Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 91 - Meron Akong Kwento

Chapter 91 - Meron Akong Kwento

Meron akong kwento, makinig kayo!

There is this one gurl that I know na napaka in denial! As in to the max ang pagiging in denial!

Kaya tawagin na lang natin sya sa nickname na "Ms. Indenial"!

Itong si Ms. Indenial as many of us knows na pa girly, girly kung kumilos ay may itinatago pa lang super secret!

Pag nasa harap sya ng maraming people super sa behave! Akala mo dalagang pilipina! Pero not all knows na pang front lang pala ni gurl yun dahil pagtalikod nya ay nagdurugo ang puso nya!

E, kasi naman, hindi nya maipakita sa eyes of everyone na hindi talaga sya girl at heart!

Yes! yun ang truth! Boyish si Ms. Indenial at hindi nya mailabas labas ito kahit hirap na hirap na ang kalooban nya, to the point na kung minsan nakikita ko sya kung paano tumingin sa kapwa nya girls.

May kasamang malisya!

Haay Ms. Indenial sana magpakatotoo ka na para hindi ka nahihirapan dyan!

You know, The truth will set you free!

Now, The who si Ms. Indenial?

Hmmm... Sikat sya sa school and more clue comming up!

~ Miles ~

Naguluhan ang mga nakabasa sa post ni Miles sa School Website.

"True ba ito o isang Puzzle game?"

"Baka way nila para mabawasan ang boredom nang sa ganun may mapagusapan tayo dito sa Site!"

Naguluhan din si Jeremy ng mabasa ito. Hindi nya tuloy alam kung papaano itong ihandle kaya tinanong nya si Kate which is his co admin sa Site.

Napakunot ang ulo ni Kate. Ito ang ayaw nya kay Jeremy takot syang basta basta magdesisyon.

"Jhay what is your real concern?"

"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko tungkol sa post!"

"Dun sa post o dun sa nagpost?"

Mukhang nasapol ni Kate.

Hindi maganda ang pakiramdam nya sa post dahil nagmula ito kay Miles.

He doesn't trust Miles kaya sure nyang pagmumulan ng hindi maganda ang post.

And true enough, pagka post pa lang ni Miles, dinagsa na agad ng comment ang post nya asking to name that girl.

Tuwang tuwa si Miles ng makita ito. Lahat ng atensyon nasa kanya at nagmamakaawa sa kanyang i reveal kung sino si Ms. Indenial.

"Oh Miles, mukhang masayang masaya ka ha!"

"Masyado ba akong obvious, hindi ko ba maitago sa face ko? Hahaha!"

"Oo parang naka plaster ang ngiti mo!"

"I didn't know that this will be a great revenge! So ... mischievous!"

***

"Anong gagawin natin ngayon Kate? Hindi ba parang unfair ito dun sa tinutukoy nya sa post?"

"Bakit kilala mo ba kung sino yung tinutukoy niya?"

"Hindi!"

"Yun naman pala e! Pag kilala mo na saka tayo magusap!"

"Kate ano ba be serious! Ikaw ang co admin ko dito kaya problem natin ito!"

"Yes I know! Pero alam mo ba kung bakit ibinigay sa'yo ni Ninang yan?"

Napaisip si Jeremy, hindi rin nya alam.

"Jhay you are a very responsible person at yan ang isa sa dahilan nya kaya ibinigay nya sa'yo yan! Kaya kung meron man dapat mag desisyon ikaw yun!"

Ibinigay nya ang Site sayo para matuto kang magdesisyon! Naniniwala si Ninang na kulang ka lang sa experience at kailangan mo lang ang field na mapapagpraktisan!"

"At ako ano sa palagay mo ang dahilan bakit nya ako ginawang co admin mo?"

"Para maging spy!"

"So kumalma ka lang dyan and let me do my work!"

*****

Dahil nag enjoy si Miles sa pinost nya, naisipan nyang mag post ulit ng isa pa.

The WHO nga ba ang identity ni Ms. Indenial? Hmmm...."

Iba syang tumingin!

Well just pay attention sa mga girls na nakakasalamuha nyo and you will find out!

(goosebumps)

~ Miles ~

Pam: "Teka Miles, slow down baka mahulaan agad nila, mawala na ang thrill!"

Lena: "Guys may itatanong ako sa inyo? Alam nyo ba ang background ni Kate?"

Brenda: "Ang alam ko sundalo ang father nya at nasa realty naman ang mother nya!"

Lena: You mean ahente ng lupa ang mother nya?"

Brenda: "Oo! Nung minsan kasi nadinig kasi ng Mama ko na may kausap ang Mommy ni Kate at puro price per square meter ang nadidinig nyang binabanngit nito!"

Ang tinutukoy ni Brenda ay nung minsan na may events sa school at umattend si Nadine at may kausap ito tungkol sa bibilhin nyang lupa para patayuan ng bagong branch ng coffee shop.

Pam: "So hindi sila rich as is in like us?"

Miles: "Nope I don't think so!"

Lena: "Kung di sila rich how can they afford yung tuition dito?"

Miles: "Hello? Scholar!"

Natahimik na si Lena.

Pam: "Bakit Lena?"

Lena: "Just asking! Naniniguro lang! Iba na ang nagiingat!"

"As we all knows, maliban kay Jeremy, si Miles lang naman ang pangalawa sa rich dito sa school!"

"So, who wants to cross her?"