Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 103 - Lied

Chapter 103 - Lied

"ANO???!!!"

Sigaw ng lahat ng nakarinig.

Sakto namang dumating sila Ames, Elsa, Nicole at Eunice ng madinig ang sinabi ni Miles.

Pati sila napasigaw, maging si Jeremy ay napasigaw.

"Jeremy, anong ibig sabihin nito? Paano mo sya naging girlfriend?!"

Tanong ng ina ni Jeremy na si Elsa.

"Ma, kilala nyo po ako! Wala pa po akong naging girlfriend since birth! At kilala nyo rin po ang babaeng gusto ko at hindi po yun si Miles!"

Sagot ni Jeremy sa ina.

Kinabahan bigla si Jeremy ng tanungin sya ng ina.

Kailangan nyang maipaliwanag na mabuti ang side nya upang malaman ng ina na biktima rin sya dito.

"Teka sandali, bakit parang pinalalabas mo na nagsisinungaling ang anak ko?!"

Mataray na sagot ni Mildred

"Mam ..."

Naputol ni Jeremy ang sasabihin nya dahil biglang dumating si Chief Morales at iba pang pulis

"Magandang gabi, Ms. Ames at sa inyong lahat!"

"Magandang gabi rin Chief!"

"Mawalang galang na rin po, pero sino si Miles Bernardino?"

Tumindi ang tibok ng puso ni Miles parang sasabog.

Dugdug dugdug!

"Bakit po Chief?"

Tanong ni Ames

"Kailangan po namin syang maimbitahan sa presinto, may reklamo po laban sa kanya!"

Lumapit sa ina si Miles.

"Mommy, No! Hindi po ako!"

"Sya po! Sya po yun Mommy!"

Sabay turo kay Eunice.

"Maniwala ka po Mom, sinisiraan lang po ako ng babaeng yan!"

"Teka Miss, ikaw ba si Miles Bernardino?"

"Mabuti pa sumama ka sa amin!"

"Sandali lang Chief, hindi mo ba narinig ang sinabi ng anak ko? Sinisiraan lang sya ng batang yan!"

Mam, mas makakabuti po kung sa presinto na lang po tayo magpaliwanag!"

"Mommy ayaw ko po! Huwag nyo po akong ibibigay sa mga pulis, please!"

Pero natataranta na si Mildred hindi nya maintindihan kung bakit hinuhuli ng mga pulis ang anak nya. Hindi na nya alam ang gagawin.

Dahil sa ingay, marami ng mga naglalabasan at nagkukumpulan sa lobby. Marami na rin ang mga ingay at bulung bulungan.

"Ano daw, sinong tumulak kay Kate?"

"Si Eunice daw, pini frame up si Miles!"

"At anong ginagawa ni Ms. Piggy dito? May ka date ba sya?"

"Naku, kawawa naman si Miles napagbintangan!"

"Eh bakit si Miles ang pinagbibintangan?"

"Teka, diba kanina nag away si Miles at Kate, baka dahil dun!"

Lalong nakakadagdag ng pressure kay Mildred ang mga bulung bulungan.

'Jusmiyo nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin ng mga ka sisiter ko pag nalaman nila ito?'

"Ms. Miles, kung wala kang kasalanan mas mabuting sumama ka na lang sa amin ng maayos!"

"May reklamo laban sa'yo kaya pag hindi ka sumama, aarestuhin ka namin!"

Pagpapatuloy ni Chief.

Hindi sya pwedeng bumalik na hindi bitbit si Miles. Mataas ang posisyon ng nagutos sa kanya.

"Mom, maniwala po kayo, hindi po ako ang sumugod at nanipa kay Kate sya po, si Eunice!

Malaki po ang galit nyan kay Kate dahil kay Jeremy! Kahit itanong nyo pa po kay Mamang Guard!"

Nabuhayan ng pagasa si Mildred na baka nga may gusto lang manira sa anak gaya ng sabi ni Miles.

"Teka Chief, ako ang mother nya kaya hindi ako makakapayag na basta nyo na lang aarestuhin ang anak ko!"

"Mas maigi nga pong sumama na din po kayo Mam!"

"Pero Chief, hindi rin ako makakapayag na hindi makasama ang mga binabanggit ng anak ko! Kung iimbitahin nyo kami sa presinto dapat kasama din sila!"

Matigas na sabi ni Mildred.

"Chief huwag ho kayong magaalala, susunod kami sa presinto!"

Sambit ni Nicole

"Yes Chief, isasama ko na rin ang mga guard na involve para makatulong sa imbestigasyon nyo!"

Sagot naman ni Ames.

Humihikbi na sa takot si Miles habang dinadala sya sa mobile ng pulis.

Hindi ito ang gusto nyang mangyari. Hindi ito ang nasa plano nya!

'Kung nangyari lang sana ang lahat ng plano ko, sana sa mga oras na ito magkasama na kami ni Jeremy!'

Umiyak na lang ng tahimik si Miles. Hindi na sya makapagisip. Saka nya naalala ang mga ka grupo nya.

'Bakit ko sasaluhin lahat ng ito, hindi naman ako ang nagplano ng lahat ng ito kundi ang mga walang hiyang iyon!'

'Kaya kung mapapahamak ako, idadamay ko sila!'

Ang hindi alam ni Miles kumikilos na si Jeremy.

The moment na binitbit sya ng mga pulis, nagpaalam ito na magpapaiwan para hanapin ang mga ka grupo ni Miles.

Hinanap ni Jeremy ang mga kaibigan nya para tulungan sya.

Pare parehong kinakabahan sila Brenda, Lena at Pam ng dalhin sila ng mga team mate ni Jeremy sa isang silid kung saan naroon ito nagaantay sa kanila.

"Marahil nakita nyo na siguro ang nangyari kay Miles! Pero alam nyo ba kung bakit sya binitbit ng mga pulis?"

Nagkatinginan ang tatlo sabay iling.

"Jeremy, tungkol ba saan 'to?"

Sabat ni Arthur ang boyfriend ni Pam. Nainis sya ng biglang lapitan ng mga kaibigan ni Jeremy ang girlfriend nya.

Kaya nagpumilit sumama ang boyfriend ng tatlo sa kanila.

"Kanina, habang nasa CR si Kate, ginulpi sya ni Miles!"

Salaysay ni Jeremy

"Pero, diba sabi ni Miles si Eunice ang may gawa!"

sagot ni Pam

"At naniniwala kayo sa sinasabi ni Miles?"

Tumahimik sila.

Kilala nila si Miles.