"Sigurado ka?"
"Oo Miles, kaya nga walang boys na lumalapit dyan kay Kate!"
"Baka naman intimidated lang Ang mga boys dahil sobrang talino nito?"
"Remember Jason? Yung Senior na nanligaw sa kanya last year?
Sa kanya ko nadinig ang balitang yun!"
According to him, kaya daw sya hindi sinagot ni Kate dahil sabi ni Kate, hindi katulad nito ang type nya!
Mas gusto daw ni Kate ang girls!"
Ang hindi naiintindihan ni Lena, exaggerated ang ginawang dahilan ni Jason, dahil ayaw nyang malaman ng tao na nabasted sya ni Kate. Ayaw kasi ni Kate sa lalaking puro yabang at puro pride. Lalo na yung mga lalaking walang respeto sa babae.
Batid nyang kaya sya gustong gawing girlfriend nung Jason para iporma sa mga kaibigan nya at para may taga gawa sya ng assignments at projects!
At saka bata pa sya para isipin ang love na yan! Baka mapraning ang tatay nya hindi na sya palabasin ng bahay.
Totoong may pagka boyish si Kate dahil sa Daddy nya! Daddy's girl kasi! Isinasama lagi ng ama sa mga praktis nya. May alam din sya sa Martial Arts lalo na sa taekwondo kaya kung minsan astig kung kumilos ito. Parang lalaki.
"Imposible talaga na maging date sya ni Jeremy! Come on! I don't think Jeremy will date a tomboy like her! Right?!"
"Actually... mas napapansin ko nga na lagi syang nakadikit kay Eunice at Mel! Hindi kaya ..... type nya ang isa sa kanila!"
"Oww....! Baka nga!"
"Bagay sila nung unggoy na si Mel! Hehe!"
"HAHAHAHAHA!"
"Pero nabwisit nya ko!"
Biglang nagbago ang mood ni Miles ng maalala si Jeremy.
"Wala akong pakialam kung genius man sya o pride man sya ng school kailangan makaganti ako!"
"Anong gusto mong gawin natin para mawala ang inis mo?"
"Teka, may naisip ako!"
Nakangiting sabi ni Pam. Basta kalokohan sya ang laging may unang idea.
"Ano yun Pam?"
"Gawan natin ng kwento!"
"HUH???!!!"
"Blind item!"
"ANO?!"
"Gagawan natin ng kwento ang makikita nating ginagawa ni Kate! Pero ... hindi natin ilalagay ang true name nya at ng mga involve sa kwento! Syempre dun natin sisimulan ang kwento sa ginawa ni Kate tapos dudugtungan natin para masaya!"
"Bibigyan natin sila ng catchy na nicknames para nakakatawa ang dating at mag enjoy ang babasa, tapos sa huli magbibigay tayo ng clue kung sino yun!"
"Ang maganda nito, mabu bully natin sya ng hindi halata dahil hindi natin ilalagay ang pangalan nila!"
"Hmmm... nice Pam!"
*****
Pagkatapos ng lunch, nag paalam na si Rowena kay Alicia dahil tinawagan na ito ni Secretary Kim at pinababalik na sya ni Nicole sa office nya.
"Paano iha, I have to go! May interview pa ako! Wish me luck!"
"Sana po matanggap po kayo!"
"Salamat, salamat!"
At Hindi na nito napigilang akapin ang anak na lubos namang ikinagalak ng bata.
Makikita ang saya sa mood ni Alicia, abot hanggang tenga pa ang ngiti nito habang papunta sa CR.
Pagpasok nya ng CR nakasalubong nya si Eunice na palabas naman.
Napahinto silang dalawa ng makita nila ang isa't isa. Nalilito. Parehong hindi nila alam ang gagawin. Nagkakailangan.
Naisipan ni Eunice na tumuloy na lang sa paglabas pero biglang nagsalita si Alicia.
"Bakit mo binigay sa akin yung pic?"
"Lagi mo kasing iniisip na napakaswerte ko sa lahat ng bagay, kaya gusto ko lang ishare ang swerte ko para hindi mo na isipin na unfair ang life mo!"
Hindi nya inaasahan ang sagot ni Eunice.
Totoong inggit na inggit sya sa life ni Eunice. May mabait syang nanay na wala sya.
"Paano mo sya nakilala?"
"I guess by luck!"
Natahimik si Alicia.
Somehow naniniwala sya sa paliwanag ni Eunice.
Hindi sya sigurado kung ito nga ang totoong Mama nya pero aminado syang nabuhayan sya ng pagasa.
Muling nakakailang ang katahimikan.
Hanggang sa naisip ni Eunice na magpaalam na.
"Sige Alicia, una na ko!"
At humakbang na ito palabas.
"Uhm, Eunice!"
Lumingon si Eunice.
"Thanks!"
"Okey!"
At tuluyan na itong lumabas ng CR.
Hindi nya sigurado kung may posibilidad pang manumbalik ang friendship nila ni Alicia pero para sa kanya hindi na mahalaga iyon! Hindi naman iyon ang dahilan kaya nya pinahanap ang mother ni Alicia.
Pinahanap nya ang mother ni Alicia para mabawasan ang bitterness nito. Ayaw nyang masira ang life ni Alicia.
*****
Sa office ni Nicole.
So far naipasa mo lahat ng tests na pinakuha ko sa'yo!"
Tuwang tuwa si Rowena.
"Ibig bang sabihin, tanggap na ako?"
"Yun Ang problem! Hehe!"
"....."
"Kasi ang tottoo nyan, may bakante talaga ngayon dito, pero sa teacher! Lalo sa Math!"
Nalumo si Rowena at napansin sya ni Nicole.
"Kaya naisipan kong I HIRE KA!"
"Ha?!"
Sabi ko your hired!"