Nakita nila Mel, Kate at Eunice ang nangyari.
Napatayo sila at patakbong lumapit sa gate.
"Miss! Miss, okey ka ba? May masakit ba sa'yo?!"
Natatarantang tanong ng guard kay Miles.
Napapikit kanina ang guard ng makita nyang biglang hinarangan ni Miles ang sasakyan ni Sir Mon na padating.
Akala ng guard tinamaan nito ang bata kaya ganun ang pagtatanong nya pero hindi nya akalain na magiging dahilan ang tanong nyang ito para makaramdam ng panghihina si Miles.
Dahil totong may masakit sa kanya hindi lang katawan nya kundi buong pagkatao nya.
Humahagulgol ito sa pag iyak.
"Huhuhuhu!"
At napaluhod na umiiyak sa gitna ng daan.
Tinawagan agad ni Eunice ang Mommy nya.
"Mom, something happen'! Punta po kayo dito sa gate!"
Nadidinig ni Nicole ang hagulgol ng isang batang umiiyak sa background.
Kaya hindi na ito nagtanong pa, bumaba na agad para puntahan ang anak.
"Miles anak, ano bang nangyayari sa'yo, ha? Bakit, tinamaan ka ba ng sasakyan? May masakit ba sa'yo anak?"
Tanong ng Daddy ni Miles na puno ng pagaalala dahil sa kinikilos ng anak.
"Sya! Huhuhu! Sya po Daddy!"
Waaaaah!"
Gigil na gigil na turo ni Miles kay Sir Mon. Patuloy ito sa pagiyak habang nagsusumbong sa Daddy nya.
"Daddy! Daddy! Huhuhu!"
Hindi alam ng Daddy ni Miles kung ano ang nangyari sa anak at bakit nanggigil ito sa galit duon sa teacher.
'Ano ang ginawa ng teacher na ito sa kanya at sobrang nanggigil sya sa galit?!'
Pati mga kapatid ni Miles ay naiinis na rin at hindi maintindihan ang kapatid nila, pero ramdam nilang sobrang nasasaktan ito at natitiyak nilang may kinalalaman ang lalaking nasa kotse, kaya nilapitan nila.
Nang mahimasmasan si Sir Mon, nabwisit ito ng makitang si Miles pala ang babaeng humarang sa kanya.
'Bwisit na babaeng 'to! Hindi ba nya naintindihan ang message ko? Hindi ba sya natatakot na ikalat ko ang video? Gusto ba nyang maiskandalo?!'
Bababa na sana ito para pagalitan si Miles, pero nakita nya ang mga kapatid nito na palapit sa kanya.
Nataranta sya.
'Hindi ako pwedeng manatili dito!'
Binuksan nya ang makina, ni lock ang lahat ng pinto at pinindot ang busina ng sunod sunod.
TOOOT TOOOT
TOOOT TOOOT
"Miles tara na!"
Natatarantang sabi ng Daddy nya. Natatakot sya na baka kung mapaano ang anak.
"Hindi! Hindi ako aalis dito! Sagasaan na nya ako kung gusto nya! Hindi ko sya hahayaan makawala! Kailangan nyang pagbayaran ang ginawa nya sa akin!"
BLAG!
Inihampas ni Miles ng malakas ang dalawang kamay nya sa harapan ng kotse ni Sir Mon, hinahamon sya.
"Hindi ako magpapagamit sa'yo! Hayup ka! Isa kang demonyo!"
Sumisigaw na sambit ni Miles.
Naiinis na si Sir Mon.
"At talagang hinahamon mo ako bwisit na babae ka!"
Unti unting pinandar ni Sir Mon ang sasakyan para mapilitang umalis si Miles at ang Daddy nya pero hindi ito umalis kahit hinahatak na sya ng Daddy nya.
BROOM ... BROOM..
Patuloy na inaabante ng paunti unti ni Sir Mon ang sasakyan para umurong sila Miles at ang Daddy nya.
'Konti na lang at matatakasan ko na kayo!'
Nakangisi itong tumingin kay Miles.
At ang mga kapatid ni Miles, kinakalampag naman ang bintana ng kotse ni Sir Mon at sinusubukang buksan.
"Tumigil ka! Tumigil ka!"
"Ihinto mo! Ihinto mo!"
Pero walang nadidinig si Sir Mon, muli nyang dinagdagan ang gear para lalong matakot ang mag ama.
VBROOOM VBROOOM
Natakot na ang Daddy ni Miles, kinarga na ang anak at sapilitang inalis ito sa daan kahit na nagwawala ito.
Natuwa si Sir Mon ng makitang kinarga na si Miles ng Daddy nya.
Nagdiriwang ang kalooban nya dahil nagwagi sya!
'Eto na ang pagkakataon na hinihintay ko! Matatakasan ko na ang mga ito! Hehe!'
Tinanggal nya ang paa sa preno at nagsimula kaagad itong umandar, nasa 3rd gear ito kaya mabilis na umandar ang sasakyan ng biglang...
KABLAG!
Humarang pala si Kate sa daan upang pigilan ang sasakyan.
At huli na ng makapag preno si Sir Mon, nahagip nya si Kate at bumagsak ito sa lakas ng impact.
Napahinto bigla si Sir Mon ng makitang nabangga nya si Kate.
"KAAAAATTTEE!"
Sigaw ni Mel papalapit kay Kate na namimilipit sa sakit.
Kasabay nyang lumusob si Eunice pero ang ginawa naman nito ay pinagsisipa sa galit ang sasakyan ni Sir Mon. Determinado syang pigilan din ito dahil sinaktan nya ang Ate Kate nya.
'Naloko na! Anong gagawin ko? Hindi ko sinasadya na masagasaan ko si Kate!'
Lahat ng tao duon napatulala sa nangyari. Hindi nila alam ang gagawin.
Maging si Miles ay napahinto din.
'Bakit ginawa ni Kate yun?'
Tanong ni Miles sa sarili nya.