Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 116 - Star Section Exam

Chapter 116 - Star Section Exam

"Sissy ask ko lang, bakit ba lapitin ka ng mga bad vibes? Lagi ka na lang idinadawit sa mga gulo!"

Tanong ni Mel kay Eunice

"Ewan ko ba Beshy?"

"Sissy, sa tingin mo ba totoong naglayas si Yna?"

"Hindi!"

"Talaga? Bakit mo naman nasabi yan, Sissy?"

"Well, knowing Yna na laging pa victim...!

Nakakapagduda talaga!"

Simula ng mapasama sya sa napagbintangan, hindi nya maiwasang magisip at magtaka.

"Sissy, huwag mo na munang isipin yan at kailangan na natin mag ready para sa star section exams! Bukas na yun! After that saka natin balikan, sama natin sa chismisan si Sister Kate!"

Kinabukasan, ginanap ang star section exam ng Grade 8. Lahat ng may potential na mag exam ay naroon din. Dito mag de determine kung sino ang mapapasama sa star section sa Grade 9.

Lima ang section sa Grade 8 at lahat may representative, at syempre sa star section buong class ay kasama dahil lahat sila ang average ay 96 pataas.

Ito ang pinagpraktisan nila Eunice nitong nagdaang isang buwan at kalahati.

Dahil sa ginagawa nilang group discussion everyday, madali nilang naiintindihan ang mga lessons at advance pa sila kung minsan. Hindi pa nadi discuss ng teacher napagaralan na nila.

Kaya ang resulta, yung three hours na time na binigay ng examineer nakuha ng estudyante ng Star Section class ng two hours lang.

Nagulat ang examiner ng biglang tumayo si Eunice wala pang isang oras ang nakalilapas. Akala ng examiner ay mag ba banyo lang ito. Kaya hindi nya pinayagan na umalis.

"Mam tapos na po ako kaya po ako lalabas!"

Napataas ang kilay ng examiner. Hindi nya kilala si Eunice, galing sa main branch ang examiner kaya nagalit ito.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Sit down!"

Nadinig ng iba pang examiner na nasa paligid ang pagtaas ng boses ng nasa harap.

"Ms. Fuentes kung tapos na sya wala naman masama kung palalabasin mo sya!"

"Hindi pa tapos ang examination time at kauumpisa pa lang kaya hindi ako naniniwala na tapos na ang batang ito! Baka gusto lang nito na maglakwatsa!"

"Iha ano bang name mo?"

Tanong ng examiner na si Sir Allan na mula sa likod ay lumapit sa kanila.

"Eunice Nicole Perdigoñez po!"

Kinuha ni Sir Allan ang answer sheet nya at tiningnan ito isa isa.

Usually ang examination ng Star Section ay nagmumula sa Main Branch at isa si Sir Allan sa gumawa ng test. Math Teacher sya at nagulat sya ng makita ang mga sagot ni Eunice.

"Isa kang Perdigoñez? Kaano ano mo ang principal?"

"Mother ko po!"

"Ohhhh! Kaya pala!"

Sabay ngiti ni Sir Allan

"Sige na makakaalis ka na!"

At nilagyan nya ang answer sheet nito ng time finish: 47 minutes (including reasoning with Ms. Fuentes!)

"Sir bakit nyo po pinayagan yung batang lumabas!"

Naiirita pa din ito kay Eunice.

"Anak sya ni Nicole, ang pinaka magaling na teacher ng Main Branch!"

"Si Nicole ay matuturing na isang genius! Kaya huwag ka ng magtaka kung yung anak nya ay genius din!"

"Magkasabay kaming kumuha ni Nicole ng principal exams, hindi ako nakapasa kahit nag review ako! Samantalang sya, late na nga nag register nakapasa pa! At nagulat din ako ng bigla syang tumayo in the middle of the exam! Binigay ang answer sheet sabay alis. Tapos na pala sya!"

Napatanga ang examiner na si Ms. Fuentes.

Pagkaraan ng isang oras ay si Zandro naman ang tumayo, kasunod nito ay si Louie. Tapos ay sunod sunod ng nagtayuan ang mga estudyante ng Star Section.

Nagulat ang examiner pati na ang iba pang nag eexam sa lower section. Nakaramdam tuloy sila ng pressure.

Hindi na nila inantay ang resulta ng exams. Sama sama silang nagtungo sa isang fastood na malapit sa school at sama sama silang kumain at nag enjoy habang pinagkukumpara ang mga sagot nila sa isa't isa!

"After 2 days pa daw ang results!"

"Tagal pa pala Sissy! Ano bang pwede nating gawin para hindi tayo mainip.!

"Kulitin natin si Ate Kate!"

Pagkatapos nilang kumain, hinanap nila si Kate at pinagpatuloy nila ang diskusyon tungkol kay Yna.

"Ano sa palagay mo Ate Kate? Dapat bang itigil ang paghahanap kay Yna?"

Alam nyang mahilig sa detective story ang Ate Kate nya kaya gusto nya itong makausap.

"Oo! Umabot na kasi sa dead end ang pulis at pag hindi nakapagbigay ng bagong evidence ang family ni Yna na hindi ito naglayas, hindi ito muling mabubuksan! Hindi mo rin sila masisisi dahil marami silang nakapending na kaso na mas kailangan nilang pagtuunan ng pansin! Kaya mas makakabuting mag hire na lang ang family ni Yna ng private investigator!"

"Pero kung ikaw ang tatanungin Sister Kate, naniniwala ka bang naglayas lang si Yna?"

"Hindi! Kaya nga iniimbestigahan ko e! Gusto nyo sumama kayo?"

"....."