Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 79 - Too Lazy To Explain

Chapter 79 - Too Lazy To Explain

UNFAIR?

AND WHO'S FAULT IT IS?

DEFINITELY NOT MINE!

Hindi maintindihan ni Eunice pero feeling nya, gusto nyang manapak pagkabasa nya ng post ni Yna.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga nakabasa sa post ni Eunice.

"Aba aba aba! Loko 'to! E kanino pa kayang fault yan, sa kapitbahay nyo?"

"Definitely sa'yo! Isa kang malaking sumpa!"

Gigil na gigil ang isang student ng Grade 10 na kanina pa nagbabasa ng mga comments ng iba nyang schoolmates sa post ni Yna kagabi.

Hindi pa na de delete ni Nicole ang post ni Yna kagabi. Nakalimutan nya. Kaya marami pa ring nakabasa.

At ngayon nakita ng Grade 10 student ang post ni Eunice at batid niyang patungkol ito sa post ni Yna.

Nagpupuyos ang damdamin nya ng mabasa ang post ni Eunice kaya sya napasagot.

"How sure are you?" You weren't there! Hindi mo alam kung ano talaga ang nangyari!"

~Eunice

Napikon ang sinagot ni Eunice pati na ang mga nakakabasa ng sagot nya. Napahiya kasi yung student na sumagot at pati na rin sila na nag "jump into conclusion"

Gusto ring sumagot ng iba pero anong sasabihin nila? Totoo naman kasi ang sinabi ni Eunice.

Nagulat si Mel ng makita ang post ni Eunice.

'Huh? Anong nangyari kay Sissy? Meron ba sya? Ang tapang eh!'

'Dati kalma kalma lang ito ngayon, lumulusob mag isa!'

"Oonga naman mga judgemental, wala nga naman kayo dun, hindi nyo alam ang buong kwento!"

"Ngawa kasi agad ng ngawa hindi muna magtanong o magimbististiga!"

~Mel

Lalo silang nag init sa sagot ni Mel.

"Ang yabang nyo naman sumagot!"

"MAYABANG? SINO? KAMI?"

"Hahaha!

Wala ka na bang maisagot kaya ng supalpalin ka ng katotohanan yan na lang ang kaya mong sabihin?!"

"Huwag kasi kayong basta basta nagbibintang ng walang basehan kung ayaw nyo na napapahiya!"

~Mel

"Hoy unggoy, ang yabang mo!"

"Ang ibig mo bang sabihin nagsisinungaling si Yna at gawa gawa lang nya ang mga kwento nya?"

Nangiti si Eunice.

'This people are a waste of my time! Nakakatamad silang kausap! Mas masarap pang matulog! Hehe!'

"Well, I guess you should ask Yna!"

~Eunice

"Asus ke yayabang! Kung maka asta kayo kala nyo kung sino kayong magaling hindi rin pala kayang patunayan ang sinasabi nila!"

~~~

"Who says na hindi ko kayang patunayan? I'm just too lazy to explain!"

~Eunice

At inupload nya ang video na nirequest nya sa mall.

"Haaay! I'm so tired!

Sige... Goodnight everyone!

Happy viewing!"

~Eunice

"Hahaha!"

"Oh, anong masasabi nyo ngayon? ngawa pa more! Lalo na yung mga involve, pa victim pa more!"

Pangiinis ni Mel.

"Balita ko nga dahil sa ginawa nila na yan nagalit ang management at naka ban sila lahat na involve!"

"... and that's a fact na fact hindi haka haka lang ng mga walang alam at walang magawa!"

"Sige goodnight na rin me!"

~Mel

Nakarating kay Yna ang post ni Eunice. Kaya nag post sya ulit ng panibago.

ANO BANG KASALANAN KO SA'YO EUNICE?

BAKIT MO AKO IDINIDIIN NG GANITO? HUHUHU!

Awang awa sila sa post ni Yna.

Dumagsa ang simpatya sa kanya lalo na ang mga napahiya sa post ni Eunice.

"Huwag kang magaalala Yna, naniniwala kami sa'yo!"

"Sobra na talaga ang Eunice na yan ang kapal ng mukha!"

"Ehem!"

Makasabat nga!"

~Kate

Nagulat sila ng makitang nag comment si Kate. Never pa kasi itong nag comment sa Site kaya hindi nila maisawan mag taka kung bakit ito biglang nagparamdam.

Kilalang genius sa buong campus si Kate at lahat ay malaki ang respeto dito dahil sa karangalang ibinibigay nito sa school, kaya lahat tumahimik nagaantay sa sasabihin nyang feeling nila ay "words of wisdom"

"Yna, your not the victim here kaya stop acting like one!"

(rolled eyes)

"True naman na dapat hindi ka involve sa nangyari sa Mall KUNG SANA HINDI KA BUMALIK!"

"Hindi ba after your date, you went home na with your boyfriend bago mag 5pm! Kaya anong ginagawa mo sa Mall ng 7 pm?"

"Does your boyfriend knows what you did? Tsk tsk tsk!"

"If I were you Yna I shut up na!"

Kinabahan si Yna! Nakalimutan nya ang tungkol kay Nick.

'OMG! Pano kung nabasa nya?'

'Lagot ako, malalaman nya na bumalik ako para sa mga friends ko!'

And true enough hindi nga nagustuhan ni Nick ang ginawa ni Yna. Nag message ito sa kanya.

[Let's break up! Tutal hindi ka naman nakikinig sa akin at mas gusto mong samahan ang mga friends mong bullies kagaya mo!

Pagod na ko sa kakapaliwanag sayo na mga bad influence sila!]

"Hindi! Bakit nangyayari sa akin ito? Huhuhu!"

Tinawagan nya si Nick pero nakapatay na ang phone nito.

"Bwisit kasi na Eunice yan bakit kailangan nya kasing iupload yung video?!"

"Kung hindi nya yun inupload hindi yun makikita ni Nick hindi nya malalaman na andun ako na bumalik ako!"

"Walanghiya ka Eunice pag tuluyang nagalit sa akin si Nick, humanda ka GAGANTIHAN KITA!"