Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 88 - Lahat Gagawin

Chapter 88 - Lahat Gagawin

"Halah! Anong ginawa mo!"

Tanong ni Mel kay Kate

"Bakit lalo syang binash?!"

"Hehe! Slip of the toungue! Ay slip of the fingers pala!"

"Bakit ayaw mo bang malaman nila na ikaw ang date ni Jeremy my friend?"

"Hindi naman sa ayaw, ayaw ko lang mag huramentado ang tatay ko lalo na ang Lolo ko!"

Mel: "???"

"Baka kasi isipin ng mga yun may something kami ni Jeremy!"

Napabalikwas si Eunice.

"May something kayo ni Jeremy?"

"Eunice lumapit ka nga dito!"

Pagkalapit ni Eunice pinitik nya ito sa noo.

"Aray!"

Sabay hipo sa noo nyang nasaktan

"Hindi ko type si Jeremy! Kaya huwag mo akong pagselosan!"

"Parang ikaw lang ata Sister Kate ang girl na nakilala ko na hindi type si Jeremy my friend!"

"Wala kasi akong hilig sa tuod!"

"Huh?!"

"Boring kasi si Jeremy na may pagka pushover pa kaya ayan napagtritripan ni Miles!"

"Imagine 6 years na pala sila wala pa rin siyang alam!"

"Mas kailangan ni Jeremy sa life nya ang malakas ang personality katulad ni Eunice parang maging balanse sila!"

"Ate Kate, ano bang type mo sa isang guy?"

Tanong ni Eunice sa pinsan

Gusto ko yung kayang humarap sa tatay ko at Lolo ko!"

"Ayoko ng boring mas gusto ko yung masayahin! Yung mapapatawa ako!"

"Parang si Mel!"

Namutla si Mel ng madinig ang pangalan nya

"Huwag po Ate, huwag po! Bata pa po ako!"

"Saka aminado akong duwag po ako, Hindi ko kayang harapin ang tatay mo at ang Lolo Mo!"

Humagalpak sa katatawa si Kate.

*****

Sa kampo ni Miles.

"Guys hindi nyo ba napansin yung comment ni Eunice? Alam nyang may date si Jeremy!"

"Napansin ko nga din mukhang may alam sya at mukhang kilala nya!"

Kinabahan silang lahat.

"Anong gagawin natin? Paano natin malalaman kung sino ang ka date ni Jeremy?"

"Teka, huwag kayong kabahan!"

"Kung sino man ang date nya pag inanounce na ang King and Queen wala din naman magagawa si Jeremy kundi iwan ang date nya at umakyat ng stage sa tabi mo Miles!"

"Ready na ba ang lahat? Yung gamot nabili nyo na ba?"

"Oo Miles nabili ko na!"

Ang hirap pa lang bilhin ang gamot na yan!"

"Para san ba yang gamot na yan?"

"Pampagana daw! Magiging mainit daw ang isang lalaki kapag nainom nya ito!" Ihahalo natin sa wine na iinumin ni Jeremy!"

Pagka announce kasi ng winner sa King and Queen of the night, mag to toast sila. At dun sila kukuha ng pagkakataon na ma drug si Jeremy.

"Pero sabi sa akin ng binilhan ko mabilis daw ang talab kaya pag inom kailangan madala na natin agad dun sa room na hinanda natin!"

"Ready ka na ba talaga Miles.. alam mo na ibig kong sabihin!"

"Oo ready na akong ibigay ang sarili ko kay Jeremy!"

At nakaramdam sya ng excitement habang iniisip ang plano nila.

*****

Sa principal's office.

Nagtataka si Nicole kung bakit nakipag appointment itong babaeng kausap nya ngayon.

Kilala nya ito, sya ang tunay na ina ni Alicia.

'Ano kayang kailangan nito?'

'Sasabihin ko bang kilala ko sya dahil pina imbestigahan sya ng asawa ko kasi ni request ng anak naming si Eunice?'

Ms. Rowena Castillanez, pwede ko bang malaman kung bakit gusto mo akong makausap?"

"Mam, nagbabakasakali lang po kung may bakante kayo! Kahit po anong trabaho tatanggapin ko!"

"So nag aaply ka?"

"Yes po at ito po ang resume ko!"

Binuksan nya ang folder na naglalaman ng resume nya at nagulat sya dahil kulang ang laman nito! Nabasa na kasi nya ang impormasyon tungkol sa babaeng ito lalo na sa career nya.

Gusto nyang mag react pero pinigilan nya ang sarili. Baka pag nagtanong sya bumalik sa akin ang tanong.

'Kaya sasakyan ko na lang!'

"Impressive ang resume mo! May experience ka na ba? Lalo na sa computer!"

"Meron naman po ng konti!"

'Konti? Anong konting pinagsasabi nito e karamihan sa mga SPA sa Zurgau sya ang may hawak!'

'Pero bakit nya kaya ginagawa ito?'

"Okey sige ganito na lang, susubukan muna namin ikaw! Pag naging okey saka tayo magusap!"

"In the meantime maglibot ka muna para maging familiar ka sa lugar. Tatawagin ka namin pagdating ng magiinterview sayo!"

"Talaga po? Pwede akong maglibot?"

"Yes!"

"Salamat po!"

At tumayo na ito at umalis.

'Tsk tsk tsk! Lahat nga naman gagawin ng ina para sa pinakamamahal na anak!'

Paglabas ni Rowena ang una nyang hinanap ay ang room ng anak. Mag aalas dose na kaya gusto nyang makita ito at magkasabay sa lunch.

"Ayun si Alicia! Pero anong gagawin ko ? Baka matakot!"

Napansin sya ni Alicia.

"Anong ginagawa nya rito?!"

Related Books

Popular novel hashtag