Nakatulog si Eunice na ito ang iniisip. Kaya kinabukasan pag gising nya ramdam pa rin nya ang galit sa puso nya.
Wala pa rin ang Mommy nya, hindi pa rin umuuwi. Nasa ospital pa rin sinasamahan ang Tita Nadine nya at si Kate.
"Eunice, Earl, after breakfast mag ready na kayo for church! Pauwi na raw ang Mommy nyo!"
Sabi ni Daddy Edmund.
"Dad, how is Ate Kate po, will she go home na!"
Tanong ni Earl.
"Not sure! Maybe tomorrow! Aantayin pa daw ang results ng mga tests na pinagawa sa kanya!"
'Mukhang pati si Daddy apektado rin sa nangyari kay Ate Kate!'
Puna ni Eunice sa Daddy nya ng makitang maaga pa lang mukhang nanlalata na ito. Hindi nga sya inayang magtraining ngayon araw.
Ang hindi alam ni Eunice napuyat ang tatay nya kakaisip sa nanay nya. First time nilang hindi nagtabi sa pagtulog.
Pagdating ni Nicole, kumuha lang ito ng ilan damit ni Nadine at Kate.
Naligo ito at nagbihis tapos ay sama sama silang nagsimba.
*****
Sa Church.
Nagkita sila Eunice at Mel, saka lang naalala ni Eunice na kausap nga pala nya ito kagabi sa video chat.
"Sissy kamusta okey ka lang?"
"Ay besh sorry kung hindi na kita nabalikan kahapon! Ang dami kasing nangyari!"
"Oo Sissy alam ko at na record kong lahat!"
"Ha?!"
***
Kagabi, nagpasama si Kate kay Eunice para mag CR. Pero sandali lang si Eunice sa loob, nagpaalam sya kay Kate na hihintayin sya sa labas dahil sasagutin nya lang ang video chat ni Mel.
Busy sila sa pag vi video chat kaya hindi nya napansin ang pagdating sa CR ni Miles.
After 10 minutes.
"Ano ba Sissy ang tagal naman ni Sister Kate! Gustong gusto ko ng makita ang gown nya!"
Saka lang naalala ni Eunice si Kate, medyo nagtatagal na nga ito sa CR.
"Teka Besh puntahan ko na at baka may problem!"
"Huwag mo ng iclose ang video chat, gusto ko na syang makita, please!"
"Okey sige!"
Pero laking gulat nila ng pagbukas ni Eunice ng door sa CR, nakita nilang may ginugulpi si Miles.
"OMG! Si Miles may binubugbog!"
Bulalas ni Mel.
Pero hindi na sya naririnig ni Eunice dahil naka focus ang mind nito kay Miles.
Kaya naisipan ni Mel na irecord ang video chat.
Madalas na nabibitawan ni Eunice ang cellphone nya kung saan saan kaya niregaluhan sya ni Mel ng CP pouch nung pasko.
Nakalagay ang CP ni Eunice sa cellphone pouch na nakasabit sa leeg nya na parang kwintas kaya kuhang kuha nya ang mga nagaganap. Mula sa pagtadyak ni Miles kay Kate hanggang sa buhatin si Kate ng mga bodyguard nya nairecord lahat.
Pagkatapos ng kaguluhan nakalimutan na sya ni Eunice dahil siguro sa shock pa ito. Kaya ang ginawa ni Mel ay kinontak si Jeremy.
"Jeremy my friend may ibibigay ako sa'yo!"
"Mel my friend may malaking problema, hindi ko ma explain sa ngayon kaya medyo busy ako! Pero bakit ka napatawag?"
"Nakita ko si Miles sinasaktan si Kate!"
"Paano...."
At pinadala nya ang video chat nila ni Eunice.
"Salamat Mel my friend, maasahan ka talaga!"
Ito ang laman ng pangalawang video na ipinakita ni Chief sa mag inang Mildred at Miles na naging dahilan para maaresto si Miles at makulong.
Dahil dito, mas minabuti ng Daddy ni Miles na kuhanan sya ng abogado para alam nila ang dapat gawin.
Hindi na kasi makausap ang mother ni Miles pagkatapos mapanood ang video kaya kinontak nila ang daddy nito.
Sa huli umamin din si Miles na sya ang nanakit kay Kate, ang dahilan nya nagawa lang nya ang bagay na yun dahil sa galit sya, Napahiya kasi sya!
Umasa syang sila ang magka date ni Jeremy. Yun daw ang pangako ng mga ka grupo nya!
Ayon kay Miles sinigurado ng ka grupo nya na sila ang gagawa ng paraan para magkatuluyan sila ni Jeremy. Sila ang nagplano at naki ayon lang sya.
At dahil 18 na si Miles nasa legal age na sya para makulong.
Bailable naman ang kaso nya pero linggo, walang pasok, sa lunes pa sila pwedeng mag bayad ng pyansa.
Nanatili sa presinto ang Daddy ni Miles para bantayan sya pero hindi ang Mommy nitong si Mildred.
Sa kahihiyan, pag uwi ni Mildred ng bahay, hindi na ito muling lumabas at hindi na rin nagpakita pa sa lahat. Nanliliit sya at hiyang hiya sa ginawa ng anak.
***
Tuwang tuwa si Eunice ng madinig ang ginawa ni Mel. Inakap nya ito at pinaghahalikan.
"Thank you, thank you beshy!"
"Josme! Sissy naman! Utang na loob, kinikilabutan ako sa pinag gagawa mo!"
"Huwag mo naman lapain ang fez ko baka makita tayo ni Mother ko baka anong isipin nun!"
"Hahahaha!"
Tumawa si Eunice ng katulad ng tawa ni Kate
"Juskolord! Nasasapian na ni Sister Kate ang Sissy ko!"
"Hahahaha!"
Pagkatapos nilang mag simba, kasama si Mel at Mommy nya, sama sama silang nagtungo sa ospital at duon sila sama samang nananghalian.
Habang masaya silang nagsasalo salo, nagpupuyos naman sa galit ang mga followers ni Miles at inilabas nila ang galit nila sa social media.
"Justice for Miles" ang panawagan nila.