"Ehem!"
"Mrs. Bernardino, tama po si Ms. Ames kumalma po muna kayo at hayaan nyo akong makatapos sa sasabihin ko!"
Paano sya kakalma sa ganitong klaseng lugar. Ilang na ilang sya sa lugar, hindi sya mapakali at kinikilabutan sya.
Ayaw na ayaw nya yung feeling nya napapalibutan sya ng mga makasalanan.
"Hmp!"
Maging si Nicole ay hindi rin mapakali dahil kasama ang anak. Bata pa ito at natatakot sya baka magkaroon ng trauma ang bata.
Hindi sila dapat sumama dito pero kailangan maliwanagan ang lahat at malinis ang pangalan ni Eunice.
"Gaya nga ng sabi ko kanina, may nagreklamo ng panggugulpi ni Miles sa isang minor!" Sinugod daw nya ito sa cubicle ng CR at pagkatapos nun ay pinagtatadyakan pa!"
"ANO?!"
"Hindi magagawa ng anak ko yan! Pinalaki ko syang may takot sa Diyos! Isa siyang huwarang bata at hindi makabasag pinggan!"
"Ang anak ko ay isang mabait, mahinhin at kagalang galang na babae, kaya hindi nya magagawa ang mga paratang nyo!"
Sabay sabay na napatingin si Ames, Elsa, Nicole at Eunice kay Miles.
Hinahanap nila ang mga katangiang binanggit ng nanay nya.
Napayuko naman si Miles ng banggitin ng mother nya ang mga katangian nya.
Dahil ang mga katangian na binanggit ni Mildred ay ang mga katangian na pilit nyang hinuhulma sa anak nyang si Miles.
"Kaya nga po Mrs. Bernardino, kailanga naming tanungin ang anak nyo!"
"Miles anong masasabi mo sa binibintang sa'yo?"
"Hindi po talaga ako yun, Chief! Nagkakamali lang po sila!"
"Pero ikaw ang tinuturo ng biktima!"
"Nasaan ba ang biktima? Bakit hindi sya humarap dito? Hindi yung basta basta na lang sya nagtuturo!"
Singhal ni Mildred.
"Kasalukuyan pong nasa ospital ang biktima at ginagamot ang mga natamong sugat Mam!"
"Ang kanya pong ama na si Major Jaime Santiago ang nag report sa amin ng pangyayari! Nakausap nya daw po ang anak habang nilulusob sa ospital at pangalan nga po ni Miles ang binanggit nyang may gawa nito!"
"IMPOSIBLE!"
Bulalas ni Mildred.
"Hindi!
Mom hindi po!
Maniwala po kayo sa akin, kahit itanong nyo po sa Mamang Guard!"
Sabay turo sa guard ng event hall. Isinama ito ni Ames para mas malinawan ang lahat.
"Ikaw ang guard na nakakita?"
Tanong ni Chief.
"Opo Chief at itong batang ito po ang nakita kong gumawa nun!"
Sabay turo kay Eunice na nananahimik sa tabi ng ina.
Obviously hindi alam ng guard na si Nicole ang nanay ni Eunice kaya hindi nya ito nirerespeto kagaya ng kung paano nya respetuhin si Miles.
Ms. Miles ang tawag nya dito.
At isa pa, naiinis pa rin sya dahil napatumba sya ng babaeng bodyguard ni Eunice kanina na nagpakilalang kaibigan ng mother nya.
"Ano naman ang nakita mo?"
Tanong ulit ni Chief
"Nadinig ko po ang ingay sa loob ng CR! Pagpasok ko po nakatayo si Ms. Miles sa labas ng cubicle at si Kate ay nakasalampak sa flooring ng cubicle habang naka luhod sa tabi nya si Eunice hawak hawak ang ulo nito!"
"So yun ang nakita mo hindi ang buong pangyayari?"
"Opo!"
"Paano mo nasabi na itong batang si Eunice ang may kagagawan kung hindi mo naman nakita ang mga pangyayari?"
"Sir, itinuro po sya ni Ms. Miles at saka may dugo po ang mga kamay nya kaya natitiyak ko pong sya nga ang may gawa!"
"Saka ng pinaalis ko sya ay hindi sya agad umalis at ayaw iwan ang biktima!"
"Kita nyo! Chief! Malinaw na! Hindi ang anak kong si Miles ang may gawa ng mga ibinibintang nyo!"
"Mam, hayaan nyo po muna akong tapusin ang pagtatanong! Trabaho po namin ito! Please, hayaan nyo sanang gawin namin ang trabaho namin!"
Sa loob, loob ni Chief, kung hindi lang ipinakausap mismo ni Major na imbestigahan nya itong mabuti hindi nya personal na gagawin. Ipagagawa nya ito kay sarhento!
Pero ayaw nyang magkaroon ng ingay ito at pagpyestahan ng media kaya sa loob mismo ng opisina nya sila dinala.
"Kamusta naman ang lagay ng biktima, na check mo ba?"
"Eh, Sir hindi na po! Ang kulit po kasi nitong batang ito ayaw iwan ang biktima! Hindi ko tuloy na check!"
Kakamot kamot ang ulong katwiran nito.
"Eh, humingi ka man lang ba ng tulong?"
"Chief paano naman ako makakahingi ng tulong eh, ayaw bumitiw ng batang ito sa biktima kaya hinila ko pa!"
"Tapos pagkahila mo anong ginawa mo?"
"Hinawakan ko po para hindi makawala!"
"Wala kang ginawa sa biktima?"
"Eh, kasi po baka tumakas ang batang yan kaya hindi ko po binitawan!"
"Kita nyo na Chief!
Siguro naman maniniwala na kayo na wala talagang kasalanan ang anak ko!
At yan talagang batang yan ang tunay na may kasalanan!"
"Palibhasa hindi ata tinuruan ng mga magulang nya ng tamang asal! Hmp!"
"LIAR!!!"
Galit na sigaw ni Eunice.