Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 109 - Shut up

Chapter 109 - Shut up

Kumalat sa social media ang "Justice for Miles". Maraming netizen ang nagalit sa kawalang hustisya sa nangyari sa bata kahit wala naman silang idea kung ano talaga ang buong kwento.

Nalaman tuloy ng media ang nangyari at hindi ito ang inaasahang ni Jaime ang daddy ni Kate na kasalukuyang nasa byahe para sorpresahin ang anak.

Gulat ang lahat ng biglang dumating si Jaime sa ospital.

"Daddy? .....Dadddyyyy!"

Sabay bangon ni Kate at patakbong lumapit sa ama at parang bata na sabik na sabik na inakap ito ng mahigpit na tinugunan naman ng ama.

Matagal na nag akapan ang mag ama, pagkatapos ay kinarga sya ng Daddy nya papuntang kama at saka inihiga.

"How's my baby?"

"I'm fine po Dad! Malakas ata ako! Hehe!"

Tiningnan ni Jaime ang mga sugat at galos ng anak. Obviously she's still in pain sariwa pa ang mga sugat at namamaga pa ang mga galos nya pero ayaw nyang magmukhang mahina sa harap ng ama.

Ramdam ni Jaime ito. Alam nyang pinipilit ng anak na maging malakas para sa kanya.

Kumirot ang puso ni Jaime.

'Masyado ng naging independent ang anak ko! Nakalimutan ng humingi ng tulong sa Daddy nya!'

Ano pa nga bang magagawa nya kung mabilis mag matured ang anak. Kasalanan naman din nya, lagi kasi syang wala.

Nakangiti lang na pinagmasdan ng mga nasa paligid ang mag ama masaya ang lahat para kay Kate at Daddy nya, maliban kay Nadine.

Masaya lang si Nadine para sa anak pero hindi sa asawa nya.

Nanabik sya sa asawa nya pero sa mga oras na ito gusto nyang sapakin ang asawa nya dahil pinaghintay sya nito ng matagal.

"Teka baby ko puntahan ko lang ang Mommy mo at mukhang tigre na ang itsura!"

Bulong nya sa anak.

"Just hug her Dad, she needed it!"

Pagkatapos nga, tumayo si Jaime ng tuwid at saka nilapitan ang asawa.

"Reporting for duty Commander!"

"Hmp! Ewan ko sa'yo!"

Sabay talikod. Halatang nagtatampo.

Pero mabilis si Jaime, bigla syang hinila nito pabalik sa kanya at saka inakap.

"Ano ba?"

Protesta ni Nadine

Pero hindi na sya naka kilos dahil hinalikan sya ng asawa nya.

*****

"Pre, kamusta?"

Tanong ni Jaime kay Edmund.

Ang tinutukoy ni Jaime ay ang tungkol sa kumakalat sa internet na "Justice for Miles".

"Nagawan ko na ng paraan, pre! Napatahimik ko na ang media at sa tulong ni Nadine, napatigil at napatanggal na rin ang mga post tungkol dun!"

Sagot ni Edmund.

"Nalaman mo ba kung saan nagmula ang balita?"

"Oo sa isang estudyante ng AMES! Yna yung pangalan nya!"

Natanggal man ang mga balita sa social media, hindi naman ito nawala sa School Website ng AMES, kaya nakita rin at nabasa ng mga bata.

"Teka mga Ka Sister, nabasa nyo na ba 'to?"

"Justice for Miles?!"

Muling nanumbalik ang galit sa puso ni Eunice ng mabasa ang nakalagay. At ang nakakainis pa nito si Yna ang nanguudyok para magalit ang mga tao.

"Grabe naman ang yang si Yna, sobrang laki ng galit sa'yo Sissy!"

Si Yna ang Grade 9 students na nakakita sa kanila ni Jeremy sa mall at isa sa mga bata na naban ng mall.

"Nakipag break na kasi sa kanya ng tuluyan ang boyfriend nyang si Nick! Naiinis na sa pagiging pa victim nya!"

"Teka Melabs, pakisend mo nga kay Jhay yan para aware sya!"

"Mukhang ang plano ni Yna ay pagawayin kami ni Eunie!"

Hindi na nagtaka si Mel sa hinala ni Kate, wala kasing nakakalam na magpinsan ang dalawa maliban sa kanila ni Jeremy my friend.

Habang naguusap si Kate at Mel, tahimik lang sa isang tabi si Eunice. Pero kung pagmamasdan ang mga mata nito, makikita ang nagpupuyos na galit nito.

Samantala, ng matanggap ni Jeremy ang message nya agad itong nagtungo sa Site para alamin ang nangyari.

Sinadya nyang hindi maghigpit sa mga ipinopost ng mga estudyante para hindi na sila nag po post sa iba pang social media apps upang dito na lang sa Site magusap.

Pero bakit may nakikita syang Screen shot ng post sa labas pero pagbinuksan nya ang link wala naman?

Sino ang naglabas? .... Si Yna?

Magpo post na sana sya para suwayin at pagsabihan ang mga estudyante ng biglang nag appear ang post ni Eunice.

Justice for Miles???

SERIOUSLY?!"

BAKIT???!!!

Papaano naman ang JUSTICE para sa nabiktima ni Miles?

Ganun ba talaga yun, sya na ang nanakit sya pa ang hinahanapan ng justice?!

Bago kayo humingi ng Justice kay Miles, alamin nyo muna kung ano ang totoong nangyari!

YOU WEREN'T THERE!

Let the police investigate!

And for you Yna! SHUT UP!!!

Nang mabasa ni Kate at Mel ang post ni Eunice nanlaki ang mga mata nila.

Sabay nilang tiningnan si Eunice na abala sa cellphone nya.

"Si Eunie ba 'to, yung pinsan ko?!"

"Anyare sa Sissy ko?"