ay isinakay sa stretcher.

Hangang sa nakasakay na sa loob ng ambulansya, hindi pa rin inaalis ni Mel ang pagkakahawak nya sa kamay ni Kate.

"Huwag kang magalala Beshy, magiging okey si Ate Kate!"

Umiiyak nyang sambit.

Tumango tango lang si Mel habang patuloy sa pag daloy ang luha niya.

Hindi nya alam kung ang sinasabi ba ni Eunice ay para sa kanya o para sa sarili nya.

Pati si Nicole ay naiiyak na din, hindi alam kung paano aaluin ang dalawang bata.

Samantala...

Naiwan naman sa mga pulis si Sir Mon. Tahimik itong sumama sa mga pulis habang binibitbit sya sa police car pero hindi umaalis sa tabi nya si JR dahil magka posas ang dalawang kamay nila.

Hindi na makatutol pa ang mga pulis sa ginawa ni JR lalo na ng malaman ng mga ito na apo ni General Santiago ang sinagasaan nya.

"Langya ka, ang tapang mo! Ang dami mong sasagasaan yung pang apo ni General ang pinili mo! Hindi mo ba nabalitaan kung gaano kalupit yun?!"

"Totoo ba na apo ni General Santiago si Kate?"

"Duda ka pa?!"

"Antayin mong dumating ang tatay nyang si Major Jaime at sa kanya mo iconfirm!"

"Nope! Na promote na si Sir Jaime! Hindi na sya Major, Lt. Coronel na sya!"

Nadagdagan ang kaba ni Sir Mon ng madinig ang sinabi ni JR.

Sila Miles at Daddy nya pati ang mga kapatid ay sumunod sa kanila sa presinto.

'Hindi ako makakapayag na matakasan ng demonyong yun ang ginawa nya sa aking kahayupan!'

Habang nasa byahe, paulit ulit na nag rereplay sa isip ni Miles ang mga nangyari lalo na ang ginawa ni Kate.

'Bakit nya ginawa yun?

Bakit nya sinacrifice ang sarili nya?'

'Nakalimutan na ba nya ang ginawa ko sa kanya nung JS prom?'

Ni minsan hindi pa nya naranasan na may magpakita ng malasakit sa kanya.

Kahit ata magulang nya at kapatid hindi nya rin inaasahan na gagawin ang ginawa ni Kate kanina.

Ang isacrifice ang sarili!

Unti unti tuloy syang nakaramdam ng hiya sa sarili kapag naalala nya si Kate.

Ang Daddy naman ni Miles hindi inaalis ang tingin sa anak. Nagaalala ito at natatakot para sa anak.

Naiinis din sya sa sarili dahil hindi nya maprotektahan ang anak nya. Nagiisa pa naman itong babae.

'Anong klaseng ama ba ako?'

Sa police station...

Isa isang lumalabas ang mga ginawang kawalang hiyaan ni Sir Mon.

Una ay kay Kate.

Pangalawa ay kay Miles.

At ikatlo ay kay Yna.

Kahit sabihin pang sinadya ni Kate ang pagharang sa sasakyan nya, sinong maniniwala sa kanya na wala syang kasalanan kung pagkatapos nyang masagasaan ang bata tinangka pa nitong tumakas.

Pagkatapos ng ginawa ni Kate, lalo naman lumakas ang loob ni Miles na magsalita! Isinalaysay nito ang buong nangyari sa kanya mula kahapon ng magkita sila ni Sir Mon.

Maging ang video na nasa usb na ibinigay ni Sir Mon sa kanya bilang warning para hindi sya magsalita, ipinakita din nya sa mga pulis.

Hindi sya natatakot, ilalabas nya ang lahat makulong lang si Sir Mon, upang mapagbayaran nito ang mga kahayupang ginawa nya.

"Ang ibig mong sabihin, sa'yo galing ang wine na may drugs?"

"Opo sir kinonfiscate po nya yung wine nung JS prom kaya hindi po namin nagamit! Pwede nyo pong ipagtanong, marami ang nakakaalam tungkol dito!"

Hindi makapaniwala ang pulis na nagtatanong lalo na ang ama at mga kapatid ni Miles sa isinalaysay niya.

Sabay sabay nilang inakap si Miles. At sabay sabay din silang umiyak, dinadamayan sya.

Gustong gusto nilang sapakin si Sir Mon sa pambababoy nila kay Miles, pero pinigilan nila ang sarili.

"Mas mabuting hayaan na nila ito sa mga pulis"

Sabi ng Daddy ni Miles.

Pati ang tungkol kay Yna ay nahalungkat din dahil sa nakita nilang bag.

"Sir, may nagsabi sa akin na ipinagpipilitan mo daw na sa iyo yung bag na violet!"

"Bakit mo naman pinagpipilitan, Sir Mon? E, nung binuksan ko yung bag nakita ko ang ID ni Yna! Hindi kaya may kinalalaman ka rin sa pagkawala ni Yna?"

Sunod sunod ang tanong nila kay Sir Mon pero nanatili itong tahimik.

"Ano ba? Hindi ka ba magsasalita dyan?!"

"I need my lawyer!"

*****

Sa Maynila.

"Ano? Anong sabi mo, may nangyari kay Kate?!'

Tanong ni Nadine sa assistant nya.

"Yes po Mam! Nasagasaan daw po at dinala na nila sa ospital!"

"I cancel mo lahat ng appointment ko! I need to go home!"

Biglang nahilo ito sa pagtayo at nawalan ng malay.

Biglang tumunog ang cellphone nito. Si Jaime ang asawa ni Nadine.

"Nadine, si Kate, nasa ospital!"

"Sir, si Mam Nadine po hinimatay!"