Alas tres ng madaling araw, nasa bahay sila lahat ni Nadine at sinusubukan nilang pasukin ang school website.
"Ames, ikaw ang admin nitong Site kaya paanong napunta sa teacher na yun ang pagiging admin at naitsapwera ka?"
Tanong ni Edmund.
"It's because I trusted him kaya binigyan ko sya ng access sa site!"
"You trust him and in the end hindi pa rin nya maibigay ang loyalty nya sa'yo!"
"Well, what can I say, loyalty are cheap now!"
"At least nakikilala na natin unti unti kung sino ang loyal sa'yo Ames!"
"Bakit ba hindi mo na lang hingin ang website ng maayos, Nicole? Ikaw na naman ang principal e, you can easily demand it!"
Tanong ni Nadine.
"Kasi po my dear Ate, naka block po ako sa School Website namin!"
"Ganun ba! Don't worry my dear Sister, nagawa ko ng makapasok! Let's finish this!"
Samantala, habang inaayos nila ang website busy naman sa pag babasa si Kate sa mga comments.
Hindi na rin nya magawang bumalik sa pagtulog dahil na excite sya sa ginagawa nila.
"You said "nadinig mo sila" Sino yung SILA? Can you name them?"
Nagulat si Yna ng mabasa ang comment ni Kate.
'Bakit nya ako tinatanong? Hindi ba sya natatakot na pangalanan ko sya? Madidikit ang name nya kay Eunice at tyak masisira sya sa buong school!'
"Kate kayo ba ni Mel at Jeremy ang tinutukoy ni Yna na nadinig nyang naguusap?"
Tanong ni Nicole
"Diko po sure Ninang! Nagpunta kami sa likod para walang makadinig sa amin, pero si Nick lang po ang napansin ko dun hindi ko po nakita si Yna!"
"So paano nya nalaman ang tungkol sa kodigo?"
"May possibility na andun din sya! Mukhang sya yung bagong girlfriend ni Nick!"
"Kadalasan po kasi na nagpupunta dun may secret na ginagawa!"
"Huh?"
"Yes po Ninang, mas makakabuting mag lagay kayo ng CCTV dun!"
"Buti sinabi mo!"
"Close ba kayo nung Nick?"
"Minsan ko po kasi syang natulungan sa isang project nya! Bakit po?"
"Sa tingin mo ba dapat akong mag worried sa dalawang yan?"
"Kay Nick sure po ako okey sya! Ayaw nun sa mga bullies! Pero si Yna, diko po sure! Parang buong klase nya may topak!"
"Okey we are done! We can go back to sleep!"
"And Sister, yung promise mo huwag mong kalilimutan.
Sigaw ni Nadine.
"May full access na kayong dalawa natanggal ko na rin yung mga asungot sa website at nalagyan na ni Nadine ng bagong firewall security ang site!"
Buong pagmamayabang ni Edmund.
"WOW! Ang ganda ng bagong Site!"
Bulalas ni Nicole.
Nagawa nyo ito ng ganun kabilis?"
Ang galing nyo talaga! Salamat!"
Sabay akap sa dalawa.
"Nicole, sa ngayon, sa'yo ko muna ipaauubaya ang Site! Saka na natin poproblemahin ang susunod!"
"Grabe! Tinanggal mo talaga lahat ng asungot! Walang natirang teacher kahit isa!"
Gulat na sabi ni Nicole.
"At hindi lang pala teacher pati lahat ng staff! Mga students lang ang natira!"
Edmund: "Hehe!"
"Yan ang naglilinis, suyod lahat!"
*****
Kinabukasan, nagulat si Teacher Orly dahil naka block na sya site.
Tinawagan nya si Teacher Max na kasalukuyang umuwi ng probinsya nila para dalawin ang ina.
"Max, bakit mo ako blinock sa School Website?"
"Teacher Orly nasa province ako kaya hindi ko alam ang sinasabi mo! Sa Tuesday pa ang balik ko!"
"Kung ganun, papaano ako na block sa Site?"
Sumasakit ang ulo ni Teacher Max sa maagang pangiistorbo ni Teacher Orly. Maaga pa at gusto pa nyang matulog.
"Che check-in ko na lang muna. Wait ka lang dahil need ko pang humanap ng internet cafe! Hindi pwede sa phone ko dahil mahina ang signal dito!"
At pinatay na nito ang phone at muling bumalik sa pagtulog.
9 am na sya nagising at nag breakfast pa sya kaya tanghali na nya naalala ang tungkol sa sinabi ni Teacher Orly.
Naghanap sya ng internet cafe at doon nya sinubukan buksan ang site. Kanina pa nya sinusubukan sa phone nya pero access denied ang lumalabas.
"Sobrang hina siguro ng net!"
Pero ng subukan nyang mag login sa School Website, access denied pa rin!
'Bakit ganun, anong nangyayari?"
Inopen nya ang email nya at dun nya nakita ang message ni Ames sa kanya.
I NEED YOU TO REPORT TO ME ASAP RE: SCHOOL WEBSITE!
Kinabahan si Teacher Max.
'Anong nagawa ko?'
*****
Linggo ngayon, Family day!
Nagpunta sila sa beach ng buong family dahil sa pangungulit ni Nadine.
Ito ang kabayaran ni Nicole sa ginawa nitong pabor kagabi.
Pero ang ipinagtataka ni Edmund e bakit pag bayaran, bakit sya ang nagbayad.
"Andaya mo Hon! Akala ko ba treat mo 'to?"
"Treat ko nga!"
"E bakit ako ang nagbabayad? Nagtrabaho din naman ako kagabi ah!"
"Honey my love, diba sabi mo ang pera mo ay pera ko! Kaya sa'yo ako humihingi!"
Edmund: "...."
Si Eunice, alam na rin nya ang tungkol sa post ni Yna sa School Website dahil kay Mel. Naikwento na rin ni Kate sa kanya ang nangyari kagabi kaya mas minabuti ni Eunice na huwag na lang munang mag open ng gadget.
Hindi pa nya tapos namnamin ang nangyari sa kanila ni Jeremy kahapon. Ayaw nya muna ng nega.
Pag uwi nila, saka lang nya naisipan buksan ang Site dahil nagkaroon ito ng interes ng sabihin ni Kate na ang Daddy Edmund nya at si Tita Nadine ang gumawa ng bagong Site.
At syempre nabasa nya ang post ni Yna at sumagot sya.
UNFAIR?
AND WHO'S FAULT IT IS?
DEFINITELY NOT MINE!