Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 125 - Drink Your Own Medicine

Chapter 125 - Drink Your Own Medicine

SCREEECH!!!

Biglang hinto ni Sir Mon. Buti na lang nakapag preno sya kaagad kung hindi, nakasagasa na sya! Hindi pa man din sya nakatingin sa daan kundi sa tatlong bata ng biglang may sumulpot sa harap nya.

Buti na lang sabado, wala ng classes at tapos ng mag exam ang Grade 7 and 8 para sa star section exam. Nakauwi na ang mga ito.

Kumakabog ang dibdib ni Sir Mon ng sobrang lakas. Muli syang tumingin sa harapan para alamin kung nakasagasa nga ba sya pero ....nakatayo pa rin ang babaeng sumulpot at humarang sa sasakyan nya. Galit na galit ito na nakaturo pa sa kanya.

Si Miles.

Nakatakas sya sa bodyguard nya kahapon dahil may gusto itong puntahang mag isa at sagabal ang mga bodyguard nya. Kaya sya nakita ni Sir Mon.

Si Brenda talaga ang una sanang target ni Sir Mon pero una nyang nakita si Miles na mag isa kaya agad nya itong nilapitan. Sayang ang pagkakataon.

Si Brenda kasi ang masasabing pinaka weak sa grupo ni Miles. Napabilang sya sa grupo dahil sa kaibigan at kababata nyang si Lena.

Hindi nya gusto ang mapasama sa grupo dahil naiirita sya sa ugali ni Miles na akala mo Reyna kung magutos. Pero dahil kay Lena, nagawa nyang makatagal.

Ang boss ng father ni Lena ay ang Daddy ni Miles. Isa sya sa pinagkakatiwalaan empleyado sa mga grocery na pagaari nila Miles. At ang father ni Lena ang nagutos sa kanya na pakisamahan mabuti si Miles. Kaya walang nagawa si Lena kundi gawin ang utos ng ama.

Buti na lang hindi siya iniwan ng best friend nyang si Brenda.

Kaya ng mag quit si Lena sa grupo nag quit din agad si Brenda. Wala na syang dahilan para makisama kay Miles at wala din syang planong magpaalipin pa dito.

Naging mas masaya sila pagkatapos nilang mag quit kahit na alam ni Brenda na ginigipit ng boss nya ang Papa ni Lena dahil sa kaso ni Miles.

Kasama si Pam, nagtayo sila ng grupo na tinawag nilang "The ex Miles".

Hindi naman makalimutan ni Sir Mon ang pakiramdam nya ng araw na nainom nya ang alak na may halong drugs. Hinahanap hanap nya ito pagkatapos kaya nabuo ang plano nya kung paano bibiktimahin ang grupo ni Miles, lalo ngayon at sa tingin nya nagkawatak watak na ito.

'Sayang at naubos ko agad ang alak! Kung alam ko lang, hindi ko sana ininom at ni reserve ko for the ladies!'

Ang alak ang ginamit nyang dahilan kaya madali nyang napasunod si Miles ng makita nyang magisa lang ito kahapon.

"Nasa akin ang wine na magdidiin sa'yo sa kaso mo! Gusto mo bang makuha?"

Dinala nya si Miles sa isang maliit na restaurant na malayo sa school.

Walang kamalay malay ang bata, akala nya maguusap lang sila pero hindi nya alam, hinaluan na pala ng drugs ang iniinom nya.

"You should drink your own medicine!"

Sabi nito kay Miles pagkatapos mainom ang champagne na binigay nya.

Hindi agad naintindihan ni Miles ang ibig sabihin ni Sir Mon. Nang tumatalab na ang drugs, saka lang nya naintindihan pero huli na ang lahat.

Nang maginit ang pakiramdam ni Miles sinunggaban nya ng halik si Sir Mon.

Kahit anong gawin nya, kahit tutol ang kalooban nya, hindi nya mapigilan ang sarili nya sa kanyang ginagawa.

Agad naman syang dinala ni Sir Mon sa nirentahan nyang kwarto sa itaas din ng restaurant na iyon.

Naka set up na ang lahat, may mga camera na rin sa paligid pero hindi ito alam ni Miles.

Pag gising kinabukasan, mag isa na lang si Miles sa silid na iyon. Iniwan sa kanya ang isang sulat na nagsasabing panoorin nya ang laman ng usb.

Masakit ang ulo nya pati ang buong katawan nya sa nangyari.

"Hayup ka! Hayop ka!"

"Huhuhu!"

Diring diri sya sa kababuyang pinag gagawa sa kanya ng teacher na yun pero walang nagawa si Miles kungdi ang umiyak ng umiyak.

Nang mapagod sa kaiiyak, naisipan nyang panoorin ang usb na iniwan ni Sir Mon. Naglalaman ito ng video ng nangyari sa kanila kagabi.

Naintindihan nya agad kung bakit sya binigyan ng video, winawarningan sya nito na huwag magsusumbong.

Pero sya si Miles, hindi sya makakapayag na may gumagago sa kanya!

Kahit masakit pa ang buong katawan, pinilit nyang tumayo, naligo at nagbihis. Umalis sya sa nakakasukang lugar na iyon.

Tinawagan nya ang ama at hiniling na magkita sila sa school. Gusto nyang harapin ang demonyong bumaboy sa kanya.

Dirediretso lang si Miles sa paglalakad patungong gate ng school ng makita nyang papalabas ng gate ang sasakyan ni Sir Mon.

Patakbo nya itong sinalubong at hinarang ang daraanan.

"SYA!"

"Sya ang demonyong bumaboy sa akin!"

Sigaw nya na galit na galit.

Walang pakialam kung masasagasaan sya o hindi.

Nakita sya ng Daddy nya at mga kapatid at nilapitan sya agad.

"Ano ka ba, nagpapakamatay ka ba?"