"Nag confirm ba si Jeremy kung aatend sya?"
Naghihisterikal ang mind nya but the truth is she froze. Literally! For 10 minutes, hindi sya gumalaw.
Hindi sya makapagisip dahil biglang hindi gumana ang isip nya kaya pati tuloy katawan nya hindi nya maigalaw.
Natakot na sila Brenda at Lena. Nilapitan nila si Miles at inalog alog.
"Miles anong nangyayari sa'yo?!"
"Jusko naman Miles huwag mo naman kaming takutin!"
Maya maya gumalaw na ito.
"Bakit?"
"Bakit hindi nyo agad naisip yan?!"
Singhal nya sa dalawa.
"Eh, Miles hindi naman tayo sigurado kung hindi sya pupunta! Natanong ko lang!"
"Oonga Miles, let's think positive!"
Pero kahit paulit ulit nilang sabihin na "think positive" hindi na maalis sa isip ni Miles na may possibility na hindi nga umatend si Jeremy.
Gumagapang na ang negative sa isip nya.
'Paano na ang plan kong maangkin sya?'
'Paano na ang future namin ni Jeremy!'
'Jusko, sino bang patron ang tatawagin ko para matupad lahat ng hiling ko?!'
*****
Sa bahay ni Nicole.
"Hon, pwede bang huwag ka na munang umalis, sumunod ka na lang!"
"Ako na lang ang maghahatid sa'yo!"
Sabi ni Edmund habang hinihimas himas ang bewang ng asawa nya at isinasayaw sya ng dahan dahan kahit walang tugtog.
"At bakit? Anong plano mo Mr. Edmund Perdigoñez, hmmm?"
"Malaki na si Earl kailangan na natin sundan!"
Napataas ang kilay ni Nicole.
'Sabi ko na at may binabalak na naman ito e!'
'Hindi na natapos ang dahilan!'
"Hon, late na 'ko! Mahirap mag ayos!"
"Bakit kasi ang ganda mo? Nahihirapan tuloy akong pakawalan ka sa mga yakap ko!"
"Ayaw kitang ma miss!"
Napakagat sa labi si Nicole.
'Jusmiyo naman, marupok ako!'
"EHEM!"
Sabay na napatingin ang dalawa sa may pinto.
Naroon ang dalawang anak nila nakatingin sa ginagawa nila.
'Naman!'
"Ate Eunice ano ba talagang ginagawa ni Mommy at Daddy?"
"Naglalaro sila!"
"Bakit gabi na naglalaro pa rin sila?"
"Daddy pakawalan nyo na po si Mommy! Tama na po ang laro, nandyan na po ang sundo nya!"
Nakakunot ang noong sabi ni Eunice.
"Daddy ano pong tawag sa laro nyo ni Mommy? Tayo na lang po ang mag play, aalis na po si Mommy eh!"
Namutla si Edmund sa tanong ng anak.
"Uhm, mabuti pa ihatid na natin sa baba ang Mommy nyo!"
WOW! Mommy your so pretty!"
"Thank you sweetie!"
Pagsakay ng car
"Wow! Ang ganda ng pamangkin ko ah!"
"Ninang, kayo po ang maganda!"
"Asus, nagutuan pa ang dalawang 'to! Hehe!"
"Teka, bakit nga pala kailangan nating magsama sama sa isang car? Ano na naman ang nasa isip mo Katherine!"
"Wala po, inililigtas ko lang po sa kapahamakan si Jeremy!"
Nagulat si Jeremy, bigla itong nagpreno.
"Ako? Bakit ako?!"
Pare pareho nagtatanong ang tingin nilang tatlo kay Kate.
Gustong humagalpak ng tawa ni Kate pero pinigilan nya at baka mapagalitan sya.
"Kasi po may plano si Miles para kay Jeremy! I don't know exactly the plan but I think may plano sya na pikutin ka!"
"WHAT???!!!"
"Sigurado ka?"
Tanong ni Nicole.
"Not sure po about the details pero kahapon, napadaan po ako sa isang room! Laging pong naka lock ang room na yun, pero yesterday naka open po sya at inayos nila!"
"I've heard na ni request daw po ni Miles ang room!"
"Sinubukan ko pong pasukin ang room pero may bantay po e, hindi ako makalapit!"
"But what makes you think na may plan si Miles na pikutin si Jeremy?"
Tanong ni Ames.
"Kasi po napapansin kong masyado na kasing nagiging possessive si Miles lately!"
"Ano? Paano? Hindi nga kami nagkakausap man lang nung babaeng yun!"
"Sa mga comments!"
"Si Miles o di kaya yung mga ka grupo nya ang totoong may ari ng accounts na yun! Dummy lang yung mga accounts!"
Lalong nalito ang tatlo.
"Like, yung comment tungkol sa almost 6 years mo ng jowa si Miles!"
"ANO? 6 years mo ng jowa si Miles?! Bakit hindi namin alam?!"
"Tita Ames, pati po ako hindi ko rin po alam!"
"Pwes, makipag break ka na!"
"Tiya, hindi ko na nga po alam ang gagawin ko, napipikon na ako sa kanya! Pero ayaw ko po syang patulan, babae sya!"
"Actually Jeremy kilalang kilala ka ni Miles! At yang pananahimik mo na yan ang isa sa dahilan kaya lumakas ang loob nya na angkinin ka na hindi mo alam!"
"Tapatin mo nga kami Jeremy, may gusto ka ba kay Miles?"
"Wala po!"
"Ni katiting!"
"Opo! Sure po ako!"
"Kinikilabutan nga po ako pag dumudikit sya sa akin eh!"
"I guess it's time for you to speak! Better yet, bakit hindi mo sabihin sa lahat ang totoo!"
Sambit ni Kate.
"Pero lumiko ka muna dyan, mag drive thru muna tayo! Saka may tatawagan muna ako!"
Utos ni Nicole.