Nakakahalata na sila Jeremy at Eunice sa sunod sunod na nangyayari.
"May nagpaplano ng lahat ng ito!"
Sabi ni Jeremy sa kanya.
"...at ang plano ay paghiwalayin tayo!"
Dugtong ni Eunice
Salubong na ang mga kilay ni Jeremy.
Iritang irita na ito sa sunod sunod na atake sa kanila.
Nang may makitang may papalapit na naman na grupo, agad nya itong binulyawan.
"Sige subukan nyong lumapit!"
Handa na itong lumaban. Wala na syang pakialam kung makakasakit sya ng tao. Napipikon na sya sa mga pakialamerong ito.
Napatigil ang grupo at hindi alam ang gagawin. Natakot sila ng makitang nakahanda na ang mga kamao ni Jeremy. Tila wala itong pakialam kahit mga babae pa sila at mga bata pa!
"Jha... !"
Napalingon si Jeremy ng tawagin sya ni Eunice.
First time nyang madinig syang tawagin ni Eunice ng ganito.
At para syang music to his ear, nag lulundag ang puso nya.
"Let's go!"
Bulong ni Eunice
Sabay hila sa kanya para umalis.
Kailangan na nilang lumayo dito sa mga asungot na kanina pa nanggugulo sa kanila.
Pero ... nakakailang hakbang pa lang sila ng may humarang sa kanila. Ang grupong gusto silang pag hiwalayin. At pwersahan nilang tinulak si Eunice ng malakas kaya tumilapon ito.
"EUNICE!"
Sigaw ni Jeremy.
May mga humarang sa kanya para hindi nya ito malapitan pero binalya nya lahat sila.
"TABI! MAGSI TABI KAYO!!!"
Tumilapon ang mga naglakas loob na humarang sa kanya.
"Eunice!"
Nagaalala nitong nilapitan si Eunice upang alalayan.
"May masakit ba sa'yo? Saan?"
Tiningnan nya ang mga may gawa nito pero tumakbo na ang mga ito palayo.
"Kaya mo bang tumayo?"
Hindi nagsasalita si Eunice pero halatang nasaktan ito.
Sinubukan nyang buhatin si Eunice pero hindi nya kinaya.
'Mukhang kailang kong magpalakas pa!'
"Halika, kumapit ka sa akin!"
Magkasalop ang kamay ni Eunice na nasa leeg ni Jeremy habang
hawak hawak naman nito ang bewang nya at inalalayan syang tumayo.
"Mam okey lang po ba kayo?"
Tanong ng isang security na nagmamadaling lumapit sa kanila.
Isa ito sa bodyguard na sikretong nagbabantay kay Eunice. Hindi ito kilala ni Eunice dahil hindi nya alam na may bodyguard sya.
"Sir, may tumulak po sa kasama ko at kanina pa po sila nanggugulo sa amin!"
Paliwanag ni Jeremy.
"Huwag po kayong mag aalala Sir, hahanapin namin ang may gawa nito sa kanya!"
"Gusto nyo po ba ng tulong?"
Agad na nag utos ng wheelchair ang security pero tumanggi si Eunice.
"Huwag na po Sir, okey na naman po ako! Ayoko po ng wheelchair! Kaya ko naman pong maglakad!"
Ipipilit pa sana ng secret bodyguard ni Eunice ang wheelchair pero nakita nito ang mga mata nyang nagmamakaawa sa kanya na parang isang tuta, kinakausap sya.
'Ano ba Mamang Security, huwag ka naman pong KJ please! iwan mo na kami ni Jeremy ko!'
'Ninanamnam ko pa sya eh!'
Napakamot na lang sa ulo si Mamang Security at nagpaalam na para hanapin ang mga nanggugulo sa kanila.
"Sigurado ka bang okey ka lang ha?"
Tanong ni Jeremy sa kanya.
"Oo, okey lang ako Jha..!
Saka may pupuntahan tayo!
Hindi nila tayo masusundan dun at makakapag pahinga pa tayo dun!"
Dinala sya ni Eunice sa sinehan.
Sa Directors club.
"Gusto mong manood ng sine?"
Tanong ni Jeremy.
Tumango si Eunice.
"Anong gusto mong panoorin?"
"Halika, duon tayo!"
Nakangiting sabi ni Eunice
"Ha?"
Dirediretso silang pumasok sa loob pero hindi sila sinita dahil sa dala nitong VIP CARD
Sa loob na ng sinehan sila nagkita ni Kate at Mel na enjoy na enjoy sa panonood.
Samantala, sa labas...
Isa isang pinadampot ng secret bodyguard ni Eunice ang mga grupo na nanggulo sa kanila mula kanina at dinala sila lahat sa opisina ng Mall.
Mga Grade 9 students sila sa Ames Academy.
Inireklamo sila ng panggugulo ng peace and order at bullying ng customer.
Ipinatawag lahat ng magulang nila at guardian. Hindi sila pwedeng umalis hangga't wala ang mga ito.
Pinakita ng Head ng security at Manager ng Mall sa mga magulang ng mga bata ang mga pinag gagawa ng mga anak nila.
Nagulat ang mga magulang ng mga bata dahil hindi naman nagpaalam ang mga ito na magpupunta ng Mall!
Ang sabi lang sa kanila ay pupunta sa kaklase at gagawa ng project!
"Hindi po nag file ng kaso ang customer pero hindi po ibig sabihin hindi kami mag pa file!"
"Naistorbo ng mga anak nyo ang peace and order ng Mall na ito kaya po mula ngayon ay ban na sila na pumasok sa Mall na ito!"
"Teka, hindi naman pupwede yan! Bakit nyo kami basta basta I ba ban? Good customer kami dito!"
"Mga Sir/Mam yung mga bata lang po ang ban, kayo po pwedeng pumasok!"
"At anong gusto nyo iwan namin ang mga anak namin pag nagpunta kami sa Mall?"
"Opo! Yan po ang napagkasunduan namin ng Chief of police!"