Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 92 - Weird Kiss

Chapter 92 - Weird Kiss

Friday.

The day before the JS prom.

Pinaguusapan na ng lahat ang tungkol sa blind item.

Lahat sila parang biglang naging detective, gustong mahulaan kung sino si Ms. Indenial!

Nagkakailangan tuloy ang iba lalo na pag tinitingnan sila ng may halong pagdududa ng kausap nila.

Na ipinagtataka naman ni Mel at Eunice.

Lunch break nasa canteen sila.

"Hindi ba obvious kung sino yung tinutukoy dun?"

"Dalawa lang naman yung iba kung makatingin dito sa school!"

Bulong ni Mel kay Eunice.

"Shhh! Baka may makarinig sa'yo!"

Suway ni Eunice.

Biglang dating ni Kate at ginulat silang dalawa.

"Anong pinag bubulungan nyong dalawa dyan?"

"Ikaw!"

Gulat na sabi ni Mel sa kanya.

"Ang ibig kong sabihin, ikaw, kumain ka na! Hehe!"

"Hahaha! Ang kyut kyut mo talaga lalo na pag nagugulat ka! Melabs!"

Mel: "...."

Nasanay na syang tinatawag syang Melabs ni Kate simula ng manood sila ng sineng dalawa. kung bakit hindi nya alam! At kapag tinanong nya si Kate, humahagalpak lang ito ng tawa kaya hindi na sya nagtatanong.

'Ang weird kasing magisip ng mga genius.

"Mukhang maganda ang mood mo ngayon, Ate!"

Sabay abot ng food sa harap ni Kate.

Pero hindi sya sinagot ni Kate bagkus ay lumapit ito kay Eunice at saka hinalikan sya sa pisngi.

Nagulat si Eunice sa ginawa ng Ate Kate nya saka pinahid ang pisngi nyang hinalikan ng Ate nya na may naiwan pang laway.

"Eewww! Kadiri!"

"HAHAHAHAHA!"

Umalingawngaw ang halakhak ni Kate sa buong canteen.

Napatingin tuloy lahat kay Kate tapos ay sa katabi nitong si Eunice.

At napuno ng bulong bulungan sa paligid.

'Bakit parang may something sila?'

Pati si Mel ay kumunot ang noo sa ka weirduhan ng magpinsan.

Tapos ay nadinig nito ang bulong bulungan sa paligid.

"Sister Kate!"

"Bakit Melabs? Gusto mo rin ng kiss?"

Sabay nguso nito.

"No thanks! Pero pwede bang sa ibang lugar na tayo kumain!"

Sabay tingin sa paligid.

Nagulat naman si Kate.

'Mukhang na gets na ni Mel na ako yung blind item pero bakit si Jhay hindi pa rin nahuhulaan?'

'Haaay ang slow din ng taong yun!"

Umalis sila at lumipat sa isang room na nagiisip pa rin si Mel.

'Bakit kaya ginawa ni Sister Kate yun? Para syang nananadya!'

Habang si Eunice ay naiinis pa rin dahil pinagtripan na naman sya ng pinsan nya.

'Kainis dinamay na naman ako sa trip nya!' Hmp!'

Inis na inis sya sa Ate Kate nya pero wala naman syang magawa.

*****

Pagkatapos ng nangyari sa canteen, agad naman nag post ng bagong kwento si Miles.

Meron akong nakita, hindi ko sasabihin!

Pero pag pinilit ako ... hmmm!"

Naku baka pati ako bigyan nya ng kiss! eeeww!

oops!

~ Miles ~

"Teka ano na naman ito Ms. Miles, bagong kwento o continuation nung una?"

"Tungkol pa rin ba ito kay Ms. Indenial?"

"Please clue naman dyan!"

Nag smiley face sign lang si Miles.

Pero mukhang naiintindihan na nila ang kwento at alam na nilang si Kate ang tinutukoy nito.

Dahil sa bagong post ni Miles, napag tagni tagni nila na si Kate nga ang tinutukoy nyang si Ms. Indenial.

Hanggang sa event Hall pinaguusapan din ang tungkol sa kiss na nangyari sa canteen at sa post ni Miles.

At dahil sa Grade 11 na din si Kate, kasama din sya sa mga nagaayos ng venue.

Nadinig nya ang mga usap usapan pero deadma lang ito at hindi sila pinapansin. Busy sa ginagawa nyang pag de decor.

Yung mga kasama nya tuloy na Grade 11 ang naiilang sa presence nya.

"Bakit parang hindi sya apektado?"

"Ewan ko ang weird nga e nakakailang!"

"Huy! Anong pinaguusapan nyo?"

Tanong ni Kate sa kanila.

Nangiti ito at maaliwalas ang mukha. Hindi mo malaman kung walang alam o walang pakialam.

"Uhm! Wala Kate, yung tungkol lang sa post ni Miles!"

"Hahaha!"

"Oh, bakit ka natawa sa sinabi ko?"

"Very entertaining kasi yung kwento! Natawa ako! Hahaha!"

"Grabe ang weird naman nyan!" "Hindi ba nya alam na sya ang pinaguusapan natin?"

"Kala ko ba genius yan? Bakit hindi nya mahulaan na sya ang tinutukoy dun sa blind item!"

Pero ang hindi nila alam kanina pa sila lihim na inoobserbahan ni Kate kaya ito nangingiti.

"Eh Kate may date ka ba sa prom?"

"Yes!"

"Sino? Kilala ba namin?"

"A friend!"

"Ang tipid mo namang sumagot!"

"HAHAHAHAHA!"

*****

Kinabukasan.

Ready na ang lahat ng Juniors at Seniors sa JS Prom nila. Lalong lalo na ang grupo ni Miles.

"Kailangan nyong magkasabay sa entrance ni Jeremy para makita nilang ikaw talaga ang date nya!"

"Pero paano kung may dalang ka date si Jeremy?"

"Dun na papasok ang plan B "Eliminate"