Marami tuloy ang biglang na curious. Lalo na at ang karamihan ay walang alam sa nangyari kahapon at sa Mall.
Hati ang interes ng mga nakakabasa ng post ni Yna.
Yung mga students ay nagkaroon ng interes sa kodigo at ang mga teacher naman ay yung nangyari sa Mall. Alam na nila ang totong nangyari sa kodigo kaya gusto nilang malaman ang nangyari sa Mall, lalo na si Teacher Orly and his company.
Kailangan nilang makagawa ng paraan para makausap si Yna.
"May nangyari na hindi natin ALAM?!"
"SPILL naman dyan! please!"
Napuno ng pangungulit ang mga comments. Lahat makikita mo na hindi naman sila concern kay Yna kundi sa sinabi nitong pasabog.
"Dun ako interested sa kodigo! True ba ito?"
Sabat ng isang student.
"Hirap na hirap tayong magreview sa exams tapos sya mangongodiko lang!"
"Oonga spill na yan para magkaalaman na!"
"Kinakabahan kasi ako e, baka mapaginitan ako!"
Nagdadalwang isip nyang tugon. Worried kasi sya dahil baka magalit ang boyfriend nyang si Nick sa kanya. Nangako kasi syang hindi makikialam sa nadinig nila.
"Ano ba yan! Magsasalita ka tapos bibitinin mo kami!"
"Asus, ngayon ka pa kinabahan e sinabi mo na! We want details!"
"Oonga naman gurl, you want our attention now spill!"
Wala ng nagawa si Yna kundi ang sabihin ang alam nya. Totoo namang naghahanap sya ng atensyong dahil gusto nyang makakuha ng sympathy sa tingin nyang unfair na nangyari sa kanya sa araw na ito.
Pero hindi nya akalaing imbis na makakuha ng sympathy ang nakuha nya at mga chismoso at chismosang interersado lang sa pangongodiko ni Eunice. Nainis lalo sya, kaya ikinuwento na nya.
"Nadinig ko lang kasi silang naguusap nung Friday, tungkol sa mga nagreklamong teacher dahil sa nahuli nilang pangongodiko nung girl sa exams! At ang dinig ko sa usapan nila ay hindi lang isang beses nahuli yung girl kundi sa lahat na ata ng exams nabanggit!"
Lalo silang naging maingay at dumagsa lahat sa website at chatroom.
"ANO?!"
"Grabe naman yan! Paano naging star section yan?"
"Baka nabayaran! Lamo na!"
"Haaist! Anong nangyayari sa school natin?!"
Sa isang banda, tuwang tuwa naman si Teacher Orly at mga alipores nya sa nababasa nila.
Hinayaan nilang magingay ang mga bata sa School Website wala sino man ang sumuway dahil isa sa alipores ni Teacher Orly ang may hawak ng website.
Pero kahit anong gawin nilang ingay sa School Website, walang pakialam si Eunice dahil napagod sya at nakatulog agad.
Kinabukasan, nagulat si Nicole sa tawag ni Secretary Kim.
"Jusmiyo naman Secretary Kim, ang aga pa ha, hindi pa tumitilaok ang mga manok!"
"Sorry Mam, pero kailangan nyong basahin ang School Website!"
"Anong meron at hindi pwedeng ipagpabukas?"
"Nagkakagulo sila dun dahil may nagkalat sa pangongodiko!"
"Secretary Kim, sino bang admin ng School Website natin? Bakit hindi nya inaayos ang mga rules and regulations?"
"Naka public ang Website natin! Bat ganun?"
"Si Teacher Max po, Teacher sa Computer!"
"Okey sige ako ng bahala dito!"
Tinawagan nya si Nadine.
"Ate Nadine kailangan ko ng help mo! Please wake up!"
"Bwisit ka Nicole, katutulog ko lang!"
"Emergency 'to Ate please! Pupunta ko dyan!"
"Haaay kahit kailan ang kulit mo!"
DING!
"Grabe ang bilis nya!"
Sunod sunod ang doorbell ni Nicole kaya nagising ang lahat.
Pikon na si Nadine pero wala syang magawa. Hindi sya tatantanan ng kapatid nyang ito.
"Ma! Sino po yun?"
Pupungas pungas na tanong ni Kate.
"Go back to sleep! Si Tita Ninang mo lang yun!"
Pero hindi na ulit nakabalik sa tulog si Kate kaya sumunod na rin itong bumaba sa ina.
"Nicole ano ba? Ang kulit mo! Isang doorbell lang! Para kang bata!"
"Sorry Ate may emergency eh!"
"Ano ba yang emergency mo at hindi mo na lang sinabi sa phone!"
Ipinakita ni Nicole ang website ng school.
"Kailangan kong magkaroon ng access sa School Website!"
"You mean gusto mong I hack ko yan at ilipat sa account mo?
"Yes!"
Hindi ako nag ha hack! Baliw ka ba! Saka bakit ako ang una mong tinawag hindi ang asawa mo o si Ames?"
"Dahil ikaw ang una kong naiisip pag may emergency!"
(puppy eyes)
Humupa ang inis ni Nadine. Na touch sya sa sinabi ng kapatid.
Kinuha ang laptop sa kapatid.
"Sige na tawagan mo na si Ames at Edmund, kailangan malaman din nila ang nangyayari!"
"Huh?"
"Ang lagay e ako lang ang iistorbohin mo at gigisingin mo!"
Nagulat si Edmund ng tawagan sya ni Nicole sa cellphone.
"Asan ka?! Bakit wala ka sa tabi ko?!"
"Uhm! May emergency kaya nagpunta ako kay Ate Nadine! Sunod ka here please! I need you Hon!"