Maging ang mga nakakita sa post ni Jeremy sa School Website nagtatanong din.
"Sino sya?"
"Bakit hindi si Miles ang date nya?"
"At nasaan si Miles?"
"Baka break na sila?"
"Meron ba talagang sila?"
Hindi nila nakilala si Kate. Malaki ang pinagbago nito ng maglagay ng makeup.
"Mukha syang foreigner!"
"....at maganda sya!"
"Mas maganda pa kay Miles!"
"Mas bagay sila ni Jeremy!"
Tiningnan mabuti ni Miles si Kate.
Pilit na kinikilala.
'Sino 'tong babaeng ito na gustong agawin sa akin si Jeremy!'
Nang malapit na sila sa kanya, tumingin si Kate sa direction ni Miles.
Nagtago si Miles pero handa na itong lusubin si Kate.
"Hahahaha!"
"Huh?!"
'Si Kate ba yun?'
'Hindi ako pwedeng magkamali, yun yung nakakainis na tawa ni Kate!'
"Let's go Jhay!"
Malambing na sabi ni Kate kay Jeremy na medyo nilakasan pa, parang sinasadya nitong iparinig kay Miles.
"Okey lovely!"
Sagot naman ni Jeremy ng may ngiti.
At humahalakhak silang pareho habang papasok sa loob ng hall na parang nangiinis kay Miles.
'HA???!!!'
Nagpantig ang tenga ni Miles.
"Waaaaah!"
Naghihisterikal ito sa labas pero walang nakakarinig sa kanya. Lahat ng tao ay masayang nagsasayaw at sya lang mag isa ang naiwan sa labas.
Galit na galit si Miles.
"Bakit Jeremy BAKIT?"
"Ano bang kailangan kong gawin para mapansin mo lang kahit konti!"
***
Sa loob.
Napatigil ang karamihan ng makitang pumasok si Jeremy at ang date nya, lalo na yung nakabasa ng post nya recently.
"Yan yung date ni Jeremy?"
"Totoo nga!"
"At mas maganda sya sa personal!"
"Ang tangkad nya, bagay na bagay sila!"
"Pre, tingnan mo ang date ni Jeremy, ang lakas ng dating!"
"Bakit ba napakaswerte nitong si Jeremy! Saan nya nasungkit yan?"
Nilapitan sila ng mga boys na ka close ni Jeremy.
"Pre pakilala mo naman kami sa date mo?"
"Hahaha! Bakit ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?"
Sagot ni Jeremy.
At pinagkaguluhan na ng lahat si Jeremy at ang date nya.
"Hello, Hello!"
Nagulat ang lahat ng mapansin nilang namatay ang music.
"Guys make way naman for Jeremy and his date!"
Sabi ng may hawak ng mic na si Ace kaibigan ni Jeremy.
Umakyat pa sya ng stage para suwayin ang mga tao.
Alam nyang hindi totoo ang tungkol kay Jeremy and Miles kaya tuwang tuwa sya ng makita si Jeremy na may dalang napakagandang date.
"Teka, teka sandali! Gusto nyo bang paakyatin natin sila dito?!"
"YES!"
"Bigyan naman natin ng pagkakataon na umakyat ng stage si Jeremy and his date para makita ng lahat! Huwag nyo silang pagkaguluhan!"
Buong ngiting sabi nito.
Napailing na lang si Jeremy sa ginawa ng kaibigan.
"Huwag kang iiling iling dyan Bro! It's because you are late Bro! Hehe!"
Walang nagawa si Jeremy kundi umakyat ng stage hawak hawak ang kamay ni Kate.
"Hi everyone! Sorry kung na late kami!"
"Syempre dahil late kayo hindi nanamin tatanungin kung bakit at anong ginawa ninyo! Hehe!"
Pilyong sabi nito.
"Pero....!"
"Kailangan ka muna ka naming ma interview!"
At nagsigawan ang mga tao ng "YES!"
"Jeremy ipakilala mo naman si Ms. Prettyful!"
"Seriously Ace?"
Nakataas ang kilay na sabi ni Kate.
"Woohoo! Wait...Kate ?!
"Yes?"
"OMG! Hahaha! Babae ka pala!"
"HAHAHAHAHA!"
Nagulat ang lahat ng humagalpak ng tawa si Kate.
"Si Kate ba yun?"
"Malamang! Boses ni Kate, tawa ni Kate! Si Kate nga!"
"Oh, sh*t ang ganda nya!"
Sila Pam, Brenda at Lena na abala sa mga boyfriend nila ay nagulat din sa narinig.
Nagkatinginan sila.
'Nasaan si Miles?'
Pare pareho nilang tanong sa sarili nila.
Sa labas.
"Hindi! Hindi maari ito!"
Hindi ako makakapayag na si Kate ang maging date ni Jeremy! Kailangan kong pumasok sa loob!"
Dirediretso sya sa loob ng venue nilagpasan ang mga nasa lobby na nagaasikaso ng prom.
"Si Miles ba yun? Bakit ganun parang aatend ng holoween?"
Hindi napansin ni Miles na nasira na ang make up nya at wala na sa ayos ito.
"Baka masama ang loob dahil hindi sya ang date ni Jeremy!"
Lihim na nangiti sila.
Pagpasok ni Miles ng hall saktong tinatanong si Jeremy.
"Bro balita ko ikaw daw dapat ang King of the Night?"
Sumama ang tingin ng tinanghal na King of the Night saka hinawakan ang koronang suot nya.
"Hahaha! Pare huwag kang magalala, hindi ko kukunin sa'yo yan! You deserve it! Congratulation!"
"Hindi naman yan ang pinunta ko dito! Kaya nga ako nagpa late! Hehe!"
"Umatend ako ng JS Prom para sa date ko, para mapasaya sya!"
"Uuuy! Sya na ba ang next future GF mo? Ooops teka, single ka ba?"
"HAHAHAHAHA!"
Tawa ni Kate at Jeremy.
"Etong si Kate nakakahawa ang tawa! Hehe!"
"Yes I'm STILL SINGLE, since birth at NEVER pa akong naging taken!"