Sa isang madilim na silid may isang batang babaeng umiiyak na nakadapa sa kama.
Isa sya sa mga batang dinala sa opisina ng Mall dahil sa ginawang panggugulo kila Jeremy at Eunice kanina.
Sya si Yna. Grade 9 student sa Ames Academy.
Kanina nasa Mall sya dahil may date sila ng boyfriend nya. Si Nick, Grade 10 student sa Ames Academy.
Monthsary nila ngayon kaya may date sila.
Sila ang unang nakakitang magkasama kila Jeremy at Eunice sa Mall at si Yna ang nag post sa chatroom nila at nagshare ng mga pics ng dalawa na super sweet na magkasama at naglalakad sa Mall.
Sila din dalawang magjowa ang nakarinig kila Mel, Kate at Jeremy ng naguusap ang tatlo sa likod ng school tungkol sa pangongodiko ni Eunice.
Hindi nila iyon sinasadyang marinig. Sila ang nauna dun sa lugar. Yun kasi ang sikretong tagpuan nila ng boyfriend nya. Secret kasi ang relasyon nila dahil hindi pa sya pwedeng mag boyfriend.
Gusto nyang sabihin sa mga friends nya ang narinig nila pero pinagbawalan sya ni Nick at sinabing huwag syang makikialam kay Eunice dahil baka mapahamak sya sa pakikialam nya.
At ngayon napahamak nga sya!
Hindi nya akalain ng dahil sa pag post nya mauuwi sa ganito ang lahat.
Pinagsabihan na sya kanina ni Nick na hayaan na lang niya ang dalawa, dahil kagaya nila inienjoy lang naman din nila ang bawat moment nila together.
Pero matigas ang ulo nya, ipinost pa din nya sa chatroom nila na magkasama ang dalawa sa Mall, nagde date! Kaya ayun, naglusuban tuloy ang mga classmates nya sa Mall at ginulo ang nanahimik na moment nila Jeremy at Eunice.
Hindi talaga sya kasama sa mga nanggulo dahil umuwi na sila ni Nick bago pa mag 5 pm para hindi sila mahuli ng mga parents nila.
Hindi kasi sila parehong nagpaalam na pupunta sa Mall at hindi rin alam ng parents nilang dalawa ang ginagawa nila.
Kaso, hindi pa sya nakakarating ng bahay ng makita nya sa chatroom nila na kinakailangan daw mapag hiwalay ang dalawa no matter what! At sila lang daw ang pwedeng asahan ni Miles ngayon. Kaya ang mga hitad nagpa kitang gilas, lusob agad!
Naisipan nya tuloy bumalik ng Mall para makiusyoso.
Pagbalik nya sa Mall nakita na nya na nagsisimula na ang "operation paghiwalayin" sa dalawa.
At nakisali sya bilang suport.
Hindi sya kabilang sa mga lumapit kila Jeremy at Eunice pero isa sya sa mga nag che cheer at sya ang may pinaka malakas ang boses sa kanila. Dinig na dinig ang boses nya na sumisigaw ng "GO CLASSMATES!" sa mga palusob na kaklase.
Kaya ng tingnan ng security ang video, imposibleng hindi sya mapasama sa mga dinampot at dinala sa office.
Masamang masama ang loob nya. Feeling nya napaka unfair ng nangyari sa kanya!
Nung tanghali pa lang masayang masaya silang dalawa ni Nick na pinagsasaluhan ang simpleng Monthsary nila!
Ngunit bago matapos ang araw ay mauuwi lang pala ang saya na yun sa pagiyak nya.
Wala naman syang ginagawang masama kaya bakit sya idinamay!
'Napaka sama nila!'
'Huhuhu!'
Umiiyak sya, masamang masama ang loob at masakit din ang katawan nya.
"Huhuhu! Wala naman akong kasalanan eh! Bakit ganun?"
"Huhuhu!"
"Wala akong kasalanan! Wala!"
"Sila ang may kasalanan! dahil idinamay nila ako! Sila!
Lalo na ang Eunice na yun!"
"Humanda kayo sa akin, lalo ka na Eunice!"
Kaya sa inis nya nagsulat sya at pinost ang sama ng loob sa school website ng AMES ACADEMY.
~~~
°LIFE IS UNFAIR!
°Nakikiusyoso lang naman ako bakit pati ako idinamay mo?
°Sana inaalam nyo muna ang totoo hindi yung turo lang kayo ng turo!
°Ano bang kasalan ko sa inyo hindi ko naman kayo pinakikialamang dalawa!
°Nananahimik lang ako at never kitang binash! Kaya hindi ako makapaniwala na pati ako idadamay mo!"
°Sinira mo pati pagtitiwala ng mga magulang ko sa akin!
°Ano bang naging atraso ko sayo? °Nung nahuli ka namang nangongodiko hindi ko naman pinagkalat, ah! Kaya bakit mo ako idinamay?!
°Nakakainis ka!
°Masamang masama ang loob ko sa'yo!
(Insert sad face and crying face)
~~~~~
Nabuhay na naman mga school website.
Dumagsa ang ususero at ususera sa School Website. Nakikisimpatya kahit hindi nila alam kung ano ba talaga ang nangyari.
"Sino ba ang tinutukoy mo Yna? Magsalita ka huwag kang matakot!"
"Ang sama naman nyan idinamay ka!"
"Baka may malaking inggit sayo Yna!"
"Sino ba sya? Kilala ba namin!"
"Secret!"
"Hmn! Secret ka pa dyan eh obvious naman kung sino ang tinutukoy mo!"
"Si Eunice anoh!"