Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 71 - Gutom Lang

Chapter 71 - Gutom Lang

Pagdating nilang apat sa mall, nakaramdam ng sakit ng tyan si Eunice na hindi nya maintindihan. Ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong pag sakit sa parteng ito ng tyan nya.

"Bakit Sissy, anong nangyayari sa'yo?"

Tanong ni Mel ng makitang biglang namilipit ito sa sakit.

"Ano kasi...!"

Hindi nya masabi dahil nahihiya sya kay Jeremy.

Pero obvious na may nararamdaman ito.

"Masakit ba ang tyan mo?"

Baka gutom ka na kumain! Mabuti pa kumain na muna tayo, gutom na rin ako e!"

"Siguro nga! Sige kain muna tayo!"

Kaya naghahanap muna sila ng makakainan na restaurant sa loob ng mall.

Medyo nawala ng konti ang sakit ng tyan nya ng kumakain na sila.

'Siguro nga gutom lang ako, kulang kasi ako sa kain lately eh! Hehe!'

Tuwang tuwa sya sa mga pagkaing inorder nya.

"Sissy kelan ka ba huling kumain ha? Kaya mo bang ubusin lahat yan?"

"Hindi kasi ako nag dinner kagabi!"

"Hindi ka rin ba nag breakfast?"

"Nag breakfast! Pero konti lang!"

"Saka, hindi ko naman inorder lahat yan para sa akin lang Besh! Syempre tutulungan nyo akong ubusin yan!"

'Asus! Kung alam ko lang sana hindi na ako umorder!'

Isang putahe lang kasi ang inorder ni Mel dahil natatakot syang baka hindi nya mabayaran.

Ito ang dahilan kaya marami ang inorder ni Eunice, para sa Beshy Mel nya.

"Don't worry Mel my friend, order ka lang! Treat ko!"

"Wow! Thank you Jeremy my friend! Pero tingin ko enough na 'tong inorder ni Sissy ko!"

Masaya silang kumakain at nagkukwentuhan ng muling kumirot ang tyan ni Eunice.

At mas masakit sya ngayon.

"I'm sorry guys pero need kong magpunta ng CR!"

At nagmamadali na itong lumabas na hindi na inantay ang sagot nila.

Walang sariling banyo ang restaurant na pinasukan nila kaya lumabas pa ito at nagpunta sa CR ng mall.

Mahaba ang pila kaya lumipat sya sa taas. Lalo kasing tumitindi ang kirot sa bandang ibaba ng tyan nya.

Pag pasok nya sa cubicle nanlaki ang mga mata nya sa nakita nya.

Sisigaw na sana sya pero naalala nyang nasa public place sya kaya tinakpan nya ang bibig nya at sumigaw ng tahimik habang umiiyak sa loob ng cubicle. Natatakot syang baka may makarinig sa kanya.

"Anong gagawin ko? Huhuhu! Mommy! Mommy ko! Huhuhu!"

Sambit nya habang tinatawagan ang ina.

Kaya laking gulat ni Nicole ng sagutin nya ang phone at marinig na umiiyak ang anak.

Buti na lang natapos na ang meeting at wala na ang mga teacher.

"Mommy, Mommy please help me! Please! Huhuhu!"

"Honey, anak, bakit? Anong nangyari sa'yo?"

Kinakabahang tanong ni Nicole

"Mommy, Mommy please come here po! please! Huhuhu!"

"Asan ka ba anak!"

"Sa CR po, Mommy sa mall please hurry po! Huhuhu!"

"Okey anak andyan na ko, wait for me Okey!"

'Ano bang nangyayari dun sa batang yun?'

Kumakabog ang dibdib nya sa kaba.

Nagmamadali na syang nagtungo sa mall, kinakabahan. Sari sari ang pumapasok sa isip sa kung anong nangyayari sa anak.

Samantala, napansin ni Mel na hindi pa bumabalik si Eunice.

"Teka, bakit wala pa si Sissy? Diba nag CR lang sya?"

Nagaalala na rin si Kate at Jeremy.

"Mabuti pa tatawagan ko!"

Sabi ni Kate.

"Eunie, where are you?"

"Ate Kate, huhuhu!"

"Anong nangyari? Asan ka?"

"Nasa cubicle ng CR!"

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Please Ate Kate lower your voice! Baka madinig ni Jeremy nakakahiya!"

Bulong nito.

'Jusmiyo 'tong pinsan ko may problema na sya si Jeremy pa din ang iniisip!'

"Bakit anong nangyari kay Eunice?"

Tanong ni Jeremy ng makita ang itsura ni Kate.

Nadinig sya ni Eunice.

"Ate Kate, please sabihin mo wala! Sabihin mo please!"

"Wala daw problem, mahaba siguro ang pila!"

Pagdadahilan ni Kate

"Eunie susundan kita dyan!"

Si Nicole ay nasa mall na rin ng mga oras na iyon at tinatawagan ang anak pero hindi nya makontak.

"Bakit busy ang phone nya?"

"Busy din ang phone ni Kate!"

Tinawagan nya si Jeremy

"Tita magkausap po sila ni Kate!"

"Ganun ba, andito kasi ako sa mall nasan ba si Eunice?"

"Nasa CR po! Tapos na po silang magusap ni Kate Tita!"

Muling tinawagan ni Nicole ang anak.

"Honey anak, nasa mall na ako, asan ka?"

"Andito po sa CR sa 3nd floor po?"

"Ano? kanina ka pa sa CR diba? Anong ginagawa mo dyan?"

"Basta po come here please Mommy, huwag na po kayo mag ask! Huhuhu!"

"Okey! Okey!"

'Jusmiyo itong anak ko, tinataranta ako ng husto!'

Pagdating sa CR nakita nya ang anak sa dulong cubicle at pumasok ito.

"Anak what happen?"

"Mommy hindi ko po alam ang gagawin ko! Natatakot po ako at nahihiya!"

At inakap nito ng mahigpit ang ina.

"Teka, anak huminahon ka nga muna! Andito na si Mommy! Okey!"

"Now tell me, ano bang nangyari bakit ka umiiyak at natatakot ha?"

"eh kasi... kasi po...."

At ipinakita nya sa ina ang dahilan kung bakit sya umiiyak at natatakot.

Nasapo ni Nicole ang noo nya ng malaman ang dahilan ng pagiyak ng anak.

'Jusmiyong batang ito, ang sarap batukan!'

'Akala ko kung anong nangyari sa kanya, may menses lang pala!'