"Teka po Mam Prinicipal! Yung bag ko po naiwan!"
Sabay turo sa bag kung saan nakadagan ang injured na braso daw ni Eunice.
"Aling bag?"
"Ayun po, yung violet!"
Napataas ang kilay ni Nicole ng makita ang bag na tinutukoy ni Sir Mon. Pambabae ito at pambata pa, obvious na hindi kanya. Na curious tuloy sya kaya nilapitan ang bag.
Napatingin si Eunice sa ina, nagmamakaawa.
Lalo tuloy na curious si Nicole.
Che chekin na sana nya ang bag pero pinigilan sya ni Reah.
"Mam hindi po makakabuti kung aalisin agad natin ang bag dahil may possibility na lalong lumala ang injury ni Ms. Eunice!Namimilipit po kasi sya sa sakit! Isusunod ko na lang po ang bag!"
Sabay tango kay JR.
At tumango rin ito.
Saka binitbit na nito si Sir Mon palabas ng bodega.
"Teka, Teka! Hindi ako pwedeng umalis na wala yung bag ko, importante ang laman nun!"
"Huwag kang magaalala, isusunod na nga lang sa'yo pag nalagyan na ng braces yung bata!"
Nalintikan na, baka malaman nilang kay Yna yung bag!'
"Mam Prinicipal please, huwag nyo pong ipapagalaw ang bag ko! Mahalaga po ang laman nyan! Huwag na huwag nyo pong bubuksan!"
"Teacher Mon, sobra naman ang pagaalala mo sa bag mo! Huwag kang magaalala at may kumukuha na ng braces para kay Eunice!"
"Pangako hindi ko sya gagalawin! Sige na JR, ilabas mo na sya!"
Wala ng nagawa si Sir Mon ng bitbitin sya ni JR palayo sa bodega.
"Mang Johnny pakitingnan nga po Kung malayo na sila!"
"Wala na po Mam!"
"Paki bantayan po ang labas at baka may pumasok! Maguusap lang kami ng mga bata!"
Pagkalabas ni Mang Johnny, isinara nito ang pinto para bigyan ng privacy sila at tumayo sa pinto para masigurong walang makakaistorbo sa kanila sa loob.
"Reah, kamusta si Eunice? Yung totoo!"
"Mam, wala po kayong dapat alalahanin, hindi naman po na fractured ang braso ni Miss! Pero mas makakabuti na rin pong ilagay ang brace para hindi nya muna magamit!"
"Good! Now let's talk!"
"Ano ang ibig sabihin ng drama nyong 'to?"
Nagkatinginan ang tatlo!
Saka bumangon si Eunice.
"Mommy this is Yna's bag po!"
Sabay abot ng bag
Nagulat si Nicole, hindi nya ito inaasahan.
"Are you sure?!"
"Yes po Tita Ninang! We already check before Teacher Mon came, that's why I called you po!"
"Kung kay Yna yan bakit inaangkin ni Teacher Mon?"
"Principal Cole, hindi po kaya may kinalalaman si Sir Mon sa pagkawala ni Yna?"
Tanong ni Mel
"Ito ba ang dahilan kaya kayo nandito? Are you trying to play detective here?"
Hindi nakaimik ang tatlo, halatang guilty.
"Listen! Kung ano man ang ginagawa ninyo, itigil no nya!"
"Pero Tita Ninang..."
"NO! Hindi ko kayo papayagan ipagpatuloy ang ginagawa nyo, delikado! Let the adults do it!"
"Do I made myself clear!"
Yes po!"
"Paano nyo nakita ang bag?"
"Yung palawit po Mommy napansin naming kumikinang!"
"Nasa pinakamataas po sya Principal Cole, parang inihagis na lang dahil po sa hindi nakapatas ng maayos! Nakasiksik lang po ito at hindi kita, yung palawit lang ang kita!"
"Bakit nyo naman naisipang kunin yung palawit?"
"Si Eunie po Ninang, pilit na inaabot!"
"Ahhh, kaya ka siguro nasaktan dahil nahulog ka!"
Biglang namula si Eunice.
"Pamilyar po kasi yung palawit, Mommy! Kaya na curious po ako!"
"Tapos?"
"Hinila po ni Sissy yung palawit, tapos nahulog sya kasama lahat ng nakapatas na gamit!"
"Tapos po Mommy, nakilala ko po ang bag na parang kay Yna!"
"Ako po ang nag open ng bag at nag check kung kay Yna nga!"
"Mam, kay Yna nga po ito!"
Ipinakita ni Reah ang ID ni Yna at iba pang gamit na may name nya.
"Reah, ikaw na ang bahala dyan sa bag ni Yna!"
"Opo Mam! Tatawagan ko po ang mga pulis pag alis nyo!"
*****
Samantala.
Dinala ni JR si Sir Mon sa security at ipinasok sa isang silid.
"Ngayon umamin ka, bakit mo gustong saktan ang mga bata?"
"Hindi ko nga sila sinasaktan! Ang kulit mo naman!"
"Hoy umayos ka nga! SECURITY GUARD KA LANG DITO! Bakit kung makapagtanong ka daig mo pa ang isang pulis? Baka nakalimutan mong teacher ako dito!"
Pabalibag na iniupo ni JR si Sir Mon sa sofa.
"Paano ka nakakasiguro na security guard LANG ako?!"
Nagulat si Sir Mon.
'Sino itong tao na ito at bakit sya andito?'
"Anong iniisip mo? Kung sino ako?!"
"Sino ka ba, at bakit andito ka?"
Pero hindi sya sinagot ni JR.
"Kanina, pagpasok ko ng bodega, kitang kita ko kung paano mo dinakma si Ms. Kate, at kitang kita ko rin ang mukha mong punong puno ng pagnanasa!"
Teka, nagkakamali ka! Wala akong pagnanasa kay Kate! Yung bag ko ang gusto kong makuha pero dinadaganan ni Kate at Mel!"
"At yun ang totoo!"