Nagpatuloy ang buhay ni Teacher Mon na parang walang nangyari. Hindi mahahalata ninuman na sya ang dahilan kung bakit nawawala si Yna.
Kahit na nagkaroon ng imbestigasyon at nabalitaan ng lahat ang pagkawala ni Yna, hindi pa rin ito apektado.
Wala syang pakialam kung ano ang nangyari kay Yna dahil alam nyang sisirain lang nito ang buhay nya. At wala naman silang maikakabit na ebidensya laban sa kanya, kahit na magsalita pa si Yna. Maganda ang image nya sa school, kaya sinong magaakala na ganun syang klaseng tao.
Mas pinagtuunan nya ng pansin ang tungkol sa wine. Alam nyang may kakaiba dun sa wine kaya pinaimbestigahan nya at nalaman nyang may halo itong drugs. Napag alaman din nya na galing iyon sa grupo ni Miles.
"Hmm... hindi ko akalaing may kapilyahan pala itong mga batang ito! Kailangan ko silang malapitan at maturuan ng leksyon, pero paano?"
Hanggang Grade 9 lang kasi ang tinuturuan nya, hindi pa sya pwede sa Senior High. Saka tapos na ang mga Senior, grad ball na lang at graduation ang iniintay nila.
Si Miles, pagkatapos makapag pyansa ay bumalik sa dati ang buhay at nagpaka low profile.
Yun kasi ang utos ng abogado nya habang dinidinig ang kaso. Binigyan din sya ng father nya ng bodyguard na magbabantay sa kanya 24 oras para ma sure na hindi ito maiinvolve sa anumang gulo.
Desido si Jaime na ipakulong si Miles sa ginawa nya sa anak nya pero hiniling ni Nicole na kung maari ay patapusin muna ang graduation ni Miles bago simulan ang trial sa kaso nya.
Ang mother naman ni Miles na si Mildred, sa sobrang kahihiyan ay nag punta sa kapatid nya sa Australia at iniwan ang pamilya nya.
Mahal nya daw ang pamilya nya pero hindi nya daw makakayanan ang mga chismis na nadidinig nya kaya nag alsa balutan ito at lumayas na hindi nag paalam sa kanila. Nalaman na lang nila Miles na nasa Australia ito ng tawagan sila ng Tita nya.
Samantala hindi tumigil ang pamilya ni Yna sa pangungulit sa mga pulis.
Bakit kasi walang naiwan na anumang bakas si Yna. Kilala nila ang anak nila mapaghanap ng atensyon iyon kaya kung naglayas o nagtanan iyon may maiiwan at maiiwan na bakas pero wala at iyon ang kinatatakot nila. Hindi ganito si Yna. Kaya nagpatuloy ang imbestigasyon.
Habang nagiibestiga ang mga pulis, napagalaman ng mga ito na ang huling naka alitan ni Yna ay si Eunice, kaya pinuntahan sya ng mga pulis at tinanong.
Matagal ng nangyari ang away nila Yna at Eunice, mga iisang buwan na ang nakakaraan, at grounded pa rin ito simula nuon kaya madali nilang na clear Ang pangalan nya. Maging Ang boyfriend nito na si Nick ay naka move on na at may bago ng girlfriend kaya lahat ng anggulo ay na clear na nila.
Maliban sa mga grades nya na bumagsak.
Tinanong ng mga pulis ang tatlong teacher nya na bumagsak.
Dalawa sa kanila ang pumayag na mag project ito para makapasa at ang isa ay hindi. Si Teacher Mon iyon. Tinanggi nitong nagkausap sila ni Yna.
"Pasensya na, pero hindi ko ugaling magbigay ng special project! At sa grades na nakuha sa akin ni Yna na 70 sa tingin mo makukuha pa ito ng special project?"
"Sorry pero, pag bagsak sa akin, final na yun!"
Ito ang paliwanag ni Sir Mon ng tanungin sya ng mga pulis.
Hindi naman nila nahalata na may sinisikreto ito dahil maayos naman nyang nasagot ang mga tanong at ng imbestigahan nila ang pagkatao ni Teacher Mon, tumugma naman sa sinabi nito.
Kaya nabuo ang theorya ng mga pulis na malamang naglayas nga ito dahil sa takot na mapagalitan. Walang nagawa ang mga magulang nya ng isara nila at tapusin ang paghahanap kay Yna.
Sa kabilang dako, kung saan naroon si Yna, nagtataka ang mga pulis kung bakit pinipigilan sila nitong hanapin ang pinagmulan nya. Halatang may kinatatakutan.
May isang matandang babae na nakita sya at kinupkop, wala itong kasama sa bahay dahil may mga pamilya na ang anak nito.
"Sige, mabuti pa ay dito ka na muna ineng, habang hindi pa bumabalik ang memorya mo!"
"Salamat po! Huwag po kayong magaalala, at tutulong po ako sa mga gawaing bahay!"
"Ano ba ang itatawag ko sa iyo ineng?"
"Jane na lang po!"
Jane Doe kasi ang tinawag sa kanya, ng lahat dahil nga sa wala syang identity at nakasanayan na nya ito.
Puno man ng takot si Yna, hindi pa rin nawawala ang galit sa puso't isip nito sa ginawa ni Teacher Mon.
"Babalik ako at sa pagbabalik ko, sisiguraduhin kong maghihiganti ako sa ginawa mo sa aking kahayupan!"