Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 104 - Warning

Chapter 104 - Warning

"Tapatin nyo nga ako, kasama ba sa plan ninyo ang panggugulpi kay Kate?"

"Te... Teka Jeremy! Wala kaming alam sa ginawa ni Miles kay Kate! Kahit nung nilusob nya ito at sinabunutan ng magkasayaw kayo sa dance floor, hindi rin namin alam yun!"

"So .... ano yung alam nyo?"

Biglang napaisip ang tatlo.

'Bakit feeling ko parang hinuhuli nya kami at nagpahuli naman kami?'

Pare pareho ang nasa isip ng tatlo kaya mas minabuti nilang magingat sa pag sagot. Kaso hindi nila alam ang sasabihin nila.

Nagantay ng sagot si Jeremy pero hindi na sila nagsalita.

"Kanina, napadaan kami sa isang room kung saan namin nakita sila Jonas, Jimboy at Jasper!"

"Sabi nila napagutusan lang daw silang magbantay ng room para kay Miles ni Lena kapalit ng entrance sa prom!"

"Nang imbestigahan ang room, nalaman namin na may mga camera sa paligid at isang kama! Paano kaya napunta ang kama dun?"

Sabay tingin sa tatlo

"Saka mayroon din glass of wine na may halong drugs!"

Nagkatinginan ang tatlo pero nanatiling tikom ang bibig.

Nagpatuloy si Jeremy.

"Syempre ide deny nyo 'to!

Pero hindi ko naman kayo pipilitin na umamin!"

"Sinasabi ko lang sa inyo ito para bigyan kayo ng pagkakataon magisip! Sa ginawa ni Miles kay Kate sa palagay nyo ba matakasan NYO ito?"

Nagulat sila ng idiin ni Jeremy ang word na "NYO".

Teka Jeremy, bakit NYO?"

Wala talaga kaming kinalalaman sa nangyari kay Kate! SWEAR!"

"Ipagpalagay na natin na hindi ninyo alam ang ginawang pananakit ni Miles kay Kate, pero .... hindi ibig sabihin nun, wala kayong alam!"

"Sa tingin nyo ba hindi kayo idadawit ni Miles gayun kasama kayo sa mga plano?"

Kita sa mukha ng tatlo ang kaba pero hindi pa rin tumigil si Jeremy.

"Kilala nyo ba kung sino ang father ni Kate?"

Nagkatinginan silang tatlo, naghahagilap ng sagot, tapos ay umiling.

Pati mga boyfriend nila ay kinakabahan na rin para sa kanila.

"Si Major Jaime Santiago!"

Nagtaka silang tatlo.

'Akala ko ba sundalo lang ang father ni Kate?'

Hindi nila akalain na mataas pala ang rango ng father nya. Hindi man nila kilala ito ng personal, alam naman nilang mataas na rango ang Major.

"Sa tingin nyo ba, mananahimik lang si Major sa nangyari sa anak nya at tyak magkakaroon ng imbestigasyon! Kaya kung ako sa inyo, magisip isip na kayong mabuti!"

Namutla ang tatlo.

Bibigyan ko kayo ng pagkakataong magisip hangga't hindi pa dumarating ang imbistigador!"

Lumalakas na ang kabog ng puso nila. Pati mga boyfriend nila ay kinakabahan na rin at sising sisi kung bakit naruon sila.

Ayaw nilang madamay pero nakakahiya naman kung aalis at iiwan nila ang mga girlfriend nila ngayung alam na nila ang totoo.

*****

Sa ospital.

Habang ginagamot si Kate, inaaway naman ng Mommy nya ang Daddy nya sa phone.

"Kasalanan mo 'to! Huwag mong isisi sa akin ang mga nangyari!"

"Kung nandito ka hindi basta basta mangyayari ito sa anak mo! Wala sanang mambubully sa kanya!"

"Sweetheart, hindi naman kita sinisisi, kaya lang..."

"Kaya lang ano? ANO?!"

Singhal ni Nadine na dinig sa buong emergency ng ospital.

"Matagal na kitang pinagbigyan Jaime, kahit nahihirapan ako sa pagpapalaki ng mga anak mo ng magisa, wala kang nadidinig sa akin! Pero sa pagkakataon ito mamili ka na!"

At binaba na nito ang phone nya at gigil na gigil na sumalampak ng upo.

Kinabahan si Jaime, ngayon lang sya pinapili ng asawa nya. Hindi nya ito masisisi dahil marami syang pagkukulang sa asawa at mga anak nya. Lumaki ang mga ito na wala siya sa tabi nila dahil laging nadedestino.

Ang hindi alam ng asawa nya pauwi na talaga sya. Na promote sya at madedestino na sa Maynila.

At least malapit lapit na.

Gusto sana nyang sorpresahin ang pamilya nya sa birthday ni Nadine pero hindi nya akalain na mangyayari ito sa anak.

"Mukhang mapapaaga ang paguwi ko!"

*****

Samantala sa presinto.

Chief bakit ba kailangan nyo pang dalhin dito sa presinto ang anak ko! Nakakahiya!"

"Mam meron po kasing reklamo sa kanya kaya natural lang na imbitahin namin sya dito para sagutin ang reklamong yun!"

"Pero sinagot na ng anak ko na hindi sya ang may kasalanan kundi ang batang ito, kaya bakit kailangan pang dalhin sya dito?"

"Kasi po Mam, kailangan po namin gumawa ng report tungkol dito! Saka kailangan pa po namin imbestigahan kung totoo nga ang sinasabi ng anak nyo o nagsisinungaling sya!"

"Pero hindi ito tama! Nakakahiya!"

"Mrs. Bernardino, hindi ba pwedeng tumahimik ka muna at pakinggan ang dahilan kung bakit dinala nila dito sa presinto si Miles