Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 89 - Tomboyish

Chapter 89 - Tomboyish

Kinakabahan si Alicia.

Ang babaeng tinitingnan lang nya sa picture ay nasa harapan na nya ngayon.

'Anong kayang ginagawa nya dito sa school ko?'

'Nalaman na kaya nya na ako ang tumawag sa kanya nung isang araw?'

'Nagsumbong kaya sya sa prinicipal?'

'Jusko! pag nalaman ni Daddy lagot na naman ako!'

Napansin ni Rowena ang takot sa mga mata ng bata.

'Nagpapanic sya! Baka akala nya galit ako sa kanya!'

Kumalma si Rowena.

"Iha bakit? May masakit ba sa'yo?"

Umiling ito.

"Sorry kung bigla akong lumitaw sa harapan mo, hindi ko sinasadya! Huwag kang matakot sa akin please!"

Naglilibot lang ako dito kasi may inaantay akong tawag!"

"Natakot ba kita, huh?"

"Hi..hindi po!"

"Haaay! Akala ko natakot kita!"

At ngumiti ito sa kanya kaya nangiti na rin si Alicia.

"Ano bang name mo iha?"

"Alicia po!"

"Alam mo may anak din ako at ang name nya din ay Alicia!"

"Talaga po?"

"Oo!"

"Na.. nasaan po ang anak nyo?"

Biglang lumungkot ang mukha ni Rowena at para itong maiiyak.

"Mm..may na..na..sa..bi po ba ako... Mam?"

"Wala iha! Nalungkot lang ako kasi hindi pa kami nagkikita ng anak ko! Inilayo kasi sya sa akin simula ng ipanganak ko sya! Hindi ko nga alam na Alicia ang name nya may nagsabi lang sa akin!"

"Po?!"

"Nagalala ka ba?"

Huwag kang magaalala dahil naniniwala ako na someday magkikita din kami ng anak ko!"

Napangiti si Alicia.

"Sana po makita nyo na at makasama ang anak nyo!"

"Sana nga!"

'Sana .... ako na lang yung nawawalang anak nya!'

"Teka saan ka nga pala pupunta?"

"Sa canteen po! Mag la lunch!"

"Pwede bang samahan kita? Hindi pa rin kasi ako nagla lunch!" Promise hindi ko kukunin ang baon mo!"

"Sige po!"

Masayang masaya silang nagpunta ng canteen.

Habang nagkukwentuhan sila Rowena at Alicia, nasa kabilang parte naman ng canteen si Eunice, lihim na natutuwa habang pinagmamasdan ang mag ina.

"Anong nginingiti mo dyan Sissy?"

Nagtatakang tanong ni Mel sa kanya. Habang nanghahaba naman ang leeg na tinitingnan ang direksyon ng mata nito.

"Wala masaya lang ako!"

Sa darating si Jeremy na natanaw ni Mel.

"Jeremy my friend!"

Sabay kaway dito para lumapit sa kanila.

Pero may humarang sa kanya kaya iniwasan nya at saka sya nag iba ng direksyon! Pero pag iwas nya may humarang ulit kaya umiwas ulit sya at nag iba ulit ng direksyon.

Kaya palayo na sya ng palayo kila Mel at Eunice.

Napansin sya ni Kate na kararating lang kaya nilapitan nya si Jeremy.

"Jhay!"

"O Kate, andyan ka na pala!"

"Ano bang nangyari sa'yo? Andun sila Mel at Eunie kaya bakit ka dito napunta?"

Napakamot na lang sa ulo si Jeremy ng mapansin kung gaano kalayo na sya sa dalawa.

"Bakit ka ba ganyan Jhay? Bakit hinahayaan mo na lang na ipush ka ng ipush ng iba?"

"Bakit hindi mo panindigan ang gusto mo? Kailangan mong magdesisyon para sa sarili mo para hindi ka nakokontrol ng iba!"

"Be the man Jhay! Kung gusto mong lumapit kay Eunice lapitan mo!"

At kung may humarang sa daraanan mo huwag kang magiba ng direksyon, hayaan mo silang umalis at sila ang lumihis! Bakit kailangan mong magiba ng direksyon? Kita mo, sa kakaiwas mo lalo kang palayo ng palayo sa kanila!"

Kung lagi kang ganyan Jhay, sa huli hindi mo na mapapansin pero wala na sa paningin mo si Eunice!" Gusto mo ba yun!"

"Ni hindi mo man lang nakita na sinasadya ng mga humaharang sa'yo ang ginagawa nila para kusa kang lumayo at lumapit dun!"

Sabay nguso ni Kate kay Miles.

Dumilim naman ang paningin ni Jeremy ng makita ang tinutukoy ni Kate at umiwas na ito ng tingin para hanapin si Eunice at Mel pero wala na ang mga ito sa pwesto nila naglalakad papalapit na sa kanila ni Kate.

"Jeremy my friend, ano bang ginagawa nyo dyan at nakatayo lang kayo? Hindi ba kayo nagugutom?"

Tanong ni Mel.

"Bakit kayo tumayo?"

Tanong ni Jeremy.

"Pinatayo na kami ng mga Grade 9 at kanina pa daw kami nakaupo, wala naman daw kaming ginagawa! Wala na raw silang mapwestuhan!"

"Buti pa let's go out! Mas masarap kumain dun!"

Aya ni Kate.

"Okey sige dami naman itong ipinabaon ni Mommy!"

Sabi ni Eunice.

Nabwisit naman si Miles at ang grupo nya.

Lena: "Kainis! Malapit na e, konti na lang!"

Miles: "Kung hindi lang dumating ang Kate na yan, malapit na sana dito si Jeremy!"

"Nagkaron na sana kami ng moment together na makikita ng lahat! Hmp!"

Brenda: "Bwisit! Bwisit talaga!"

Ang ganda na ng plano natin eh!"

Pam: "Tapatin nyo nga ako, me something ba si Jeremy at Kate?"

Lena: "Bakit mo naman natanong yan?"

Pam: "Hindi kaya sya ang tinutukoy na ka date ni Jeremy sa prom?"

Brenda: "Pam, parang imposible yang sinasabi mo! Tanong mo kay Lena!"

Pam: "Bakit naman?"

Lena: "Ewan ko ha, pero may nadinig ako na may pagka tomboyish yang si Kate dimo ba napapansin?"

Related Books

Popular novel hashtag