Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 123 - Paano?

Chapter 123 - Paano?

'Bwisit na guard 'to, bakit nya ba ako pinupuntirya!'

'Hindi ko naman talaga pinagnanasahan si Kate dahil yung bag ni Yna ang pinagnanasahan ko!'

"Teka lang, Mamang Guard! Huwag mo nga akong paratangan ng isang bagay na hindi ko ginawa! Paninirang puri yan! Gusto mo bang idemanda kita? Bakit may ebidensya ka ba, ha?"

Nangisi si JR.

"Oo naman Sir, may ebidensya ako! Nakavideo kaya yung ginawa mong pagdakma kay Ms. Kate kanina!"

Nanlaki ang mga mata ni Sir Mon. Kinabahan.

'Hindi maari ito! Masisira ang pangalan ko na matagal ko ng iniingatan!'

'Kailangan kong makaisip ng paraan para mabura ang video!'

'Pero paano ako makakasiguro na may video nga? Hindi ko naman nakitang kumuha sya ng video kanina!'

"Pinaglalaruan mo ba ako, ha?! Ano bang akala mo sa akin tanga, na maniniwala agad sa sinasabi mo! Hmp! Gusto mo lang ata akong iframe up!"

Kinuha ni JR ang cellphone nya at hinanap ang video. Nang makuha, saka nya ito ipinakita kay Sir Mon.

"Ayan Sir, panoorin mo! Enjoy!"

Kinuha ni Sir Mon ang cellphone ni Mamang Guard at saka ipinanood ang video.

Kitang kita sa video ang pag hawak nya sa balikat ni Kate at Mel pero mas madiin ang kay Kate. Kitang kita rin sa video ang mukha nya na nakatingin kay Kate, mukha na may gustong gustong makuha.

'Kung iba nga ang makakakita, tyak na iisipin nilang pinagnanasahan ko si Kate!'

'Mali ito, hindi dapat makita ninuman ito!'

Agad nitong pinakialam ang cellphone ni JR at binura ang video.

"Anong ginagawa mo sa cellphone ko?!"

"Nililinis ko lang ang kalat ko?"

Nang masigurong burado na, saka lang nya binalik sa may ari ang cellphone.

"Ayan, wala ka ng video na maipagmamalaki! Pwede na ba akong umalis? Marami pa akong kailangan tapusin!"

Natawa si JR.

Tumayo na si Sir Mon para umalis pero nadinig nya ang tawa nito na parang nang iinis.

'Bakit ganito tumawa ito? Nasisiraan na ba sya dahil nabura ko ang video?'

Nang makita ni JR ang mukha ni Sir Mon na nagtatanong, nagpaliwanag ito.

"Sir, copy lang yang nasa CP ko, yung original andun sa camera na iniwan ko sa bodega!"

"Paanong.....?"

"Kanina, ng makita kong tumatawag ng saklolo si Mang Johnny tapos ay nadinig ko ang sigaw ng isang bata, agad kong inilabas at binuksan ang camera kong dala para makunan lahat ng nagaganap! Idinikit ko yun sa pader pag pasok ko ng bodega!"

"Naka program ang camera sa CP ko kaya madali akong nakakuha ng copy!"

"Kaya huwag kang magalala Sir, hindi pa nabura ang video, andun pa sya! Saka na isend ko na rin ang video kay General!"

"General?"

"Si..sinong General ang tinutukoy mo?"

"Si General Eugene Santiago, ang Lolo ni Kate!"

Tila nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Sir Mon at napaupo itong pabagsak mula sa pagkakatayo nya.

'A..apo ni General Santiago s_si Kate?!'

'Ano ba naman kamalasan ang nangyayaring ito sa akin?'

"Okey ka lang ba, Sir?"

Tanong ni JR sa kanya pero hindi nya ito tinulungan, pinagmasdan nya lang ito habang namumutla ang mukha.

Agad na tumayo si Sir Mon at inayos ang sarili saka lumabas ng security.

Hindi na sya pinigilan ni JR.

Nang makitang hindi sya sinundan ni Mamang Guard, nagmamadali itong bumalik sa bodega para kunin ang camera na tinutukoy nito.

'Kailangan, kong makuha yung camera!'

Pero pagdating nya sa bodega bigla syang napaurong. Nagulat sya dahil may mga pulis sa loob ng bodega.

Wala na doon ang mga bata at si Principal Cole, mga pulis na lang ang nandun.

'Bakit may mga pulis, sinong tumawag ng mga pulis?'

Kinalma nya ang sarili at inaayos ang mukha.

'Hindi ako dapat kabahan baka mahalata nila ako!'

Tatlong beses syang huminga ng malalim. At ng masigurong kalmado na sya, saka pumasok sa loob.

"Officer, ano pong meron dito?"

Sabay gala ng mga mata sa paligid, hinahanap ang camera na tinutukoy ni Mamang Guard.

'Asan na yun?'

"Sir, pasensya na pero bawal po kayo dito! Makakaalis na po kayo!"

"Ah, ganun ba? Napadaan lang kasi ako!"

"Sige na po Sir, lumabas na po kayo para matapos na namin ang trabaho namin!"

Walang nagawa si Sir Mon, pag nagpumilit sya baka kung ano pa ang isipin ng mga pulis sa kanya.

Sumunod ito. Pagtalikod, nakita nya na parang may naiwan na tape na nakadikit sa pader.

'Hindi kaya yan yung pinagdikitan nya ng camera? Kung ganon nasan ang camera? Pati ang bag ni Yna wala na rin dito!'

Muli nyang hinarap ang mga pulis at saka tinanong ang malapit sa kanya.

"Uhm Sir, dito kasi itinatago ni Mang Johnny ang mga lost and found, ask ko lang, may nakita ba kayong camera?"

"Nawawa kasi yun baka kako andito!"

Hindi na nya tinanong ang bag ni Yna.

"Pre, may kamera ba tayong nakuha?"

Tiningnan nito ang listahan.

"Wala!"

"Nasaan na napunta yung camera?"

Related Books

Popular novel hashtag