Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 114 - Walang Maalala

Chapter 114 - Walang Maalala

"Ang lakas naman ng loob mong magpaalam na gusto mong idate ang anak ko!

Singhal ni Edmund kay Jeremy.

"Sir, pasenya na po! Malapit na po akong umalis patungong states at gusto ko lang naman pong makasayaw ang anak nyo bago po ako lumipad!

Willing po ako kahit may kasama syang chaperon!"

"Ano naman pakialam ko kung aalis ka, edi umalis ka! Hmp!"

"Alam ko pong di po kayo papayag kaya po babalik ako at susyuin ko po kayo ulit hanggang sa pumayag kayo!"

Nalaman ni Nicole ang ginawa ni Jeremy at sinabi nya ito sa kapatid.

"Anong gagawin ko Ate Nadine? Naawa ako sa anak ko! Alam kong kahit papaano gusto nyang magkaroon ng special moment with Jeremy!"

"Ako talaga ang tatanungin mo Nicole e manang mana sa'yo ang anak mo! Pag may nagustuhan hindi na inaalis ang kapit nila dito!"

"Ngayon tatanungin kita, kung ikaw si Eunice, at alam mong aalis na ang lalaking love mo, anong gagawin mo kung pagbawalan ka na makasama sya?"

Tanong ng Ate Nadine nya sa kanya.

Natumbok ni Nadine ang pinagaalala ni Nicole. Kilala nya ang sarili nya at totoong nakikita nya ang sarili nya sa anak niya. Ganito din sya nung unang ma in love at yun ang asawa nya.

Kaya hindi nya maiwasan matakot sa pwedeng gawin ng anak.

"Ate naman e nanghihingi nga ako ng tulong sa'yo eh!"

"Nanghihingi ka nga ba talaga ng tulong?... parang alam mo na ang gagawin kaya lang gusto mo lang madinig sa akin para kumbinsihin ang sarili mo na tama ang desisyon mo!"

'Grabe talaga 'tong Ate Nadine ko, kabisadong kabisado kung paano tumakbo ang isip ko!'

"Okey kung gusto mong madinig sasabihin ko! Tutal kailangan mo pa din umatend ng grad ball, anong masama kung payagan nyo ang bata!"

"Magbigay kayo ng rules kung ano ang pwede at hindi pwede. Pati time, kung hanggang anong oras lang sila! I'm sure maiintindihan ni Jeremy yun! Gusto lang naman ng mga bata magkaroon sila ng special moment together!"

"Ngunit syempre ang problema mo ay yung mokong mong asawa!"

"Ate naman maka mokong ka sa asawa ko, wagas!"

*****

Samantala, habang busy ang lahat sa darating na graduation ball ng mga Senior graduating students, busy rin si Teacher Mon sa ginagawa nyang paglilinis ng bahay nya.

Tatlong beses na nya itong nilinis, sinuguradong walang maiiwan na bakas si Yna sa bahay niya.

Nagsosolo ito sa bahay kung kaya madali nyang napapaikot ang mga estudyante nyang iniimbitahan nya para kunwari ay tungkol sa project ang paguusapan nila.

Ngunit sa huli, gagawa na ito ng paraan para gipitin ang estudyante na makipag talik sa kanya ng kusa.

Pero iba ang nangyari ngayon. Nakagawa sya ng krimen na sisira sa kanya.

"Kamusta na kaya yung babaeng iyon? Tatlong araw na, wala pa rin akong balita sa kanya!"

"Natuluyan kaya sya?"

Sa isang ospital sa isang malayong bayan sa norte, may naka confine na batang babaeng na walang nakakakilala.

Dinala sya dun ng matagpuan ng isang magsasaka sa bukid nya, magda dalawang araw na ang nakakaraan.

Nakabalot ito ng kumot akala nya ay patay na kaya tumawag sya ng baranggay tanod.

Nang buksan nila ang kumot nagulat sila ng lumantad sa kanila ang hubot hubad na katawan ng babae na puro kagat at kiss mark at umaapoy din sa taas ng lagnat. Dala siguro ng pag ulan nung gabi. Maya maya ay bigla itong umungol!

"Buhay pa sya!"

Agad nila itong dinala ito sa ospital para magamot.

Sya si Yna.

Nang magkamalay sya ay nasa ibang bayan na sya at wala daw syang maalala.

Ngunit ang totoo, sa sobrang kahihiyan at takot sa mga magulang nya pag nalaman nila ang mga nangyari sa kanya, mas minabuting mag panggap na lang sya na walang naalala.

"Miss, kailangan mong alalahanin kung sino ka at anong nangyari sa iyo kaya ka napunta dito sa bayan namin!"

Sabi ng pulis sa kanya.

"Sorry po Mamang Pulis pero wala po talaga akong maalala!"

'Hindi ako pwedeng umamin kung sino ako at kung sino ang may gawa nito sa akin!'

'Hayup ka Sir Mon! Hayup ka! Masahol ka pa sa hayop!'

"Huhuhu!"

Sa bayan ng San Miguel, nagaalala na ang mga magulang ni Yna bakit ilang araw na ay hindi pa rin ito umuuwi ng bahay.

Nakahingi na sila ng tulong sa mga pulis pero wala pa rin sagot ang mga ito.

"Ano na kayang nangyari sa batang iyon!?"

"Ang paalam nya lang ay gagabihin sya dahil kinakailangan nya daw na magtungo sa bahay ng teacher nya para kunin ang gagawin nyang project!"

"Pero bakit bigla sya nawala? Nagtanan ba sya o naglayas?"