"Teka, bakit may mga pulis?"
"Sir/Mam hindi ho kasi namin makontrol ang mga anak nyo kaya humingi kami ng tulong sa kanila!"
"Simpleng panggugulo lang naman ang ginawa ng mga bata bakit kailangan ng pulis?"
"Sir, sinadya pong saktan ng mga bata yung dalawang customer! Kitang kita naman po ang mga ginawa nila, paulit ulit po silang nag attempt na paghiwalayin ang dalawang customer na namamasyal lang dito sa Mall!"
"At ng tanungin sila kung bakit nila ginawa yun, ayon sa mga bata kailangan daw nilang paghiwalayin yung dalawa dahil hindi sila bagay! Hindi sila DAPAT magkasama!"
"Nagwawala ho sila at ayaw makinig sa paliwanag!"
"Kaya yung customer napilayan po at nabugbog ang balakang sa malakas na pagkakatulak nila! Kita nyo naman kung gaano kalakas pagkaka tulak sa kanya!"
Ito ang inereport ng bodyguard ni Eunice kaya ito ang alam nila.
Ang totoo na sprain si Eunice sa wrist at may pasa ang bewang nya. Pero maayos na ito kaya hindi na nagreklamo.
"ANO?!"
Galit na galit na sabi ng mga magulang ng bata. Hindi nila akalain na magagawa ng mga anak nila ang ganung bagay pero kitang kita nila sa video.
"Sir/Mam, ng dalhin namin ang mga bata dito ayaw nilang tumigil at gustong bumalik sa taas dahil kailangan daw nilang tapusin Ang misyon nila at yun ay ang paghiwalayin ang dalawa! Hindi daw dapat matuloy ang date ng dalawa! Para ho silang mga na poposess kaya humingi na kami ng tulong sa mga pulis!"
Hindi na maipinta ang mukha ng mga magulang ng bata, masama na ang tingin nila sa mga anak nila. Alam na ng mga bata kung ano ang mangyayari sa kanila pag dating ng bahay.
"Mga Sir/Mam, sana po pangaralan nyo ang mga anak nyo! Hindi po tamang nakikialam sila sa gusto ng ibang tao dahil lang sa ayaw nila! Hindi ho tama na kontrolin nila ang kaligayahan ng iba dahil lang sa tingin nila hindi DAPAT!"
"May sarili pong pagiisip ang bawat isa kaya wala ho silang karapatang makialam dahil lang sa ayaw nila.
"Kailangan nyo ho silang turuan rumespeto sa personal na buhay ng iba! Wala hong sino man ang may karapatang makialam sa buhay ng may buhay lalo na't hindi nyo naman kamaganak ang taong iyon at hindi kayo close!"
Namumula ang mga magulang ng mga bata sa kahihiyan habang ang mga bata naman ay tahimik lang. Dahil ngayong andito na ang mga magulang nila, nakakaramdam na sila ng takot pero hindi pa rin nila naintindihan na mali ang ginawa nila.
*****
Gabi na ng lumabas ng sinehan ang apat. Wala na ang mga asungot na susunod sunod at nanggugulo sa kanila kanina.
Inihatid muna nila si Mel bago sila inihatid ni Jeremy.
Pagdating sa bahay nila Eunice, malayo pa lang kitang kita ng nagaabang sa labas ng bahay si Daddy Edmund.
"Bakit ngayon lang kayo!"
Singhal nya agad pero ang mga mata ay matalim na nakatingin kay Jeremy.
Sa totoo lang alam na ni Edmund ang nangyari sa kanila. Naireport na sa kanila ng mga secret bodyguard ni Eunice.
Pero naiirita lang talaga sya sa pagmumukha ni Jeremy.
'Kami dapat ng Baby ko ang may date ngayon tapos itong mokong na 'to ang naging date nya?! Hmp! Kainis!'
"Sir, pasensya na po kung ginabi, hinatid pa po kasi muna namin si Mel!"
"Bakit hindi ka man lang tumawag o nag text? Wala ka bang load?"
"Sorry po Sir, hindi ko po naisip yun!"
"Ninong gabi na po, inaantay na po ako ni Mommy!"
"Oy ikaw! Ano pang tinatanga tanga mo dyan! Narinig mong sinabi ni Kate? Ano pa hinihintay mo, PASKO?!"
Singhal ni Edmund na ikinataranta tuloy ni Jeremy.
"Ihatid mo sya ng maayos!"
"Si..sige po ... Sir! Goodnight po! Goodnight Eunice!"
"Hmp! Hindi mo na nga ipinaalam ang anak ko, hindi mo pa iuuwi ng maaga!"
Bubulong bulong na sabi nito.
"At ikaw!"
Nagulat si Eunice
"Ba..kit po Daddy?"
"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na makikipag date ka sa mokong na yun?"
"Daddy hindi naman po kami lang ni Jeremy, kasama po namin si Mel at si Ate Kate!"
"E bakit ikaw lang ang may flowers?"
Naiiyak na si Eunice. Bakit ba ganito ang Daddy nya.
"Bakit po ba kayo galit? Hindi ko naman po ginustong mag Mall, si Mommy lang nagutos kay Ate Kate na isama ako! Huhuhu!"
Saktong padating si Nicole para tingnan ang asawa dahil dinig hanggang loob ang boses nito.
"Ano bang pinagaawayan nyong mag ama dyan?"
"Mommy!"
Sabay takbo sa Mommy nya.
"Ikaw ang may utos na makipagdate sya sa mokong na Jeremy na yun?!"
"Hoy! Huwag kang sumigaw dyan! KASALANAN mo 'to!"
"Kung hindi ka nag schedule ng lakad na alanganin hindi maiiwan magisa itong anak mo sa bahay masama ang loob at umiiyak!"
Kaya inutusan ko si Kate na magpunta sila sa Mall at isama si Mel at Jeremy!"
"Anong pinagsasabi mong date? Group date ang tawag dun!"
"Halika na Eunice, pasok na tayo sa loob! Pagpasensyahan mo na yang tatay mo, tumatanda na kasi!"
Edmund: "...."
'Bakit ako na naman ang may kasalanan?!'