7:30 pm ang nakalagay na start ng party pero malamang hindi ito mag start agad.
Kaya si Nicole bilang prinicipal ay hindi muna nagpunta ng maaga.
"Ano namang gagawin ko dun?"
Wala talagang hilig si Nicole sa mga party, pag nayayaya lang.
Napapagod kasi syang makipagusap ng makipagusap sa maraming tao. Nakakahilo pare pareho lang naman daw ang ginagawa nila. Cheers at ngiti.
"Masakit sa panga ang makipag ngitian lalo na pag ayaw mong ngumiti, saka ... may limit ang ngiti ko!"
Yan ang lagi nyang katwiran pag inaayaya sya ni Edmund sa mga events na pinupuntahan nya.
Minsan tinanong sya ng Ate Nadine nya.
"Hindi ka ba nagseselos na baka may umaaligid aligid sa asawa mo?"
"Subukan nila ng ibitin ko sila ng patiwarik!"
Mas gusto nya ang maggala at syempre magshopping. Yan, hinding, hindi sya mapapagod dyan!
Kaya nag dinner muna silang mag anak bago sya magtungo sa JS prom.
"Nandun na naman ang mga teachers and some staff to handle everything!"
"Pati si Secretary Kim pinauna ko na! To make sure na walang magiging problem ang mga bata!"
But the truth is, ayaw nyang mawala sa dinner nila ng family nya.
"Mom, dipo ba you're going to a party? So bakit po nagdidinner kayo? Busog na po kayo pag dating sa party!"
Tanong ng bunso nyang si Earl.
"Kasi bunso, ayaw kong ma miss ang dinner natin! Mas masarap kasing kumain pag kasama ko kayo!"
"Talaga po! Akala ko po kasi ayaw nyo yung food! Sabi kasi ni Ate hindi daw po masarap!"
Tiningnan sya ni Eunice ng matalim na parang sinasabi "Bakit idinadamay mo na naman ako?!"
Natawa ang magasawa sa sinabi ng bunso nila. Lahat ata ng sinasabi ng ate nya pinaniniwalaan nya.
"Mom, pwede po ba akong sumama sa paghatid sa inyo ni Daddy sa prom?"
Tanong ni Eunice na may kasamang lambing.
"Nope iha! Kay Jeremy kami sasabay!"
"Po?! Andyan pa po si Ate Kate?"
Gulat na gulat si Eunice dahil mag 8:00 na!
"Ewan ko ba dyan sa pinsan mo! She insist! Mukhang may something na nangyayari kaya need namin sumabay sa kanila ni Jeremy!"
Napangiti si Eunice. Alam nya yung something, si Miles! At mukhang meron ngang plan ang Ate Kate nya.
Naiinis lang sya kung minsan sa Ate Kate nya kasi naman hindi sinishare sa kanya ang plan nya pero madalas kasama sya sa plan nya. Nagugulat na lang sya.
Iba daw kasi ang reaction nya pag hindi nya alam. Nakakatuwa gaya nung kiss sa canteen.
Sa bahay ni Kate.
Umiiyak ang Mommy nyang si Nadine pero hindi nya maintindihan kung bakit.
"Mom please stop crying!"
"Ayaw nyo po ba akong pumunta sa party? Just say it! I'll stay!"
"Nope bunso, Mommy is just so happy! Finally aatend na rin ng party ang anak ko! Tears of joy 'to anak so don't you dare cancel it!"
Hmm!"
Kate: (rolled eyes)
'Ang hirap magkaron ng nanay na praning!'
8: 30 sumundo si Jeremy kay Kate.
Gustong sumama ng Mommy nya pero kasama ni Jeremy si Ames at pagkatapos ay susunduin naman nila si Nicole.
"Mom NO! Please!"
Kasama ko naman po si Tita Ames at Tita Ninang! So don't worry!"
"Ay anak hindi ako worried! Gusto lang kitang makitang mag dance!"
"Promise mag behave ako!"
Sumabat na si Ames dahil hindi matatapos ito.
"Nadine masikip na kami sa car, huwag ka ng dumagdag, please!"
Yung bagong car ni Ames ang dala nila at 5 seater lang ito kasama ang driver. Pero dahil naka gown sila, masikip nga naman!
"Hamo next time susundin ko na ang suggestion ni Nicole na dapat kasama na ang parents sa JS prom para sila ang first dance ng mga bata!"
"At kelan pa yun?"
"Next year promise! but make sure na andito si Jaime!"
Nangiti si Nadine.
'Yes! May reason na ako para mapauwi ang asawa ko!'
"Sige anak hindi na ako sasama, basta promise me mag eenjoy ka!"
"Yes po Mommy!"
Pag sakay nila sa car masayang masaya si Nadine na kumaway pa sa kanila.
"Tita pasensya na po sa kakulitan ni Mommy!"
"Kate, naiintindihan ko kung bakit ganyan ang Mommy mo, hindi nya kasi naranasan ang ganitong moment with her Mother!"
"Po?!"
"Hmm, mukhang hindi nagkukuwento sa'yo yung magkapatid!"
"Siguro dahil sa Lola mo!"
Nacurious tuloy si Jeremy at Kate.
"Pwede nyo po bang ikwento?"
"Kung hindi nagkukwento ang magkapatid, hindi ko rin pwedeng ikwento!"
Nadismaya ang dalawa.
"Pero Tita Ames di po ba sabi nyo, para maintindihan natin ang isang tao we should also try to know and understand their past!"
Napaisip si Ames.
'Nakalimutan kong genius nga pala itong kausap ko! Pag di ako nagingat malamang makapagkwento ako ng hindi ko nalalaman!'
"Yes Kate, but I have no right!"
"Tita Ames if you can't tell us who will?"
"Well why don't you ask your Tita Ninang!"
*****
Sa venue ng JS Prom.
"Ano na? nakita nyo na ba ang car ni Jeremy?"
Kanina pa wala sa mood si Miles, pauli uli, hindi mapakali dahil wala pa si Jeremy.
Umiling lang ang mga kausap nyang si Brenda at Lena.
9:30 pm na.
"Naku naman! Bakit ang tagal nya? Kanina pa nag start ang party!"
"Miles, may gusto kaming itanong ako!"
"Ano? Ano yun?"
Iritadong singhal nito sa dalawa.
"Nag confirm ba si Jeremy kung aatend sya?"