Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 95 - JS Prom Natin Ito

Chapter 95 - JS Prom Natin Ito

Samantala sa house ni Eunice.

"Baby girl!"

"Tita Nadine! Bakit po?"

"Hindi ako makatulog eh, patabi naman!"

"Bakit hindi po kayo makatulog?"

"Gusto ko kasing magpunta sa JS Prom pero ayaw ni Kate!"

"Gusto ko lang naman makita syang sumayaw!"

Naawa si Eunice sa Tita nya. Madalas kasi itong naiiwang magisa sa house nila dahil laging wala ang husband nitong si Jaime dahil sa trabaho nya. Tapos yung panganay naman nilang si James Khristoffer ay nasa college na at nagaaral ng medicine, gusto kasi nitong maging surgeon. Kaya madalas, sila lang ni Kate ang nasa house.

Pero pag may competition abroad si Kate sya na lang magisa. Kaya.... madalas, ang family ng sister nyang si Nicole ang ginugulo nya at ng anak nyang si Kate

"Huwag na po kayong ma sad Tita, sasamahan ko na lang po kayo!"

"Talaga, sasamahan mo ako?!"

"Opo Tita!"

Tuwang tuwa ang Tita nya sabay hila sa kamay nya.

"Tara na!"

"Te..teka po Tita, san po?"

"Sa JS Prom! Sabi mo sasamahan mo ako, diba?"

"Po?!"

Kinabahan si Eunice.

'Naku lagot, hindi naman yun ang ibig kong sabihin sa sasamahan ko sya!'

"Pe... pero Tita!"

"Bakit akala ko ba sasamahan mo ako?"

"Kasi po Tita mag 10 na po, hindi na po ako pwedeng lumabas mapapagalitan po ako!"

"Ano ka ba, kasama mo ako bakit ka naman nila pagagalitan!"

'Jusko ano pong gagawin ko ang kulit ng Tita ko!'

"Pero Tita kinakabahan po ako! Please be good to my pwet, ayaw ko pong mapalo ulit!"

Naalala nyang last month lang sya huling napalo ng Mommy nya.

"Aysus, huwag kang magaalala akong bahala sa tatay mo at nanay mo!"

At hinila na ni Nadine ang bata na sobrang kinakabahan.

"Edmund, isasama ko si Eunice sa bahay!"

Sabay hila kay Eunice na hindi na hinintay ang sagot.

"Abat...."

"Ba't naman nagmamadali yun?"

Hindi pumasok sa isip ni Edmund na may plan si Nadine na magpunta ng JS at isasama nya ang anak.

Ang buong akala nito ay sa bahay lang nila dadalhin ang bata at duon matutulog para samahan sya.

Sa bahay ni Nadine.

Dinala nya si Eunice sa walk in closet ni Kate at namili ito ng damit.

"Here wear this!"

Sabay abot ng isang bestida sa kanya.

"Po?"

"Just wear it!"

At umalis ito, pagbalik ay naka bihis na rin.

Tuwang tuwa syang makitang nagkasya sa kanya ang lumang bestida ni Kate.

Pati si Eunice ay nagulat ng makitang pumayat sya.

Isang black dress ito na fit na fit sa katawan nya.

Hindi sila magkasing katawan ni Kate kaya nagulat sya ng magkasya ito.

Inayos ni Nadine ang buhok nya at saka nilagyan sya ng lipstick at pulbos.

Ayaw pa nya ng make up at naiilang pa sya.

"Pero Tita, pano po tayo makakapasok sa venue?"

"Huwag kang magaalala ako ang may hawak ng susi!"

"Bakit nasa inyo po ang susi?"

Lalong kinabahan si Eunice.

"Hahaha! Ang cute mo Baby girl!"

'Jusmiyo bakit parang nasasapian sya ni Ate Kate pag tumatawa?'

"Huwag kang kabahan! Wala akong ginawang masama para makuha ang susi! Ako ang caretaker ng event Hall! Sa Lola Issay mo yan!"

"Let's go!"

*****

Sa venue.

Nagpapanic na si Miles. Malapit na ang 10 pm but no sign of Jeremy.

Kailangan ng I announce ang King and Queen of the Night.

Pero paano ito iaanounce kung wala pa si Jeremy ang supposed to be King at ang Queen naman na supposed to be ay si Miles ay hindi pa rin pumapasok sa venue, so technically wala pa din sya kahit sabihin pang andun lang sya sa labas.

"Miles gumagawa na kami ng paraan para ma delay ang announcement!"

"Aba dapat lang! Anong gusto nyo ako pa Ang gumawa nyan?!"

"Magsikilos kayo?"

"Ano ba kasing pinag gagawa nyo? Hindi dapat ganito ang nangyayari diba?"

"Hmp, mga bwisit kayo! Ang tatanga nyo!"

Nanggigil na sa inis si Miles dahil ni isa sa plano wala pa silang nagagawa dahil wala pa si Jeremy.

"Hindi ako makakapayag na may ibang makakuha ng King and Queen of the night!"

Last year hindi rin nya nagawang makausap at maisayaw man lang si Jeremy dahil busy ito. Sya kasi ang Head ng events planning ng JS last year.

"Ano pang ginagawa nyo dito, bakit hindi pa kayo kumikilos?!"

"Magsilayas kayo sa harapan ko!"

Naiinis na sila Brenda at Lena kaya iniwan na nila si Miles.

"Nakakainis na sya! Bakit kung magsalita sya parang wala tayong ginagawa! Tayong tatlo lang naman ang kumilos samantalang sya itong nakaupo lang at nagaantay!"

Reklamo ni Brenda

"Naiinis na rin ako, Brenda! Hindi naman nya tayo tinuturing na mga friends! Ever since ang turing nya sa atin ay mas lower sa kanya!"

Sagot ni Lena.

"Gutom na rin ako Lena at gusto ko rin naman makipag party! Kaya bahala sya at pupuntahan ko na ang date ko!"

"Tama! Ako din! JS Prom din natin ito hindi lang kay Miles!"

Related Books

Popular novel hashtag